Sunday, November 27, 2022

IWASAN ANG MGA HINDI MAKA-DIYOS NA MGA DALDALAN

 

2  Timothy 2:16 Avoid godless chatter.

Iwasan ang mga hindi maka-Diyos na mga daldalan. Walang uuwiang mabuti yan.

Ephesians 4:29 Do not let any unwholesome talk come out of your mouths but only what is helpful for building others up according to their needs, that it may benefit those who listen. Bantayan ang bibig. Kung binabantayan natin yung taynga na huwag tambakan ng poison ng iba, binabantayan naman natin ang ating bibig na huwag magtambak ng poison sa taynga ng iba at huwag manira ng iba. Our words can be like honey that will soothe, refresh and serve those people around us who’ll  get it. Our words can also be life acid that can destroy people. We should be watchful. Huwag daw payagan na may mga unwholesome talk na lumalabas sa ating mga bibig. At pag may lumalabas na words sa ating bibig, dapat umiimprove ang image at stature ng taong pinag-uusapan natin sa mga listeners. We will be responsibe for destroying a person. At hindi nakakatulong sa nakikinig na pangit at kapintasan ng iba ang lumalabas sa ating bibig. Kasi sila man ang mai-influence natin na maniwala at nagkasala na rin sila. Naging biased na rin sila. Na-subvert na rin yung truth. In other word, we cause them to sin. Talk about the good. Pag ino-obserbahan ko yung mga taong miserable, malungkot at masusungit, usually ang mga topic nila yung mga nakakainis na bagay. Hindi pa ako nakakita ng tao na ang sungit-sungit pagkatapos pag nagsalita siya ang topic nya ay “ ang bango-bango ng sampaguita.” Wala pang ganun. Usually ang mga topic nya’y mga kapangitan. “Ang traffic-traffic!” Totoo naman pero bakit lagi mo pang sasabihin? Lalo ka nang naapektuhan. Ano’ng gagawin mo? Refuse to talk about it all the time and refuse to listen about it all the time. What’s so new about it? “Ang init-init!” Siyempre, nasa Pilipinas ka, e. Tropics ito. Pumunta ka sa Norway. Kwarenta anyos ka na, singkwenta anyos. Hindi mo pa ba alam na mainit sa tropics? “Malamok!” Syempre nasa tropics ka, e. Di magdala ka ng kulambo at katol. Pero reklamo ka nang reklamo. If you always talk about such things, what will happen to you? Mawawala ang inyong happiness and contentment. Maguguluhan ang inyong isip. Napakahirap.

Psalm 105:2 Sing to Him. Sing praise to Him: tell of all his wonderful acts.

Kung mayroon daw na ilalabas ang ating bibig, dapat mga pag-awit at papuri sa Panginoo. Ikwento ang mga kabutihan ng Panginoo. Hindi laging ikinukwento ninyo yung ginagawa ng biyenan ninyo na nakakainis. Yun na lang nang yun. Wala nang bago. Kung minsan, makahalata tayo. Iniiwasan na tayo ng tao. Ayaw na tayong kausap. Kasi siguro tuwing bubuka yung bibig natin ay reklamo, daing at kung anu-anong mga problema ang maririnig. Hindi nakaka-edify sa kapwa. And do you know that it’s very selfish to always talk about the bad things? Kasi tinatanggalan nyo ng happiness yung tao sa paligid nyo. Inililipat nyo sa kanya  yung inis, yung galit. It’s unkind. Kaya tinitingan din natin yun. Hindi yung ang saya-saya ng tao, darating ka, biglang natanggal yung happiness nya nang kinausap nyo. Parang may dumating sa kanyang salot. And that salot could be you. So we watch our tongue. Optimistic people talk about God’s goodness, graciousness and greatness. But people who often talk of negative things discourage themselves, disappoint others and displease God. God says to let good things come out of our mouths.

