Sunday, July 28, 2019

Ang pagsubok ba ay para sa mga righteous lamang?


Kapag sinusubok ka, righteous ka kasi. Kaya ka nga sinusubok.

Pero kadalasan, akala natin sinusubok tayo, yun pala pinapalo tayo. Pag may dumarating sa ating hirap, huwag sabihing, Sinusubok ako ng Diyos.

No! Don’t say that. Ang una mong itanong, Pinapalo yata ako ng Diyos.

Kadalasan, may mga nangyayaring hindi maganda sa ating buhay bunga ng hindi natin mabubuting gawa.

Ngayon, kung wala kang ginagawang masama kahit ano, tapos meron pa ring dumarating na hindi maganda, yun ang maaari mong sabihin na pagsubok, katulad ng pagsubok kay Job.

Pero unless you want to proclaim na kayo’y isang babaeng Joba o lalaking Job, siguro chastisement talaga yan, hindi trial.

Friday, July 26, 2019

What to do with people you dislike


May mga tao talagang kahit hindi ka naman inaano, naiinis ka sa kanya. Naiinis ka kung paano siya magsuklay, naiinis ka kung paano siya umupo, naiinis ka kung paano siya tumawa. Pero di ka naman niya inaano. Would you prefer na nagugustuhan mo siya? Hindi ba ang daming mga ipokrita? Pabeso-beso, pa chika-chika, pero gustong magkagatan. Kung pwede lang sakmalin ang leeg ng hinahalikan ay gagawin.

What can we do with people we don’t like? First of all, let’s try to like them. Let’s dig and find Christ in them. Kung talagang walang makita, let’s dig deeper and find bits of Christ in bits of them. Dahil hindi pwedeng wala tayong makita. Humanap ng mapupuri at magugustuhan at yun na lang ang palakihin natin sa ating isipan para magkaroon tayo ng positive disposition. Kung naghalukay ka na nang todo at wala ka pa ring makita, what can you do? Don’t pretend to like the person. Just be polite. Kung dumarating siya, you can smile pero di kailangang, “Hi, I’m so glad to see you.” Kunwari lang naman pala, di ba? Hindi natin kailangang mag-pretend.

Don’t feign affection or fondness. Madalas ay ginagawa natin yan sa mga bata. Ang mga bata’y malilikot. “Energetic pala ang mga anak mo.” Ang second reading pala’y “Ang lilikot pala ng mga yan.” Kung di ka talagang natutuwa ay huwag kang mag-pretend. May kasamang bata ang bisita mo sa bahay, nakabasag ng pigurin at naiinis ka. Huwag mong sasabihing, “Okay lang, okay lang.” Ang sabihin no, “Well, mapapalitan din naman yan” or something. But say something . Hindi mo kailangang sabihin na balewala sa’yo kung talagang ininda mo eh. Lying na yon. Gaano kaya karami sa atin fall into this? Trying to be Christian by being un-Christian, trying to be loving by lying? What do we do with people we honestly don’t like? Let’s just be polite with them. Live and let live but don’t make any pretenses.

There’s something that’s very godly to do. Try to like the person and you will see na may makikita kang likable sa kanya. Try to befriend the person if you can pero huwag mag-pretend na tuwang-tuwa ka sa kanya. Just go along with the person and find something good in him or her. At sa totoo lang, may makikita.

Friday, July 19, 2019

If God is in control of everything, why did he allow sin to enter the world?


Isa yan sa mga issues. Biblical Christians can only teach what the Bible teaches. When the Bible speaks, we speak.

When the Bile is silent, we are silent. And again, this is one of the issues where the Bible is silent. 

God did not explain kung bakit Niya pinayagan yon. But think about it.

Ang nakapagtataka ay hindi kung bakit pinayagan ng Diyos na tayo ay magkasala. Ang kamangha-mangha ay kung bakit pumayag ang Diyos na Siya ang magbayad sa ating mga kasalanan.

While the Lord allowed sin to be entertained by us and to enter our lives, the Lord, nevertheless, paid for our sins with His own blood, so that whoever would like to be free from the result of that sin will be free!

 But we cannot authoritatively explain why the Lord allowed it, because the Lord did not explain Himself in that area. Where God is silent, we are silent.

Monday, July 15, 2019

What People Fear To Lose


Takot ang taong mawala ang kanyang physical life—ang buhay na ito. At sa sobrang takot nya, handa siyang pumatay, magnakaw at mandaya, mabuhay lamang siya.
People are also afraid to lose other people or their loved ones. Ang problema sa pag-ibig, kapag umibig ka na, takot na takot kang mawala ang iyong iniibig. Takot tayong mawala ang ating kaibigan, asawa at anak.

