Thursday, July 4, 2019

Do Not Fear


Wag matakot. Do not worry. Natatandaan ko nung nasa college pa ako, madalas kong naririnig, “Makibaka! Wag matakot!” Mabuti pa yung mga taong yun at alam nila na hindi dapat matakot. Ang mga anak pa kaya ng Diyos ang dapat matakot? Not to fear is a decision. Ito’y isang pagpapasya. Para matakot kailangan kang magpasyang ikaw ay magiging matatakutin. Pero para rin wag matakot, kailangang magpasyang hindi matatakot. It is a decision. Because when you have already decided that you would be afraid, then everything else will fall in line and you really will be afraid. Ang utos ng Panginoong Hesus:

John 14:27 Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.
Do you think the Lord is going to command something that is undoable? Mag-uutos ba Siya ng isang bagay na hindi pala kayang sundin? Nasa kamay pala natin eh. Sabi Niya, wag kayong matakot. Wag nyong hayaang maguluhan ang inyong puso. Ibig sabihin nasa ating kamay, nasa ating desisyon kung papaya tayong matakot o hindi.

Joshua 1:19 “Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be terrified; do not be discouraged, for the Lord you God will be with you wherever you go.”
Wala pa tayong nabasa na sinabing “Do not die,” because it is not in your power if you will die or live. Pero yung sinabing “Do not be afraid,” ibig sabihin pwede. Iniuutos, ibig sabihin pwede. So kung sino man sa atin ang mahilig matakot, change your mind. Reset your mind. Reconfigure your mind. Recondition your mind.

No comments:

Post a Comment