Nakita nyo ang mga taga-Israel? Pag reklamo nang relamo, puro negative ang sinasabi, kung anu-ano na ang ginawa ng Diyos. Binuka ang lupa. Pinakain sila sa lupa. Lumubog silang buhay. Pinadalhan sila ng mga ahas na tinuklaw-tuklaw sila. Sari-sari. Ayaw ng Diyos ng mga negative things coming out of our mouths. In the right forum, It’s okay. Kung mayroong discussion at analysis, yes, why not? Para ma-improve ang situation. Pero yung bubuka yung bibig mo na lang, ganun na lang nang ganun ang naririnig sa iyo? Wala namang naa-accomplish. Lumulungkot ka lang. Lumulungkot ang iba. Natutuwa si satan because satan doesn’t want you to be happy. So, you have to fight for your happiness. Kung minsan, ang happy-happy mo, may darating na tao na sa expression pa lang nya, alam mo na ang sasabihin sa iyo. “Please don’t talk to me. Masaya ako ngayon, Huwag mong sirain ang araw ko ha? Tuwing leap year ka lang pupunta sa akin. “Kasi may taong ganyan. Tuwing darating sa iyo, iinisin ka’t gagalitin ka.

Ngayon, kung talagang very legitimate yung concern nya, makakapag-control ka, makakapag-pray, why not? You might accomplish something positive. But by now, you should know how to examine people around you and what they do to you and how they influence you. And also what you do to them and how you influence them. Happiness is the primary duty of life. Hindi naman tayo nilikha ng Diyos para maging malungkot at sasabihing “Lilikha nga ako ng tao’t palulungkutin ko sila araw-araw. Ha ha ha ha ha!” Hindi naman siguro ganun ang Diyos. Gusto nya tayong mag-enjoy. Gusto nya tayong sumaya. So, you have to fight for your happiness. It is your birthright as a child of God. You don’t permit people to take that away from you. That’s why you don’t cling to people or become too dependent on them. You don’t love people too much because that is when your sadness begins.

Kaya sabi ni Lord, “Love the Lord your God with all you heart, with all you soul, with all your mind. “Unahin Siya. Pag inuna nyo yung tao’t mahal na mahal nyo, e, ang tanong, mahal ba kayo? Mahal kayo ngayon, mahal pa ba kayo bukas? E di kawawa ka naman ngayon. Kakaway-kaway ka ng puting panyo pag iniiwan-iwanan ka. Mamahalin natin ang tao pero hindi natin siya ginagawang idol. Hindi siya ang dios ng buhay natin. I Pag iniasa nyo sa isang tao yung kaligayahan nyo, I’m telling you, you’ll be sad. Kasi iiwan ka naman nyan. At kung hindi ka naman nya gustong iwan, e, mamamatay naman. Di naiwan ka rin. Pareho rin ang ending. Iiyak-iyak ka rin. Kaya, kailangan yung pagmamahal natin ay sa Diyos. Siya yung center. Siya yung focus. We love people but not excessively to the point that they become idols and little gods in our life.

Nakita nyo si Abraham? Ano’ng hiningi sa kanya ni Lord na offering? “I-offer mo nga si Isaac. “Baka nagiging dios-diosan na ng buhay nya, e. Baka sa sobrang paghihintay at nang dumating, naging idol na nya. The Lord wanted it proven na hindi yun nangyayari. Abraham passed the test. So Isaac was not taken anyway. Ang buhay natin umiikot sa Diyos. Pag pinaikot nyo sa tao, yung sinabi nya’t hindi sinabi can make you happy or sad. Kawawa naman kayo nun. Wala kayong center. You’re like a vine. Hindi kayo makatayo nang mag-isa. Nakapulupot lang kayo para makarating sa taas. Pag nawala yung pinupuluputan nyo, tanggal na rin kayo. Dapat mayroon kayong sariling trunk and branches. Not a vine that clings.                                                                  

Thursday, November 24, 2022

PANALANGIN PARA SA MGA NALULUGMOK AT NAWAWALAN NG PAG-ASA

 

