Thursday, August 30, 2018

WINNERS KNOW THEIR RIGHTFUL PLACE


Isa sa pinakamahalagang qualities ng isang tao ay yng paglagay niya sa lugar. Hindi siya lumalagay sa hindi niya dapat kalagyan at hindi niya inagaw ang lugar ng may lugar. Nang likhain ng Diyos ang sansinuklob, inilagay niya ang lahat ng bagay sa tamang lugar.
        
         Genesis 1:16-17 God made two great lights- the greater light to govern the day and the lesser light to govern the night. He also made the stars. God set them in the expanse of the sky to give light on the earth.
       
         In fact, the Lord set not only the stars in their places, but he set all things in their right places. Creation is a clear display of order. Ang tubig, dagat at bundok ay may mga hangganan. Even the creation of a nation has a clear set of boundary and positioning.
        
        Proverbs 28:2 When  a country is rebellious, it has many rulers; but a man of understanding and knowledge maintains order.
         
         A man of understanding and knowledge – in other words, a godly man- maintains order because God is a God of order. And what does “order” mean? It means everything is in its place. Nagiging magulo raw ang isang bansa kung marami ang naghahari, kung maraming mga tao ang pumupuwesto sa hindi naman nila lugar. Tumingin tayo sa paligid. Bakit palagi nang binabaha ang Metro Manila? Dahil tinitirhan ng mga tao sa tabing-ilog. Hindi dapat binabarahan ang tabi ng ilog para sa tag-ulan, buong luwag na makapaglalakbay at makararating sa dagat ang maraming tubig na bumababa mula sa mga bundok. Pero dahil maging ang kadulu-duluhan ng mga ilog ay tinutungtungan na ng mga poste ng mga bahay, nababarahan ang daloy ng tubig sa ilog. Maging ang mga easements na hindi dapat binabahayan ay nakakamkam na rin. Ano ngayon ang nangyayari? Pag umulan, walang mapuntahan ang tubig at nabubulok ang mga estero sa paligid natin. Alam ninyo bang binalak noong gawing parang Venice ang Maynila sa dami ng mga kanal nito? Ngayon, anong Venice? Na-panis ang plano dahil ang nangyari tinirahan ito ng mga tao, hinagisan ng basura at kinamkam ang mga ilog.
        
         Maging sa paglalagay ng bahay, dapat lang itong itirik sa tamang lugar. Tingnan ninyo ang mga kapatid nating Mangyan. Ang gagaling nilang gumawa ng bahay. Naroon sila sa gilid ng burol na hindi tinatamaan ng malalakas na hangin. Marurunong sila. Malayo sila sa disaster dahil nasa tamang lugar. Tandaan natin, kapag tayo ay nasa maling lugar, umasa kang disaster ang laging kasunod.
       
         Pag sumakay kayo sa eroplano, makikita ninyo na ang luwag-luwag ng Pilipinas. Makikita ninyong nagsiksikan ang mga tao sa bayan at maraming malalaking espasyong walang katao-tao. But because of misgovernance and bad management of the countryside, everybody flock to the city. The countryside is very rich but there are no economic opportunities. Kaya lahat dumadayo sa mga siyudad kahit na wala nang matirahan at nagsisiksikan. Hindi masikip ang Pilipinas, wala lang sa tamang lugar ang ibang tao.
       
To survive,  to thrive and to be a winner, we need our natural gifts and talent. Maraming mga magulang na sa kagustuhang ang mga anak nila ay maging inhinyero, doktor o nars kaya pinipilit ang mga anak kahit hindi yun ang talent nung bata. Kaya maganda yung lumulugar tayo sa tama.

Saturday, August 25, 2018

Yung isip nang isip ng nakaraan walang kinabukasan.


God will keep you so happy that you won’t have time to worry each day. This is such a great gift. Yun daw bini-bless ni Lord, binibigyan Niya ng napakaraming magagandang bagay para wala nang panahong mag-isip-isip pa.
         
             Ecclesiastes 5:20- He seldom reflects on the days of His life because God keeps him occupied with gladness of heart.

