But many people,
meanwhile, are not happy. Many are lonely. Kahit sa lahi natin ay may
mangilan-ngilan na malulungkot. In fact, loneliness is the worst epidemic. Ang
kalungkutan ay ang tunay na sakit ng napakaraming tao.
And the way to change
from being lonely to being happy is to change not the world but our reactions
to it. Hindi natin kayang baguhin ang mundo. Para tayo sumaya, kailangang
baguhin natin ang ating ugali. Ang masusungit ay hindi sasaya dahil laging galit.
Ang laging nakahahanap ng ipipintas ay di sasaya. Kahit anong ibigay mo sa
kanya’y may ipipintas at may ipipintas.
Bagama’t
masayahin tayong tao, generally speaking, dapat din nating aminin na sa ating
personal na buhay ay marami rin tayong kalungkutan. Kailangang mag-isip tayo.
Ano ba ang dapat kong palitan para mas
sumaya pa ang buhay ko? Kung ako’y nakalugmok sa pusali ng kalungkutan
ay makaahon naman ako at mahango. At kung hindi man ako nakalugmok sa lungkot
dahil ako’y may kasiyahan, bakit hindi ko ito dagdagan kung pwede pa?
Romans 12:2 Be
transformed by the renewing of your mind.
Paano nababago
ang isang tao? Sa pagbabago niya sa kanyang paraan ng pag-iisip.
Kung sinasabi mo, “Pag ako’y di binabati, naiinis ako.”Eh
ang daming hindi bumabati sa iyo, lalo ka tuloy naiinis. Di baguhin mo ang
iyong pamamaraan ng pag-iisip. Baguhin mo ang iyong ugali kasi yan ang
pinakamadaling gawin kaysa baguhin mo ang mundo.
Di mo mabagu-bago ang traffic,
di ba? Palala pa nga nang palala. Kung ganun, baguhin mo ang iyong ideya.
Baguhin mo ang paraan ng iyong pagsuong sa traffic. Magdala ka ng pala at
kaunting halaman at pag nakahinto ang sasakyan mo’y magtanim ka sa sidewalk.
Makapagtanim ka ng ampalaya, upo, patola at may nagawa kang mabuti.
Siguro’y
ayaw mo pang lumakad ang traffic dahil hindi ka pa tapos. Gumawa ng paraan at
huwag magmukmok diyan. Alangan namang habang buhay ay iyan na lang nang iyan.
Sasabihin ng mga Filipino, “Ang init!” na para namang bago
nang bago. Naiba na ba ang klima sa Pilipinas? Mag-adjust ka; do something
about it. Salamat kamo at tayo’y napapawisan, di na tayo magbabayad ng sauna.
Mainam na ang tao’y pinapawisan. We should study our attitude. Makikita natin
yan sa ating mga pamilya. May tiya ka na pagkasungit-sungit o may kapatid ka na
kay hirap-hirap kasama. Hindi na nagbago year in, year out. Lagi na lang na may
away at friction.
Walang nababago. Alam ninyo kung bakit? Walang nagpapalit ng
paraan ng pag-iisip. Hindi pa rin tayo magiging masaya habang hindi tayo
nagbabago ng ating mga pamamaraan ng pag-iisip.
No comments:
Post a Comment