Aming Diyos, kayo po ang aming nilalapitan. Wala namang iba e. Wala kaming kinikilala at gustong lapitan pa. Dumadaan kami sa lungkot, hirap, inip, pagkabagot at kung minsan, kawalan ng pag-asa. Buksan nyo po an gaming isip upang maunawaan namin ang aming sariling damdamin. Ipabatid nyo sa amin, Panginoon, ang lunas na nagmumula sa inyong kapangyarihan. Ituro nyo sa amin ang higit na lalong mataas at magandang pamamaraan ng pamumuhay. Hindi nyo po kami nilikha para palungkutin. Hindi namatay ang inyong Anak na si Hesus para lamang magparanas sa amin ng lungkot, kung hindi siya ay nabuhay na muli upang sagipin kami sa lahat ng bagay na hindi mabuti. Ano pa man ang dahilan ng kalungkutan, imilalapit namin sa inyong mapagpalang kamay at sa inyong maibiging puso ito. Pawiin ninyo, Panginoon at palitan nyo po ng kapayapaan.

Pagpakitaan nyo Kami ng inyong kaliwanagan. Pagparamdaman nyo kami ng inyong kapangyarihan. Yakapin nyo kami at pawiin ang aming mga agam-agam. Pahirin nyo ang mga luha sa aming mga mata. Bigyan nyo at palitan ng sigla ang aming mga panlulumo. Palakasin nyo ang aming mga kahinaan at paliwanagin ang aming mga kadiliman. Pagalingin nyo ang aming mga karamdaman. Sagutin nyo ang aming mga katanungan.

Panginoong Diyos, salamat sapagkat kahit na dumarating ang mga kalungkutan at mga panghihina, nadiyan kayo. Anuman ang babaan namin at akyatin, nandoon kayo. Bagama’t ang buhay na ito’y maaaring mapuno ng mga hirap, pagsubok at pasanin, hindi naman nawawalan ng tulong na available from you and your teachings.

Ipakita nyo kung mayroon kaming mga dapat baguhin sa aming ugali para mas sumaya kami. Ipakita nyo rin, Panginoon, kung mayroon kaming napapabayaan para mas maging responsable naman kami. Nawa maging tagapagpalaganap kami ng kaligayahan sa aming paligid. Kung alam na namin ang dapat gawin, bigyan nyo kami ng isang matibay na pasiya na itigil ang mali at gawin ang tama  para mawala ang mga pabigat na kami mismo ang naglalagay. Ipakita nyo po kung ano ang personal naming pananagutan at nang ito’y mapagsisihan, maisuko sa inyo’t matigilan.

Wala na kaming maipagmamalaki, wala na kaming mahuhugot na mga kakayahan para lutasin ang aming mga kabigatan. Tanging habag nyo ang aming hinihingi. Kahabagan nyo po kami sa kabigatang dinadalaa namin. Bigyan nyo kami ng bagong pag-asa, bagong sigla, bagong dahilan para mabuhay nang may kasiyahan at may anticipation ng mga blessing nyo araw-araw.

Kayo lamang ang makakagamot sa amin. You are our Physician and our Healer. Give us the wisdom to undrerstand the dynamics of this sadness. Give us the wisdom to know where it comes from so we may uproot it and refuse to have it in our lives. We know, O God, that we don’t deserve to ask for these things. But you promised that you will give when we ask you will open the door when we knock. So we ask and knock in the name of Jesus, your Son, that you give rest to our weary souls.

Kayo nawa ang maging kasiyahan namin at nang hindi naman kami naghahanap-hanap pa ng kung anu-ano. Ituro nyo sa amin, Panginoon, na kung nariyan kayo ay kumpleto na ang buhay namin, na ang lahat ng iba ay dagdag na lamang. Dahil kayo ang tunay naming kailangan. Nawa, Panginoon, kayo po ang aming kagalakan, kayo ang aming maging number one na gustong kasama, kayo ang maging tunay na mahal namin sa buhay at nang sa gayon hindi na kami mangulila pa dahil hindi naman kayo mawawala, hindi ninyo kami iniiwan.

Marami pong salamat sa gagawin nyo at ginagawa na ninyo sa aming buhay. Umaasa po kami sa inyong habag, kabutihan at kapayapaan, sa makapangyarihang pangalan ng inyong Anak na si Hesus, Amen.