Hindi yung tuwing lulubog ang araw nakatingin ka sa malayo. Nagtitirintas ka samantalang ang igsi ng iyong buhok. Hinahanap mo si Crispin at Basilio. Kailangan, yung ma-bless tayo ng Lord na hindi ka na napag-isip-isip masyado kasi marami kang ginagawa. Pero kung wala ka nang ginawa kundi mag-ipon ng scrap book, mga album at tumitingin-tingin sa mga litrato mo noong naka-bell bottom ka pa, malulungkot ka lang. Tapos ang dami-dami pang kasama mo sa picture. Mga namatay na, nailibing na, malulungkot ka talaga. Dapat busy ka sa magagandang bagay nang hindi ka nagsisentimiento de asukal sa tuwina. 
Yung wala kang inisip kundi nakaraan. Alam nyo yung isip nang isip ng nakaraan yun yung wala nang kinabukasan. Kaya kailangan may ginagawa, abala tayo, nagtatrabaho, ini-enjoy natin yung trabaho. Nagsi-share tayo, tinutulungan natin ang mga api, mga kawawa-dun ka maging busy. Para pagdating ng gabi at pagod ka na, matutulog ka na. A blessed person seldom reflects on his life kasi busy siya eh. Kaya yung walang magawa, isang malaking parusa.


What is meaningful? Wisdom despite poor beginnings. The sleep of a simple laborer. The sleep of those who don't have to worry about many things. Eating, drinking, working hard and enjoying its fruits. All these are meaningful. So are God-given work, wealth, capacity to enjoy, contentment and happiness.

Thursday, August 16, 2018

Change Our Reactions To The World


    But many people, meanwhile, are not happy. Many are lonely. Kahit sa lahi natin ay may mangilan-ngilan na malulungkot. In fact, loneliness is the worst epidemic. Ang kalungkutan ay ang tunay na sakit ng napakaraming tao. 

And the way to change from being lonely to being happy is to change not the world but our reactions to it. Hindi natin kayang baguhin ang mundo. Para tayo sumaya, kailangang baguhin natin ang ating ugali. Ang masusungit ay hindi sasaya dahil laging galit. Ang laging nakahahanap ng ipipintas ay di sasaya. Kahit anong ibigay mo sa kanya’y may ipipintas at may ipipintas.
    
Bagama’t masayahin tayong tao, generally speaking, dapat din nating aminin na sa ating personal na buhay ay marami rin tayong kalungkutan. Kailangang mag-isip tayo. Ano ba ang dapat kong palitan para mas  sumaya pa ang buhay ko? Kung ako’y nakalugmok sa pusali ng kalungkutan ay makaahon naman ako at mahango. At kung hindi man ako nakalugmok sa lungkot dahil ako’y may kasiyahan, bakit hindi ko ito dagdagan kung pwede pa?
     
Romans 12:2 Be transformed by the renewing of your mind.
      
Paano nababago ang isang tao? Sa pagbabago niya sa kanyang paraan ng pag-iisip.

Kung sinasabi mo, “Pag ako’y di binabati, naiinis ako.”Eh ang daming hindi bumabati sa iyo, lalo ka tuloy naiinis. Di baguhin mo ang iyong pamamaraan ng pag-iisip. Baguhin mo ang iyong ugali kasi yan ang pinakamadaling gawin kaysa baguhin mo ang mundo. 

Di mo mabagu-bago ang traffic, di ba? Palala pa nga nang palala. Kung ganun, baguhin mo ang iyong ideya. Baguhin mo ang paraan ng iyong pagsuong sa traffic. Magdala ka ng pala at kaunting halaman at pag nakahinto ang sasakyan mo’y magtanim ka sa sidewalk. Makapagtanim ka ng ampalaya, upo, patola at may nagawa kang mabuti. 

Siguro’y ayaw mo pang lumakad ang traffic dahil hindi ka pa tapos. Gumawa ng paraan at huwag magmukmok diyan. Alangan namang habang buhay ay iyan na lang nang iyan.
Sasabihin ng mga Filipino, “Ang init!” na para namang bago nang bago. Naiba na ba ang klima sa Pilipinas? Mag-adjust ka; do something about it. Salamat kamo at tayo’y napapawisan, di na tayo magbabayad ng sauna. 