People are afraid to lose material possessions. Kaya ang mga kotse ay may mga alarm. Ang mga manibela ay nila-lock para wag manakaw. Ang bahay ay nilalagyan ng mga bakod. Ang mga bag ay may kandado dahil takot na takot tayong mawala ang ating material possessions, especially money. 

We are afraid to lose means of production that bring us material possessions. So we are afraid to lose our jobs, land or capital and influence.
We are also afraid to lose power. That is why there are people who have tasted being powerful and do not want to give it up no matter what. Pag nakatikim ng konting kapangyarihan ay nahihibang, nalalasing at nagiging addicted to power whether it is physical, financial, social or psychological power over other people. Kaya nga kung minsan, lalo sa pulitika, may nagbabarilan, nagpapatayan at nandaraya dahil gusto nilang manatiling may kapangyarihan.

People can also be afraid to lose prestige so they resort to lies to cover up mistakes. They hire public relations people to make an image for themselves because they want to continue being prestigious and honorable and prominent, even though that may not be true.
People are afraid to lose pleasure especially the providers, sources and tools of pleasure. Ayaw na ayaw natin na pagka nakalasap na tayo ng konting sarap at ginhawa ay mawala pa yun kahit kalian. Pag nakatikim na ang tao ng air-conditioned room, ipaglalaban na talaga na lagi siyang merong air-conditioner kahit hindi na nya makaya. Pag nakalasap na siya ng sarap ng mga bisyo at ng layaw, handa nang ibenta ang kaluluwa maituloy lang ang pagpapasarap.

Also, people are afraid to lose their physical attractiveness, especially their youth or beauty. That is why people go to all kinds of surgery and procedures just to look thirty when they are actually seventy hanggang umabot na ang pusod sa pisngi sa kababanat ng balat pataas. So, kung mapapansin nyo, pur “P” ang mga bagay na ayaw nating mawala sa buhay among others dahil marami pa naman talagang ibang bagay that people don’t want to lose. We do not want to lose physical life, people, possessions, power, prestige, pleasure and physical attractiveness.  

Friday, July 12, 2019

Ano ba ang magandang church?


Ang magandang church ay yung nabibigyan ang miyembro ng mga kailangan nya para mag-grow at nabibigyan din ng pagkakataon para magbigay naman sa church at sa iba.
In other words, hindi lang siya recipient kundi contributor din. Kaya hindi maganda ang church na wala kang hope na magka-ministry dahil ang mga tao entrenched na sa kani-kanilang positions.
Dapat may chance kayong mag-grow because by serving God you can earn treasures in heaven. Kung hindi kayo nagse-serve, hindi kayo pinapagawa, hindi kayo tini-train, attend lang kayo nang attend, paano na?
There’s a certain type of growth in our spirit that can happen only if we are serving. Kasi ang life cycle is, I receive, I give, I receive, I give. Kung receive ka lang nang receive at ang gini-give mo lang, donation, paano na?
Kung naho-hone ang talents mo, natututo ka, nalalagay ka sa tama mong field then that is a good church. Ngayon, kung may kulang yung church nyo, huwag kayong umalis agad. Mag-suggest kayo. Nandoon kayo to help. Isipin mo, anong maitutulong mo sa church na ito?
 So, the church must give you and allow you to give of yourself. That, I think, is one of the definitions of a good church.

Thursday, July 11, 2019

Ano ang ganap na mangyayari sa taong nakikinig at naniniwala sa Feng Shui?


Alam nyo ba yung Feng Shui? Yung dapat iharap mo dito yung bintana, iganun mo yung pinto.

Siguro yang Feng Shui meron ding konting katotohanan, at least. Kasi product yan ng observation.

Nao-observe nila na kapag ganito, ganon, ganyan, may dahilan.

Ang point, hindi ka naman kailangang maging superstitious.

Na dahil sinusunod mo nay an ay yumaman ka o humirap, napabuti o napasama.

That’s an exaggeration, a superstition and it is oppressive.

Pero wala din namang mawawala sa inyo kung sinabing laki-lakihan mo naman yung pinto mo, lalo’t praktikal naman.

Ano ba naman ang problema doon? Ang nagiging problema lang ay kung naniniwala na kayo, na ang inyong ikabubuti at ikasasama ay dahil sa size ng pinto.

