Ang magandang church ay yung nabibigyan ang miyembro ng mga
kailangan nya para mag-grow at nabibigyan din ng pagkakataon para magbigay
naman sa church at sa iba.
In other words, hindi lang siya recipient kundi contributor
din. Kaya hindi maganda ang church na wala kang hope na magka-ministry dahil
ang mga tao entrenched na sa kani-kanilang positions.
Dapat may chance kayong mag-grow because by serving God you
can earn treasures in heaven. Kung hindi kayo nagse-serve, hindi kayo
pinapagawa, hindi kayo tini-train, attend lang kayo nang attend, paano na?
There’s a certain type of growth in our spirit that can
happen only if we are serving. Kasi ang life cycle is, I receive, I give, I
receive, I give. Kung receive ka lang nang receive at ang gini-give mo lang,
donation, paano na?
Kung naho-hone ang talents mo, natututo ka, nalalagay ka sa
tama mong field then that is a good church. Ngayon, kung may kulang yung church
nyo, huwag kayong umalis agad. Mag-suggest kayo. Nandoon kayo to help. Isipin
mo, anong maitutulong mo sa church na ito?
So, the church must
give you and allow you to give of yourself. That, I think, is one of the
definitions of a good church.
No comments:
Post a Comment