May mga tao talagang kahit hindi ka naman inaano, naiinis ka
sa kanya. Naiinis ka kung paano siya magsuklay, naiinis ka kung paano siya
umupo, naiinis ka kung paano siya tumawa. Pero di ka naman niya inaano. Would
you prefer na nagugustuhan mo siya? Hindi ba ang daming mga ipokrita?
Pabeso-beso, pa chika-chika, pero gustong magkagatan. Kung pwede lang sakmalin
ang leeg ng hinahalikan ay gagawin.
What can we do with people we don’t like? First of all, let’s
try to like them. Let’s dig and find Christ in them. Kung talagang walang
makita, let’s dig deeper and find bits of Christ in bits of them. Dahil hindi
pwedeng wala tayong makita. Humanap ng mapupuri at magugustuhan at yun na lang
ang palakihin natin sa ating isipan para magkaroon tayo ng positive
disposition. Kung naghalukay ka na nang todo at wala ka pa ring makita, what
can you do? Don’t pretend to like the person. Just be polite. Kung dumarating
siya, you can smile pero di kailangang, “Hi, I’m so glad to see you.” Kunwari
lang naman pala, di ba? Hindi natin kailangang mag-pretend.
Don’t feign affection or fondness. Madalas ay ginagawa natin
yan sa mga bata. Ang mga bata’y malilikot. “Energetic pala ang mga anak mo.”
Ang second reading pala’y “Ang lilikot pala ng mga yan.” Kung di ka talagang natutuwa
ay huwag kang mag-pretend. May kasamang bata ang bisita mo sa bahay, nakabasag
ng pigurin at naiinis ka. Huwag mong sasabihing, “Okay lang, okay lang.” Ang
sabihin no, “Well, mapapalitan din naman yan” or something. But say something .
Hindi mo kailangang sabihin na balewala sa’yo kung talagang ininda mo eh. Lying
na yon. Gaano kaya karami sa atin fall into this? Trying to be Christian by
being un-Christian, trying to be loving by lying? What do we do with people we
honestly don’t like? Let’s just be polite with them. Live and let live but don’t
make any pretenses.
There’s something that’s very godly to do. Try to like the
person and you will see na may makikita kang likable sa kanya. Try to befriend
the person if you can pero huwag mag-pretend na tuwang-tuwa ka sa kanya. Just
go along with the person and find something good in him or her. At sa totoo
lang, may makikita.
No comments:
Post a Comment