Thursday, November 24, 2022

PANALANGIN PARA SA MGA NALULUGMOK AT NAWAWALAN NG PAG-ASA

 

Aming Diyos, kayo po ang aming nilalapitan. Wala namang iba e. Wala kaming kinikilala at gustong lapitan pa. Dumadaan kami sa lungkot, hirap, inip, pagkabagot at kung minsan, kawalan ng pag-asa. Buksan nyo po an gaming isip upang maunawaan namin ang aming sariling damdamin. Ipabatid nyo sa amin, Panginoon, ang lunas na nagmumula sa inyong kapangyarihan. Ituro nyo sa amin ang higit na lalong mataas at magandang pamamaraan ng pamumuhay. Hindi nyo po kami nilikha para palungkutin. Hindi namatay ang inyong Anak na si Hesus para lamang magparanas sa amin ng lungkot, kung hindi siya ay nabuhay na muli upang sagipin kami sa lahat ng bagay na hindi mabuti. Ano pa man ang dahilan ng kalungkutan, imilalapit namin sa inyong mapagpalang kamay at sa inyong maibiging puso ito. Pawiin ninyo, Panginoon at palitan nyo po ng kapayapaan.

Pagpakitaan nyo Kami ng inyong kaliwanagan. Pagparamdaman nyo kami ng inyong kapangyarihan. Yakapin nyo kami at pawiin ang aming mga agam-agam. Pahirin nyo ang mga luha sa aming mga mata. Bigyan nyo at palitan ng sigla ang aming mga panlulumo. Palakasin nyo ang aming mga kahinaan at paliwanagin ang aming mga kadiliman. Pagalingin nyo ang aming mga karamdaman. Sagutin nyo ang aming mga katanungan.

Panginoong Diyos, salamat sapagkat kahit na dumarating ang mga kalungkutan at mga panghihina, nadiyan kayo. Anuman ang babaan namin at akyatin, nandoon kayo. Bagama’t ang buhay na ito’y maaaring mapuno ng mga hirap, pagsubok at pasanin, hindi naman nawawalan ng tulong na available from you and your teachings.

Ipakita nyo kung mayroon kaming mga dapat baguhin sa aming ugali para mas sumaya kami. Ipakita nyo rin, Panginoon, kung mayroon kaming napapabayaan para mas maging responsable naman kami. Nawa maging tagapagpalaganap kami ng kaligayahan sa aming paligid. Kung alam na namin ang dapat gawin, bigyan nyo kami ng isang matibay na pasiya na itigil ang mali at gawin ang tama  para mawala ang mga pabigat na kami mismo ang naglalagay. Ipakita nyo po kung ano ang personal naming pananagutan at nang ito’y mapagsisihan, maisuko sa inyo’t matigilan.

Wala na kaming maipagmamalaki, wala na kaming mahuhugot na mga kakayahan para lutasin ang aming mga kabigatan. Tanging habag nyo ang aming hinihingi. Kahabagan nyo po kami sa kabigatang dinadalaa namin. Bigyan nyo kami ng bagong pag-asa, bagong sigla, bagong dahilan para mabuhay nang may kasiyahan at may anticipation ng mga blessing nyo araw-araw.

Kayo lamang ang makakagamot sa amin. You are our Physician and our Healer. Give us the wisdom to undrerstand the dynamics of this sadness. Give us the wisdom to know where it comes from so we may uproot it and refuse to have it in our lives. We know, O God, that we don’t deserve to ask for these things. But you promised that you will give when we ask you will open the door when we knock. So we ask and knock in the name of Jesus, your Son, that you give rest to our weary souls.

Kayo nawa ang maging kasiyahan namin at nang hindi naman kami naghahanap-hanap pa ng kung anu-ano. Ituro nyo sa amin, Panginoon, na kung nariyan kayo ay kumpleto na ang buhay namin, na ang lahat ng iba ay dagdag na lamang. Dahil kayo ang tunay naming kailangan. Nawa, Panginoon, kayo po ang aming kagalakan, kayo ang aming maging number one na gustong kasama, kayo ang maging tunay na mahal namin sa buhay at nang sa gayon hindi na kami mangulila pa dahil hindi naman kayo mawawala, hindi ninyo kami iniiwan.

Marami pong salamat sa gagawin nyo at ginagawa na ninyo sa aming buhay. Umaasa po kami sa inyong habag, kabutihan at kapayapaan, sa makapangyarihang pangalan ng inyong Anak na si Hesus, Amen.

No comments:

Post a Comment