Blood was considered life in the Old Testament and was
forbidden as food. But the New Testament declared that all foods sold in the
meat market could be eaten. Was blood ever sold in the meat market in the Old
Testament? Walang record na ganito sa Old Testament, so gray area. Pero malinaw
sa New Testament na lahat ng pwede mong kainin na nabibili sa palengke ay
puwedeng kainin.
Kapag bumili tayo ng
meat, sa totoo lang, wala namang guarantee na ito’y 100% na walang dugo. Sa
Corinth, isa sa mga discussion nila ay ang Christian liberty. Isa lang ang
gusto kong i-highlight or i-focus dito sa Christian liberty. Lahat ay pwede
mong kainin pero alang-alang sa isang kapatid na hindi acceptable sa kanya ang
pagkain ng dinuguan, huwag kang kumain nun.
Para huwag nang maging isyu at para hindi magulo ang buhay,
kumain na lang kayo ng iba. Ang dami pa namang putahe sa mundo—merong dinengdeng, kare-kare, bulanglang—ang dami pa!
Kung umalis na siya, eh di kumain ka nang kumain ng gusto mo. Walang natitisod.
Ang point is, meron kang freedom na gawin ito pero hindi mo siya gagawin kung
merong kapatid na matitisod.
Napakalaking contention itong dinuguan na ito. Kaya ako
mismo, tumigil na ring kumain nyan, dahil in the first place, talaga namang
marumi ang dugo. (Pero paminsan-minsa’y napapakain din.)Kita nyo pag may sakit
kayo, iba-blood test kayo, kita sa dugo nyo. Kaya hindi naman siguro
napakalaking kawalan sa atin na tumigil
kumain nyan para na lang matigil itong
isyu na ito. Sinabi ni Lord sa Matthew 15:17-18, it’s not important what gets
into the mouth but what gets out of it. Yet, let us not go to war on this
issue. Marami pang higit na mahalaga.
No comments:
Post a Comment