All people, good or
bad, end up dying. Pero hindi naman ibig sabihin na maging masama ka na lang.
Death levels and renders everything
useless. So habang buhay, be happy! That is his message! Inulit na naman
niya—enjoy eating and drinking. Sabi niya, “Go! Eat your food with gladness!
And drink your wine with joyful heart. For it is now that God favors what you
do.” Kaya pag kumakain, huwag kayong nagmamadali. Enjoy your food. Huwag lunok
nang lunok. Una, baka ka mabilaukan. Pangalawa, baka ka magkaroon ng
indigestion. Pangatlo, ang pagkain masarap lang sa dila dahil nandun yung taste
buds. Matapos lumampas yon at at nasa esophagus na, it is already tasteless.
And then it becomes excess baggage. Kaya dapat hindi mo yan nilulunok agad
kundi ninanamnam-namnam! Biruin mo, inilagay ng Diyos sa ating dila ang mga
taste buds na yan. Magkalinya-linya pa yung taste ng asim, ng tamis, ng pakla,
ng pait, ng alat. Linya-linya pa yan para talagang dahan-dahan mong nalalasap.
Para masabi mo. “Wow! Ang sarap naman ng asim ng sukang Paombong! Napakasarap
naman nitong asim ng magga at maalat ng bagoong.” Ang sarap-sarap! Tapos
lulunukin mo lang agad? Kaya dapat, ninanamnam.
So, kung makikinig ka kay Solomon, dagdagan mo ang oras mo
sa pagkain. Haba-habaan mo. Lalo na kung may mga kausap ka, when you have
company. This is what life is all about. Kasi, sabi niya, baka bukas bigla ka
nang matumba, mamatay ka na. So habang nandito ka, enjoy what is available.
Sabi niya, be happy. It is important to be happy. Seize the moment. Huwag nang
palampasin.
Maraming tao wala nang ginawa kundi magtipid.
Tipid-tipid-tipid! “Kailan po tayo kakain ng masarap?” “Fifteen years from now
anak. Makakakain na rin tayo ng masarap.” “Buhay pa ba tayo non?” I have seen
so many people na walang ginawa kundi magtipid nang buong buhay nila. Nung
namatay pinag-agaw-agawan lang tuloy yung namana ng kung sinu-sino. Do not
allocate today’s blessings for tomorrow’s needs. Tomorrow’s needs will have
tomorrow’s blessings. Kaya nga ang dasal, “Give us this day our daily bread.”
Huwag nyo laging i-suspend o i-delay ang enjoyment. Kung minsan sadism na ang
tawag don. Yung wala kang inisip kundi, “Balang araw mag-e-enjoy din ako.” Nandiyan
ka pa ba non? Sigurado ka ba na nandiyan ka pa ba balang araw? Kaya importante,
while we work and save for the future, we don’t neglect enjoying everyday.
Today can be your last.
No comments:
Post a Comment