Psalm 139:14
…I praise You
because of the wonderful way you created me. Everything you do is marvelous! Of
this I have no doubt.
Pinupuri ng may-akda ang Diyos dahil daw sa napakagandang
paraan sa pagkakalikha sa kanya. But, of course, we know that whoever wrote
this is far from perfect. Pero ang sabi niya, “Pinupuri ko Kayo (ang Diyos) sa
ganda ng pagkakagawa ninyo sa akin.” Kailangan matuto tayo na kilalanin at
i-appreciate yung maganda at mabuti sa atin habang inaayos natin sa tulong ng
Diyos ang dapat ayusin. Pero mayroon talagang mga bagay na dapat nating
tanggapin na lamang. Halimbawa, kung talagang pre-disposed ang pamilya nyo na
magkaroon ng diabetes, ang laki ng chance na magkaroon ka nun. Kaysa magalit ka
pa sa mga ninuno mo na hindi naman nila inimbento iyon dahil minana din nila,
tanggapin mo na lang at mabuhay sa paraang pinakamaayos para hindi ka mabigyan
ng maximum damage ng karamdamang yan. Mas tahimik pa ang ating buhay. Improve what can be improved and change what can be changed. In
other words, as early as possible, be a friend to yourself. Be at peace with
who you are and what you are.
No comments:
Post a Comment