Mainam na ang tao’y pinapawisan. We should study our attitude. Makikita natin yan sa ating mga pamilya. May tiya ka na pagkasungit-sungit o may kapatid ka na kay hirap-hirap kasama. Hindi na nagbago year in, year out. Lagi na lang na may away at friction. 

Walang nababago. Alam ninyo kung bakit? Walang nagpapalit ng paraan ng pag-iisip. Hindi pa rin tayo magiging masaya habang hindi tayo nagbabago ng ating mga pamamaraan ng pag-iisip.

Monday, August 13, 2018

Unrealistic and impractical standards

       Another attitude that causes unhappiness is unrealistic, unreachable and impractical standards. Yung sobrang taas ng standards sa buhay. Yung di na kayo pwedeng kumain kung walang kubyertos. Hindi na kayo  pwedeng sumaya kung medyo mali ang ayos ng sala. Kailangan ay laging tama ang grammar. May nanliligaw na sa inyo at ang gandang lalaki pa; nang biglang nag-Ingles, eh mali, ayaw na ninyo. Kapag ang dami ninyong hinahanap sa buhay, this leads to constant disappointments.
   
      We should note that even the lofty and noble ideals of the Bible had to be made practical so these could be communicated to people. Iba siyempre ang language ng Diyos; iba ang language ng Espiritu.
 
      Romans 6:19 I am speakin in human terms because of your natural limitations

 Sabi ng nagsasalita na si Paul, "Di talaga ito ang mensahe. Di talaga ito ang words. Napakababa nito. Pero dahil kayo'y mga tao, di ninyo maaabot ang sobrang taas, ibababa ko na lang. Mabuting may maintindihan kayong kaunti kaysa wala."

        Kahit sa myths, ang mga diyos at diyosa sa Olympus ay nagbabaan sa lupa kasi di sila kuntentong nandoon lang at nag-iisa sa itaas. Halos sa lahat ng mito ng matatandang kabihasnan, ang kanilang mga diyos at diyosa ay nagbabaan sa lupa. Kaya nga dapat kang bumaba mula sa iyong tore dahil kung nandyan ka sa kataas-taasan at wala namang makaabot sa iyo, mag-iisa ka.

        Ang mahirap unawain, hawakan, tingnan at pakinggan na katotohanan ng Diyos ay bumaba rin.

        John 1:14 The Word became flesh and made His dwelling among us.

Sabi ng Diyos, "Kung di Ako kayang abutin sa langit ng mga taong ito, Ako ang mananaog. A nanaog ang Diyos sa katawan ng tinatawag nating Anak ng Diyos. Pati ang Diyos ay nag-adjust.

        Psalm 103:14 For He knows how we are formed, He remembers that we are dust.

Kaya't bakit naman di tayo ang mag-adjust sa mga tao na kung minsan ay di tayo maabot? Kung ito'y ina-apply ng Diyos sa atin, ginugunita Niya na tayo'y alabok, na tayo'y lupa, liligaya tayo kung ito din ay aalalahanin natin tungkol sa ating mga mahal sa buhay.

Nagkamali ang inyong anak o ang sinuman. Remember that they are dust. At patawarin ninyo para ang natitira pang panahon ninyo dito sa lupa ay sumaya.
 
         We need to have the same attitude God has for people. If we remember that they are dust, then we'll be able to connect with them. By remembering that people are dust, you also become good to yourself because you'll never know when you'll manifest your being dust, too. Don't burn the bridge over which you also must pass.

Kung di kayo magpapatawad, darating ang panahon na kayo ang mangangailangan ng patawad na yan. Nakasara na ang lahat ng pinto at inyong mare-realize na kayo pala ang nagkandado ng mga ito. So keep them open so you can be good to people and also to yourself.

