Saturday, April 20, 2019

Do Not Be Oppressed By The Standards Of The World


Get as much out of life as you can, in spite of the lack of justice and logic. Be happy.

Eat and drink whenever you can. Yung iba diyeta nang diyeta hindi naman balak lumaban sa Miss Universe. Hindi tuloy kayo sumasaya. Huwag namang maging overweight dahil baka kayo matumba wala nang makabuhat sa inyo. Pero huwag namang payat na payat at humpak na humpak ang pisngi nyo. Nangangayayat, nangangalirang, tuyung-tuyo ang balat tapos pale na pale. Pag may nakasuot sa ‘yung baro mukhang hanger ka na. Why be oppressed by the standards of the world? Hindi ka naman mag-e-endorse ng bikini, hindi mo naman balak lumaban sa beauty contest. So bakit mo pinapahirapan ang iyong sarili? Tandaan ang sabi ni Solomon—eat and drink and enjoy. But don’t overeat and overdrink. Don’t undereat and underdrink either.

 Mayrong kumakain pa lang iniisip na kung anong iinumin para siya magsuka. Huwag kayong magpa-uto sa mass media at sa advertising. Bawat tao mayron talagang frame na ibinigay ang Diyos. 
Mayron talaga siyang design at ganun talaga yung mass niya. Hindi tayo pare-pareho. Hindi lahat pwedeng maging kamukha ni Julia Roberts. Dapat may kamukha rin si Donya Buding. Basta huwag lang naman tayong excessively fat na unhealthy na. Tama nga ang iyong timbang according to the standards of the world pero wala ka namang kabuhay-buhay. Everybody’s beautiful—hindi ko kayo inuuto! Sabi yan ng Diyos. Alam nyo naman ang Diyos mapagmahal kahit sa makasalanan so nagagandahan siya sa bawat isa.

Enjoy and be ready for anything! Bakit itinuturo ni Solomon yung enjoyment? Kasi sabi niya walang logic ang buhay and sometimes biglang dumarating ang disaster. At least, kung biglang dumarating, hindi ka magsisisi. Dahil nung may panahon ka, na-enjoy mo yan. Pag dumarating ang low moments mo, naghihirap at hindi mo makain ang gusto mong kainin, at least naaalala mo na once upon a time, pinagsawaan mo rin yang masasarap. This gives you strength in your difficult days. And sometimes this is enough to sustain you until the next round of blessings come your way. So habang may chance, enjoy it.

No comments:

Post a Comment