Saturday, November 19, 2022

TAKE FOOD AND DRINK

 

Another way out of depression according to the story is food and drink. Maraming dramang bukid at lungkot dahil sa gutom lang. Kaya maraming mga sumasama ang lagay sa sobrang pagdi-diyeta. Mayroon pa ngang tuluyang namamatay, mayroong nade-depress kasi sa pagtitiis na huwag kumain para mapagkasya ang kanilang katawan sa sinturon ng payong. Nagkaka-depress-depress dahil nagkaka-imba-imbalance ang chemistry ng katawan.

GENESIS 1:29 Then God said, “ I give you every seed bearing plant on the face of the whole earth and every tree that has fruit with seed in it. They will be yours for food.”

Isang chapter pa lang ng Genesis, ang inaasikaso na ng Diyos ay ang pagkain ng tao. Ibig sabihin, dapat kumain ang tao.

Matthew 11:19 “The Son of Man came eating and drinking and they say, “Here is a glutton and a drunkard.”

Maski kailan hindi natin nakitang nag-fast ang Panginoong Hesus except for the forty days when He was being tried by the devil. He focused on the trial or on whatever He is doing but elsewhere He was always eating and drinking. Kaya ang tinawag sa Kanya ay “matakaw” o glutton at drunkard ng mga critics Nya na laging nag-aayuno. Sabi nila, “Bakit hindi nag-aayuno yung amo ninyo? Di tulad namin.” Ini-equate ng maraming tao yung kabanalan sa pag-aayuno. But what we need is physical sustenance. Eating not only gives you chemical balance but also social balance because it is expected that you eat with other people. Hindi ka lang nagpunta sa isang sulok at sinaksakan mo ng kung anu-anong bitamina ang loob ng iyong sikmura kung hindi may pakikisalamuha at pakikipagkapwa na nangyayari kapag kumakain ka. Napakahusay nating mga Pilipino dyan. Marahil dahil mayroon din tayong background of slight poverty. Alam natin kung ano ang nararamdaman ng nagugutom at kinakapos sa pagkain kaya tuwing may kinakain tayo, kahit may kagat na yung sandwich natin, sasabin natin. “Gusto mo?” Nang-aalok pa tayo. Hindi pwede sa atin yung kumakain tapos hindi tayo nang-aalok. Kasi gusto natin makasama ang tao sa ating pagkain. Pakikisalamuha. At yun ang ginagawa ng Panginoon noon. He was not eating just for the sake of eating, but He was also socializing because He was giving them the kingdom of God. And the Lord was dealing with people where they were. Hindi Nya pinapunta sa temple. Hindi Nya pinapunta sa seminaryo, hindi Nya pinapunta doon sa matataas na tore ng relihiyon. Pinuntahan Nya ang mga tao kung saan naroon sila kung kaya Siya ay na-criticize ng mga mapagkunwaring mga relihiyosong tao ng Kanyang panahon. Ang sabi ni Solomon na pinakamarunong na tao

Ecclesiastes 8:15….nothing is better for a man under the sun than to eat and drink and be glad. Then joy will accoumpany him in his work all the days of the life God has given him under the sun. There’s nothing wrong with taking life easy, eating, drinking and being marry. But what’s wrong is when there’s no balance. When you do it against your personal holiness or against the teachings of God. Pero gusto ng Diyos na tayo’y magkaroon ng abundant life.

Sunday, November 13, 2022

HUWAG SOBRANG MAHALIN ANG MUNDONG ITO

 Wag sobrang mahalin ang mundong ito, bagamat dapat tangkilikin at dapat pagsumikapang ayusin, linisin, pagmalasakitan. Do not love life in this world too much because we are just pilgrims passing through. Nakikiraan lang tayo sa mundong ito at hindi naman tayo talagang magtatagal.

