Thursday, June 13, 2019

Tama ba na ang isang Kristiyano ay manood ng sine o pumasok ng sinehan?


Ang kabanalan ay wala sa lugar. Ito ay nasa puso. Pwedeng nakaupo kayo doon sa loob ng simbahan pero yun pala, mala-Sodom and Gomorrah ang takbo ng utak nyo.

Yung iba, kaya conservative tungkol sa sine ay dahil maraming himala ang nangyayari diyan sa kadiliman. Dalawang tao, iisa ang anino. Nung lumapit ka, Ay dalawa pala ito! Akala ko isa.

Depende rin yan sa pinanonood. Halimbawa, manonood kayo ng horror, I don’t think it’s good. Una, dahil nago-glorify yung gawa ng masasamang espiritu at ng kadiliman. Second, maaapektuhan din kayo, magkakaroon kayo ng fears. Third, ang pera nyo na galing sa Diyos, ibinibigay nyo sa mga producers ng horror movies.

 Anong gagawin nila? Magpro-produce pa ulit sila. Ganun din yung sex-oriented films. Yung pera nyo binibigay nyo sa gumagawa ng malalaswang pelikula. Eh, di siyempre ang ibig sabihin noon, gumawa pa ulit sila. So dapat pinipili  natin kung anong tinatangkilik. Pero kung sabi ng pastor nyo, huwag kayong magsine, sundin nyo siya, huwag ako.


1 comment: