Thursday, August 9, 2018

Hold no grudges, have no regrets, discard anger from your heart. Mas maaga, mas mabuti.

 
     May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.
     Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.
   
      Ephesians 4:31
      Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.

      Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.

       Philippians 3:13
       ...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.

        Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.

No comments:

Post a Comment