James 4:14 What is your life? You are a mist that appears for a little while and then vanishes.
Ang buhay daw ay para lamang isang usok na sandaling-sandali lang nandyan at pagkatapos ay nawawala.
Hebrews 9:27 Man is destined to die. Whenever I am asked to deliver a message in a funeral, I always have a little regret inside of me. I always think it would have been better to deliver the message before a loved one died. Dapat kasing inihahanda ang mga anak ng Diyos sa pagharap sa mga kapaitan ng buhay. At isa na dyan ay ang kamatayan ng mga mahal natin sa buhay dahil tiyak na darating yun. Mahirap magbigay ng ginhawa o comfort sa isang taong kaharap na ang bangkay ng kanyang mahal sa buhay.
Dapat bago pa man mangyari yun, nakahanda na ang ating loob sapagkat tiyak na mangyayari. The Bible says man is destined to die.
1 John 2:15 Do not love the world or anything in the world. If anyone loves the world, the love of the Father is not in him.
So anything that is physical and fleeting must not be loved too much. That includes peopl

Okay lang bang manood ng X-rated movie ang mag-asawa?

 Para namang may problema kayo kung kailangan nyo pa ng mga visual aid. Hindi pa ba kayo sapat? Kasi nami-misuse natin ang katawan ng iba, katawan nila yun! Ang katawan ay templo ng Espiritu. I don’t think that even married couples should watch this. It is sick! If you need to watch it kahit may asawa ka na, ano ang problema nyo? Sabi nga ni Paul, if you’re aflame with passion, marry. Ibig sabihin, lahat ng iyong init, lahat ng iyong bugso ng damdamin, i-focus mo sa iyong asawa. Bakit kailangan mo pa ng visual aid?


WORK FOR THE GOOD

 

Kaya siguro isa sa Ten Commandments yung “Six days you shall labor” ay dahil people who work have more capacity to be happy. The human body was designed in such a way that it should work and move to the point that if it doesn’t, it atrophies. Ano’ng mangyayari sa’yo? Humihina ang iyong mga buto, mga laman  hanggang mamaya hindi ka na makaka-function. Kaya magkakaroon ng mga sakuna yung mga tao. Mga kung anu-ano ang ginagawa. Tini-theraphy. Pinapakilos, pinapagalaw. Kaya hindi ka sasaya na hindi ka gumagalaw. Ang tao dapat kasi nagtatrabaho. Kumikilos. Kaya tingnan nyo yung mga nasa mga preso. Sa kawalan ng magawa, hanggang sa loob ng bote ng Tentay patis, gumagawa ng barko. Kasi kailangang mayroon kang ginagawa. Maraming taong miserable kasi idle. Walang ginagawa o kaunting-kaunti lang ang ginagawa. We should not be idle. We should work for the good.

Sa first cyle, you work because your parents expect you to. Pinag-aaral ka. Binibigyan ka ng trabaho. “maghugas ka ng plato. Do your bed. Do this and that.” You work para hindi ka mapagalitan. Then ga-graduate ka. You work para ka magkaroon ng pera, ng ganito’t ganyan at makatulong sa mga mahal sa buhay. Doon kailangan nagte-third cyle ang tao in this life. Kung pinahaba ng Lord ang buhay natin, you work for the good. You work for pleasure. You work because it’s good for you and it’s good for others. No longer because you have to survive. I believe that the design of God is that men could work hard and prosper enough so that in the latter part of their lives, they will have the luxury to choose what work they like to do, what makes them very happy and useful to their fellowmen, to their church and country. That is why it is important to work for the good.

It’s pathetic if we’re sill working to survive hanggang sa namamatay na lang tayo, it’s our option to do this or that. Hindi yung muhing-muhi ka sa gainagawa mo hanggang tumanda ka na. Wala kang magawa kasi pag hindi mo ginawa yun, hindi ka kakain bukas. Parang nakakasira ng dignity yun ng tao. Wala kang magawa kasi pag hindi mo ginawa yun, hindi ka kakain bukas. Parang nakakasira ng dignity yun ng tao. Kaya mahalaga ang sabi nung kanta, “ A man must break his back to earn his days of pleasure.” Para dumating yung point that you can do what is good.