Sunday, August 12, 2018

Nagmula sa lupa, babalik sa lupa



Kahit ka pa kumamkam nang kumamkam, yumaman nang yumaman, maging makapangyarihan, maging iyo pa ang lahat. Pag namatay ka, kapirasong lupa lang ang kailangan mo kung saan ka ilalagay. Tapos sasabihin mo. "Ito ang aking lupain." Hindi totoo yan. We never own the land. The land owns us. Try dying and then you'll know that the land really owns you! In fact buhay ka pa nagkakalupa-lupa ka na! Subukan nyong maghilud-hilod nang kaunti. Kaya malaking industriya ngayon yang mga exfoliant-exfoliant. Because we're trying very hard to defy the truth that we belong to the ground.
Huwag ka lang maligo ng isang araw, amoy-lupa ka na. Totoo! Kaya sabi niya, "Ganito lang ba ang buhay? Parang walang katuturan." Kunwari pa tayong mga kapangyarihan daw pero hindi natin mapigil ang mga ulan at mga hangin. Matagal na tayong wala sa mundo, pabalik-balik pa rin sila. The meaninglessness of life's cycles proves people's seeming insignificance.
Para kang walang katuturan. Para kang nahulog sa isang malaking-malaking barko na walang nakakita sa'yo, wala nang makakaalala na nawawala ka. May dalawa o tatlong makaalala sa'yo na baka magpasalamat pa, "Hay , nawala, salamat! Kung nalibing ka sa dagat o kung saan man, hindi ka na makikita, wala na! At kahit na yung inilibing noong araw sa magagandang mga sementeryo, three generations later bubuldozerin na, wala na. Lupa na. Sabi ni Solomon, "Ganito lang ba? Meaningless!

     Then he goes on, sa Ecclesiastes 1:12-18:
      I, the Teacher, was king over Israel in Jerusalem. I devoted myself to study and to explore by wisdom all that is done under heave. What a heavy burden God has laid on men! I have seen all the things that are done under the sun; all of them are meaningless, a chasing after the wind. What is twisted cannot be straightened; what is lacking cannot be counted. I thought to myself, "Look, I have grown and increased in wisdom more anyone who has ruled over Jerusalem before me; I have experienced much of wisdom and knowledge." Then I applied myself to the understanding of wisdom and also of madness and folly but I learned that this, too is a chasing after the wind. For with much wisdom comes much sorrow; the more knowledge, the more grief.

Ang sarap niyang basahin! So many lifetimes joined together, filtered by remembrance. Nuggets of wisdom. Gold nuggets of the years distilled by the filtration of an intelligent mind. Sabi niya, "Walang kwenta."

Ano pa ang walang kwenta? Striving against natural law. Striving against God's design. Sabi niya, yung baluktot hindi mo naman maituwid. Yung nawawala, wala talaga. Kahit anong gawin mo, wala. Kahit magpanggap kang nandiyan yan, maglagay ka ng litrato't kausapin mo, wala rin talaga yan. Sabi nga verse 15, "What is twisted cannot be straightened. What is lacking cannot be counted.

Thursday, August 9, 2018

Hold no grudges, have no regrets, discard anger from your heart. Mas maaga, mas mabuti.

 
     May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.
     Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.
   
      Ephesians 4:31
      Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.

      Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.

       Philippians 3:13
       ...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.

        Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.

Tuesday, August 7, 2018

Accept and Make Peace With Yourself As Early As Possible


Mayroon tayong mga katangian, lakas at kahinaan. Mayroon tayong mga bagay sa ating mga sarili na talagang kaibig-ibig at mayroon namang sana mas kaibig-ibig pa. Pero kapag mas maaga nating baguhin yung pwedeng baguhin at tanggapin nang buong puso yung hindi pwedeng baguhin tungkol sa atin, giginhawa at mas luluwag ang ating buhay. Room for improvement is the biggest room in the world. Marami tayong pwedeng baguhin at paasensuhin sa ating pagkatao pero may bagay na ganun na talaga tayo. Tinatanggap tayo ng Diyos kaya dapat din nating tanggapin an ating sarili. May mga karunungang hindi natin siguro mama-master kasi may iba tayong master e. May mga physical attributes that will never be ours. Kapag mas tinatanggap natin ito at mas maaga nating tinatanggap ito, mas makaka-focus tayo sa mas mahalagang misyon sa ating buhay.
     
        Psalm 139:14
     
 …I praise You because of the wonderful way you created me. Everything you do is marvelous! Of this I  have no doubt.

