Monday, July 8, 2019

Kailangan bang maging member ng isang church upang ang isang tao ay maligtas?


Hindi religion ang mahalaga kundi ang personal na relasyon mo kay Hesus. Nagiging mahalaga lang ang religion dahil doon tayo natututo, doon tayo nate-train. Hindi yung dahil nagpalista ka lang, saved ka na! Kailangan spiritual membership muna.

And then it becomes a formal, actual membership so that you will have a place to grow, to serve and be served, to love and be loved. Ang tanong, may nagbayad na ba ng iyong kasalanan? Marami tayong kababayan na member ng ibang mga churches diyan for so many years. Otsenta anyos na nung namatay puro relihiyon ang buong buhay. Sumali na sa lahat ng prusisyon, nadasal na lahat ng rosary, nagawa na lahat ng ayuno, nakapagbinyag, nakapagkumpil, lahat-lahat. 

Nawisikan na ng tubig habang inililibing, kung anu-anong usuk-usok, ipinagdadasal pa rin nung mga namatayan yung kaluluwa dahil hanggang ngayon, hindi pa nila alam kung saan pupunta! Kung kani-kanino ihinihingi ng tawad. Tore ni David, patawarin mo siya, toreng gareng, kaban ng tipan, talang maliwanag, pinto sa langit, bahay na ginto… Bakit kung kani-kanino ihinihingi ng tawad ang namatay? Kasi nga hindi malaman kung saan susulong, kasi hindi malinaw ang katuruan kung paano naliligtas!

Naniniwala ako na meron tayong mga kababayang nasa loob ng Roman Catholic church na saved. Baka nga hindi pa nila alam na saved sila kasi hindi conscious ang pagtuturo eh. Yan ang pinagkaiba ng Protestant churches sa mga Catholic churches. Sa karamihan ng Protestant churches, itinuturo nang malinaw yung salvation. Hindi ko sinisiraan ang sinuman. Pero ang point, hindi ko nakikita sa Bible na formal, actual and legal membersip ang nagliligtas, kundi yung spiritual belongingness to the family of God. 

This happens when you accept Jesus into your heart as Savior and Lord, no matter what religion you belong to. Kaya lang, pag na-save na kayo at kilala na ninyo si Kristo, meron naman talagang mga religious systems na mas lalago kayo. Kaya mahalaga rin yung church membership—kung ligtas ka na!

No comments:

Post a Comment