Sunday, November 27, 2022

IWASAN ANG MGA HINDI MAKA-DIYOS NA MGA DALDALAN

 

2  Timothy 2:16 Avoid godless chatter.

Iwasan ang mga hindi maka-Diyos na mga daldalan. Walang uuwiang mabuti yan.

Ephesians 4:29 Do not let any unwholesome talk come out of your mouths but only what is helpful for building others up according to their needs, that it may benefit those who listen. Bantayan ang bibig. Kung binabantayan natin yung taynga na huwag tambakan ng poison ng iba, binabantayan naman natin ang ating bibig na huwag magtambak ng poison sa taynga ng iba at huwag manira ng iba. Our words can be like honey that will soothe, refresh and serve those people around us who’ll  get it. Our words can also be life acid that can destroy people. We should be watchful. Huwag daw payagan na may mga unwholesome talk na lumalabas sa ating mga bibig. At pag may lumalabas na words sa ating bibig, dapat umiimprove ang image at stature ng taong pinag-uusapan natin sa mga listeners. We will be responsibe for destroying a person. At hindi nakakatulong sa nakikinig na pangit at kapintasan ng iba ang lumalabas sa ating bibig. Kasi sila man ang mai-influence natin na maniwala at nagkasala na rin sila. Naging biased na rin sila. Na-subvert na rin yung truth. In other word, we cause them to sin. Talk about the good. Pag ino-obserbahan ko yung mga taong miserable, malungkot at masusungit, usually ang mga topic nila yung mga nakakainis na bagay. Hindi pa ako nakakita ng tao na ang sungit-sungit pagkatapos pag nagsalita siya ang topic nya ay “ ang bango-bango ng sampaguita.” Wala pang ganun. Usually ang mga topic nya’y mga kapangitan. “Ang traffic-traffic!” Totoo naman pero bakit lagi mo pang sasabihin? Lalo ka nang naapektuhan. Ano’ng gagawin mo? Refuse to talk about it all the time and refuse to listen about it all the time. What’s so new about it? “Ang init-init!” Siyempre, nasa Pilipinas ka, e. Tropics ito. Pumunta ka sa Norway. Kwarenta anyos ka na, singkwenta anyos. Hindi mo pa ba alam na mainit sa tropics? “Malamok!” Syempre nasa tropics ka, e. Di magdala ka ng kulambo at katol. Pero reklamo ka nang reklamo. If you always talk about such things, what will happen to you? Mawawala ang inyong happiness and contentment. Maguguluhan ang inyong isip. Napakahirap.

Psalm 105:2 Sing to Him. Sing praise to Him: tell of all his wonderful acts.

Kung mayroon daw na ilalabas ang ating bibig, dapat mga pag-awit at papuri sa Panginoo. Ikwento ang mga kabutihan ng Panginoo. Hindi laging ikinukwento ninyo yung ginagawa ng biyenan ninyo na nakakainis. Yun na lang nang yun. Wala nang bago. Kung minsan, makahalata tayo. Iniiwasan na tayo ng tao. Ayaw na tayong kausap. Kasi siguro tuwing bubuka yung bibig natin ay reklamo, daing at kung anu-anong mga problema ang maririnig. Hindi nakaka-edify sa kapwa. And do you know that it’s very selfish to always talk about the bad things? Kasi tinatanggalan nyo ng happiness yung tao sa paligid nyo. Inililipat nyo sa kanya  yung inis, yung galit. It’s unkind. Kaya tinitingan din natin yun. Hindi yung ang saya-saya ng tao, darating ka, biglang natanggal yung happiness nya nang kinausap nyo. Parang may dumating sa kanyang salot. And that salot could be you. So we watch our tongue. Optimistic people talk about God’s goodness, graciousness and greatness. But people who often talk of negative things discourage themselves, disappoint others and displease God. God says to let good things come out of our mouths.

