Thursday, July 11, 2019

Ano ang ganap na mangyayari sa taong nakikinig at naniniwala sa Feng Shui?


Alam nyo ba yung Feng Shui? Yung dapat iharap mo dito yung bintana, iganun mo yung pinto.

Siguro yang Feng Shui meron ding konting katotohanan, at least. Kasi product yan ng observation.

Nao-observe nila na kapag ganito, ganon, ganyan, may dahilan.

Ang point, hindi ka naman kailangang maging superstitious.

Na dahil sinusunod mo nay an ay yumaman ka o humirap, napabuti o napasama.

That’s an exaggeration, a superstition and it is oppressive.

Pero wala din namang mawawala sa inyo kung sinabing laki-lakihan mo naman yung pinto mo, lalo’t praktikal naman.

Ano ba naman ang problema doon? Ang nagiging problema lang ay kung naniniwala na kayo, na ang inyong ikabubuti at ikasasama ay dahil sa size ng pinto.

O kung nahaharap kayo sa silangan, kanluran o kung saan man. Yung iba galit nag alit dito, yung iba naman, sumusunod. I will not let it rule my life but I will probably listen to a few very practical points.

Halimbawa, sinasabi, dapat yung pinto ng banyo ay hindi dire-diretso sa dining room.

Hindi ko na kailangan ng Feng Shui para masabing, oo nga.

Dahil pag bumukas yung banyo kitang-kita mo na ang nandoon. Kumakain ka pa naman ng aligi ng talagka. So may sense kung minsan.

No comments:

Post a Comment