Pinupuri ng may-akda ang Diyos dahil daw sa napakagandang paraan sa pagkakalikha sa kanya. But, of course, we know that whoever wrote this is far from perfect. Pero ang sabi niya, “Pinupuri ko Kayo (ang Diyos) sa ganda ng pagkakagawa ninyo sa akin.” Kailangan matuto tayo na kilalanin at i-appreciate yung maganda at mabuti sa atin habang inaayos natin sa tulong ng Diyos ang dapat ayusin. Pero mayroon talagang mga bagay na dapat nating tanggapin na lamang. Halimbawa, kung talagang pre-disposed ang pamilya nyo na magkaroon ng diabetes, ang laki ng chance na magkaroon ka nun. Kaysa magalit ka pa sa mga ninuno mo na hindi naman nila inimbento iyon dahil minana din nila, tanggapin mo na lang at mabuhay sa paraang pinakamaayos para hindi ka mabigyan ng maximum damage ng karamdamang yan. Mas tahimik pa ang ating buhay. Improve what can be improved and change what can be changed. In other words, as early as possible, be a friend to yourself. Be at peace with who you are and what you are.

Sunday, August 5, 2018

Kawawa Naman Ako

Saang mga bahagi ng buhay kailangang humawak tayo sa mga pangako ng Diyos? Ang mga pangako ng Diyos ay kayamanan. Kung tayo ay nagigipit, natatakot, kinakapos at nanghihina, may mga pangako ang Diyos na nagpapalakas sa atin. Hindi lang dahil pangako yun kundi dahil kilala  natin kung sino ang nangako. At ang Panginoon ay di kailanman tataliko sa Kanyang sariling mga pangako.
       Isa pang reklamo ang ating titingnan ngayon at kung ano ang sagot ng Diyos, "Kawawa naman ako." Self-pity can be very draining, deceiving and destructive.
      "Kawawa naman ako." Na-tempt na ba kayong mag-isip nyan? Minsan mananalamin kayo tapos hihikbi-hikbi kayo, mapapaiyak kayo nang konti, "Kawawa naman ako.: Lalo pag may hahagud-hagod pa sa inyo, "Kawawa ka naman talaga." Hu-hu-hu!" Napakalakas pa lalo ang ating mga hagulgol. Ano ba ang dramang bukid ng mga maraming tao kaya naaawa sa sarili?


I'm a nobody
       One of the major complaints of people is, "I'm a nobody." Anong sagot ng Diyos? "You are important."

You are important
       Mark 1:17 - "Come, follow me,"Jesus said, "and I will make you fishers of men."

    People think that it is lowly to be just fisherman but the Lord can turn fishermen into fishers of men. It is the miraculous touch of the Lord that gives us value. Kahit na dalawang maliit na isda, limang pirasong tinapay, napaparami, napapakain ang libu-libong tao, may sobra pa, oras na dumaan sa kamay ng Diyos. Basta hinawakan niya at sinurender sa Kanya. We are important. And we can still be more important than we are now. If we place ourselves in the center of God's economy and minister to people lalung-lalong namu-multiply yung ating halaga. Stop insulting God by implying the He makes insignificant people when you look at yourself and say "I am nobody." God doesn't create rubbish or a trash of nobodies.

        Ang tao ang crowning glory of God's creation. Sobrang pagpapahalaga na hiningahan Niya tayo ng Kanyang sariling espiritu. Na meron tayong tinataglay sa ating pagkatao na bahagi ng Diyos - ang Kanyang Espiritu. Kaya't imposible for people to be just nobody. Nagiging nobody tayo dahil sa ating behavior. Kung minsan naghahanap tayo ng affirmation from people who don't value us, so nagmumukha tayong walang halaga. Kung minsan sinusukat natin ang ating sarili against the standards of the world, nagmumukha tuloy tayong walang value. Tinitingnan natin ang sarili natin mula sa mga maliliit na pagtanaw sa atin ng kapwa tao lang natin kaya mukhang nawawalan tayo ng halaga. Pero kung titingnan natin kung ano tayo sa Panginoon, hindi lang tayo valuable; we are loved