Nakita nyo ang mga taga-Israel? Pag reklamo nang relamo, puro negative ang sinasabi, kung anu-ano na ang ginawa ng Diyos. Binuka ang lupa. Pinakain sila sa lupa. Lumubog silang buhay. Pinadalhan sila ng mga ahas na tinuklaw-tuklaw sila. Sari-sari. Ayaw ng Diyos ng mga negative things coming out of our mouths. In the right forum, It’s okay. Kung mayroong discussion at analysis, yes, why not? Para ma-improve ang situation. Pero yung bubuka yung bibig mo na lang, ganun na lang nang ganun ang naririnig sa iyo? Wala namang naa-accomplish. Lumulungkot ka lang. Lumulungkot ang iba. Natutuwa si satan because satan doesn’t want you to be happy. So, you have to fight for your happiness. Kung minsan, ang happy-happy mo, may darating na tao na sa expression pa lang nya, alam mo na ang sasabihin sa iyo. “Please don’t talk to me. Masaya ako ngayon, Huwag mong sirain ang araw ko ha? Tuwing leap year ka lang pupunta sa akin. “Kasi may taong ganyan. Tuwing darating sa iyo, iinisin ka’t gagalitin ka.

Ngayon, kung talagang very legitimate yung concern nya, makakapag-control ka, makakapag-pray, why not? You might accomplish something positive. But by now, you should know how to examine people around you and what they do to you and how they influence you. And also what you do to them and how you influence them. Happiness is the primary duty of life. Hindi naman tayo nilikha ng Diyos para maging malungkot at sasabihing “Lilikha nga ako ng tao’t palulungkutin ko sila araw-araw. Ha ha ha ha ha!” Hindi naman siguro ganun ang Diyos. Gusto nya tayong mag-enjoy. Gusto nya tayong sumaya. So, you have to fight for your happiness. It is your birthright as a child of God. You don’t permit people to take that away from you. That’s why you don’t cling to people or become too dependent on them. You don’t love people too much because that is when your sadness begins.

Kaya sabi ni Lord, “Love the Lord your God with all you heart, with all you soul, with all your mind. “Unahin Siya. Pag inuna nyo yung tao’t mahal na mahal nyo, e, ang tanong, mahal ba kayo? Mahal kayo ngayon, mahal pa ba kayo bukas? E di kawawa ka naman ngayon. Kakaway-kaway ka ng puting panyo pag iniiwan-iwanan ka. Mamahalin natin ang tao pero hindi natin siya ginagawang idol. Hindi siya ang dios ng buhay natin. I Pag iniasa nyo sa isang tao yung kaligayahan nyo, I’m telling you, you’ll be sad. Kasi iiwan ka naman nyan. At kung hindi ka naman nya gustong iwan, e, mamamatay naman. Di naiwan ka rin. Pareho rin ang ending. Iiyak-iyak ka rin. Kaya, kailangan yung pagmamahal natin ay sa Diyos. Siya yung center. Siya yung focus. We love people but not excessively to the point that they become idols and little gods in our life.

Nakita nyo si Abraham? Ano’ng hiningi sa kanya ni Lord na offering? “I-offer mo nga si Isaac. “Baka nagiging dios-diosan na ng buhay nya, e. Baka sa sobrang paghihintay at nang dumating, naging idol na nya. The Lord wanted it proven na hindi yun nangyayari. Abraham passed the test. So Isaac was not taken anyway. Ang buhay natin umiikot sa Diyos. Pag pinaikot nyo sa tao, yung sinabi nya’t hindi sinabi can make you happy or sad. Kawawa naman kayo nun. Wala kayong center. You’re like a vine. Hindi kayo makatayo nang mag-isa. Nakapulupot lang kayo para makarating sa taas. Pag nawala yung pinupuluputan nyo, tanggal na rin kayo. Dapat mayroon kayong sariling trunk and branches. Not a vine that clings.                                                                  

No comments:

Post a Comment