O kung nahaharap kayo sa silangan, kanluran o kung saan man. Yung iba galit nag alit dito, yung iba naman, sumusunod. I will not let it rule my life but I will probably listen to a few very practical points.

Halimbawa, sinasabi, dapat yung pinto ng banyo ay hindi dire-diretso sa dining room.

Hindi ko na kailangan ng Feng Shui para masabing, oo nga.

Dahil pag bumukas yung banyo kitang-kita mo na ang nandoon. Kumakain ka pa naman ng aligi ng talagka. So may sense kung minsan.

Monday, July 8, 2019

Kailangan bang maging member ng isang church upang ang isang tao ay maligtas?


Hindi religion ang mahalaga kundi ang personal na relasyon mo kay Hesus. Nagiging mahalaga lang ang religion dahil doon tayo natututo, doon tayo nate-train. Hindi yung dahil nagpalista ka lang, saved ka na! Kailangan spiritual membership muna.

And then it becomes a formal, actual membership so that you will have a place to grow, to serve and be served, to love and be loved. Ang tanong, may nagbayad na ba ng iyong kasalanan? Marami tayong kababayan na member ng ibang mga churches diyan for so many years. Otsenta anyos na nung namatay puro relihiyon ang buong buhay. Sumali na sa lahat ng prusisyon, nadasal na lahat ng rosary, nagawa na lahat ng ayuno, nakapagbinyag, nakapagkumpil, lahat-lahat. 

Nawisikan na ng tubig habang inililibing, kung anu-anong usuk-usok, ipinagdadasal pa rin nung mga namatayan yung kaluluwa dahil hanggang ngayon, hindi pa nila alam kung saan pupunta! Kung kani-kanino ihinihingi ng tawad. Tore ni David, patawarin mo siya, toreng gareng, kaban ng tipan, talang maliwanag, pinto sa langit, bahay na ginto… Bakit kung kani-kanino ihinihingi ng tawad ang namatay? Kasi nga hindi malaman kung saan susulong, kasi hindi malinaw ang katuruan kung paano naliligtas!

Naniniwala ako na meron tayong mga kababayang nasa loob ng Roman Catholic church na saved. Baka nga hindi pa nila alam na saved sila kasi hindi conscious ang pagtuturo eh. Yan ang pinagkaiba ng Protestant churches sa mga Catholic churches. Sa karamihan ng Protestant churches, itinuturo nang malinaw yung salvation. Hindi ko sinisiraan ang sinuman. Pero ang point, hindi ko nakikita sa Bible na formal, actual and legal membersip ang nagliligtas, kundi yung spiritual belongingness to the family of God. 

This happens when you accept Jesus into your heart as Savior and Lord, no matter what religion you belong to. Kaya lang, pag na-save na kayo at kilala na ninyo si Kristo, meron naman talagang mga religious systems na mas lalago kayo. Kaya mahalaga rin yung church membership—kung ligtas ka na!

Thursday, July 4, 2019

Do Not Fear


Wag matakot. Do not worry. Natatandaan ko nung nasa college pa ako, madalas kong naririnig, “Makibaka! Wag matakot!” Mabuti pa yung mga taong yun at alam nila na hindi dapat matakot. Ang mga anak pa kaya ng Diyos ang dapat matakot? Not to fear is a decision. Ito’y isang pagpapasya. Para matakot kailangan kang magpasyang ikaw ay magiging matatakutin. Pero para rin wag matakot, kailangang magpasyang hindi matatakot. It is a decision. Because when you have already decided that you would be afraid, then everything else will fall in line and you really will be afraid. Ang utos ng Panginoong Hesus:

John 14:27 Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.
Do you think the Lord is going to command something that is undoable? Mag-uutos ba Siya ng isang bagay na hindi pala kayang sundin? Nasa kamay pala natin eh. Sabi Niya, wag kayong matakot. Wag nyong hayaang maguluhan ang inyong puso. Ibig sabihin nasa ating kamay, nasa ating desisyon kung papaya tayong matakot o hindi.

Joshua 1:19 “Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be terrified; do not be discouraged, for the Lord you God will be with you wherever you go.”
Wala pa tayong nabasa na sinabing “Do not die,” because it is not in your power if you will die or live. Pero yung sinabing “Do not be afraid,” ibig sabihin pwede. Iniuutos, ibig sabihin pwede. So kung sino man sa atin ang mahilig matakot, change your mind. Reset your mind. Reconfigure your mind. Recondition your mind.