Another way out of depression according to the story is food
and drink. Maraming dramang bukid at lungkot dahil sa gutom lang. Kaya maraming
mga sumasama ang lagay sa sobrang pagdi-diyeta. Mayroon pa ngang tuluyang
namamatay, mayroong nade-depress kasi sa pagtitiis na huwag kumain para
mapagkasya ang kanilang katawan sa sinturon ng payong. Nagkaka-depress-depress
dahil nagkaka-imba-imbalance ang chemistry ng katawan.
GENESIS 1:29 Then God said, “ I give you every seed bearing
plant on the face of the whole earth and every tree that has fruit with seed in
it. They will be yours for food.”
Isang chapter pa lang ng Genesis, ang inaasikaso na ng Diyos
ay ang pagkain ng tao. Ibig sabihin, dapat kumain ang tao.
Matthew 11:19 “The Son of Man came eating and drinking and
they say, “Here is a glutton and a drunkard.”
Maski kailan hindi natin nakitang nag-fast ang Panginoong
Hesus except for the forty days when He was being tried by the devil. He
focused on the trial or on whatever He is doing but elsewhere He was always
eating and drinking. Kaya ang tinawag sa Kanya ay “matakaw” o glutton at
drunkard ng mga critics Nya na laging nag-aayuno. Sabi nila, “Bakit hindi
nag-aayuno yung amo ninyo? Di tulad namin.” Ini-equate ng maraming tao yung
kabanalan sa pag-aayuno. But what we need is physical sustenance. Eating not
only gives you chemical balance but also social balance because it is expected
that you eat with other people. Hindi ka lang nagpunta sa isang sulok at
sinaksakan mo ng kung anu-anong bitamina ang loob ng iyong sikmura kung hindi
may pakikisalamuha at pakikipagkapwa na nangyayari kapag kumakain ka.
Napakahusay nating mga Pilipino dyan. Marahil dahil mayroon din tayong
background of slight poverty. Alam natin kung ano ang nararamdaman ng nagugutom
at kinakapos sa pagkain kaya tuwing may kinakain tayo, kahit may kagat na yung
sandwich natin, sasabin natin. “Gusto mo?” Nang-aalok pa tayo. Hindi pwede sa
atin yung kumakain tapos hindi tayo nang-aalok. Kasi gusto natin makasama ang
tao sa ating pagkain. Pakikisalamuha. At yun ang ginagawa ng Panginoon noon. He
was not eating just for the sake of eating, but He was also socializing because
He was giving them the kingdom of God. And the Lord was dealing with people
where they were. Hindi Nya pinapunta sa temple. Hindi Nya pinapunta sa
seminaryo, hindi Nya pinapunta doon sa matataas na tore ng relihiyon.
Pinuntahan Nya ang mga tao kung saan naroon sila kung kaya Siya ay na-criticize
ng mga mapagkunwaring mga relihiyosong tao ng Kanyang panahon. Ang sabi ni
Solomon na pinakamarunong na tao
Ecclesiastes 8:15….nothing is better for a man under the sun
than to eat and drink and be glad. Then joy will accoumpany him in his work all
the days of the life God has given him under the sun. There’s nothing wrong
with taking life easy, eating, drinking and being marry. But what’s wrong is
when there’s no balance. When you do it against your personal holiness or
against the teachings of God. Pero gusto ng Diyos na tayo’y magkaroon ng
abundant life.
No comments:
Post a Comment