Wednesday, October 30, 2019

Ano ang mabisang pampaantok at pampasarap ng tulog bukod sa prayer?

Count your blessings. 

Isa-isahin ang mga dapat ipagpasalamat sa buong nakaraang araw. 


Be thankful

Tuesday, October 29, 2019

Is Mary the queen of heaven and the mother of God?


Hindi natin idini-demote si Mary but we would just like to tell the truth. Una, that she is not in heaven but is in paradise together with the other believers; and secondly, she cannot be the queen of heaven. If Mary goes to heaven, she will go there as part of creation, not as the mother of the Creator because the Creator has no mother. The relationship between Mary and Jesus on earth was that of a foster mother-child. We know that there was no biological fertilization. Di ba, she remained a virgin even after the conception? So that means, she wasn’t really a biological mother when Jesus became man. If the earthly relationship was not mother and son, how much more in heaven where Jesus is king? Mary comes to heaven as a guest, not as a queen. We are not demoting her but we should realize that she is the recipient of the blessing, not the giver. Dapat clear yon. She is blessed. Bakit blessed si Mary? Dahil ba siya ay pinili? Pakaisip-isipin nyo. Blessed siya dahil siya ay pinili. Hindi  siya blessed na kaya pinili tuloy, dahil sinong nag-bless sa kanya bago siya napili? Mary was the recipient, not the giver of the blessing. If you want blessing now, go directly to God, who is the giver of blessings and be like Mary. Be called blessed.


Monday, October 28, 2019

Masama bang gumamit ng mga rebulto o larawan ng Diyos habang nagdarasal?


Sa kanino mang nagpapahalaga sa mga bagay na ito—mga  rebulto at religious images—nais  ko lang sabihin na sa Ten Commandments (Exodus 20 and many other verses ipinagbabawal ng Panginoon ang mga ito. Ayaw Niya ng mga nililok na anyo na mga kamukha ng mga nasa langit at nasa lupa at nasa tubig at sa ilalim ng lupa. At ipinagbabawal Niya ang pagyuko at paglilingkod sa mga bagay na ito.
Napaka-clear sa second commandment, sa Exodus 20:4, Huwag gagawa ng mga dios-diosan, ng mga rebulto. Pero sa labas ng mga malalaking simbahan na may nakalagay na sampung utos, nawawala ang Second Commandment. Naging siyam na lang ang sampung utos. Yung number ten, pinaghati para maging dalawa, para hindi halatang may kulang. Naging, You shall not covet thy neighbor’s wife and You shall not covet thy neighbor’s goods. Ang totoo’y isang commandment lang yon. Pinagdalawa, dahil meron silang tinanggal para maikubli sa tao ang katotohanan. Pinipiringan nila ang mata ng bayan para hindi makita ang katotohanan at manatili sa dilim sapagkat gusto nilang ipagpatuloy ang maling turo.
Bakit hindi nila aaminin na mali ang rebulto? Hindi pwedeng aminin dahil meron silang teaching of papal infallibility, that the Pope cannot be wrong. When the Pope speaks ex-cathedra, meaning on behalf of the church. Pag sinabi ng papa ngayon Ay, sorry, mali nga pala, alisin natin, then the popes of the last 2000 years were all wrong. And if the popes were wrong and the doctrine is a falsehood then the Roman church will be rocked to its very foundations and will fall like a house of cards. Kaya papangatawanan nila yan. Hindi nila yan bibitawan. Kahit sila’y magsinungaling, manloko at mandaya.
Ang Ten Commandments na nasa mga patio ng simbahan ay isang tahasang panlilinlang sa mga tao—ikinukubli nila ang Pangalawang Utos. Napakalalakas ng loob to be God’s editors, para tanggalin yung Second Commandment. Pinaglalaruan nila ang sampung utos ng Diyos—isang napakalaking sumpa. Kaya pag pinag-aralan nyo ang kasaysayan, malalaman nyo ang katotohanan.
Huwag tayong maging emosyonal—Ah, basta! Dito ako isinilang, dito na ako mamamatay. Mamamatay ka nga diyan! Kailangan magising ka, kailangan sabihin mo, Ay, teka! Matalino naman ako, binigyan ako ng Diyos ng utak. Kailangan nakikita natin, pero hindi natin dapat pagtawanan. Dapat kaawaan at tapunan ng liwanag ang nagkakamali.


Saturday, October 26, 2019

Ano ang ibig sabihin ng pagsa-sign of the cross ang Catholics? Bakit hindi ito ginagawa ng mga believers


Tradition lang yung krus na symbol ni Christ pero hindi Niya in-endorse kahit kailan sa buhay Niya. We don’t want to make war with people who would like to use it. But we ourselves find no need to have a symbol because as John 4:24 says God is spirit and in truth. Ang totoo, technically, wala akong maisip na masama sa sign of the cross. Kung magpi-pray  ka, In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, ano ba naman ang problema doon? Wala! Basta wala lang kasunod na “Hail Mary.” Because we’re really praying in the name of the Father, of the Son and of the Spirit. Kung minsan, when I’m with many Catholic people, I open a prayer this way at hindi naman ako nako-compromise. It even accommodates them sa opening prayer pa lang para hindi difference, kundi yung commonality ang makita. And I am not offended by that.
Katulad din yan ng—bakit hinid tayo gumamit ng kampana? Actually, maganda nga yun, eh. Pagkalembang ng kampana, hudyat na yun na late na ang mga tao. Kaya siguro nali-late ang maraming Kristiyano. Hindi naman prohibited sa Bible ang kampana. Kaya nga lang ang ating mga naunang ninuno sa pannampalataya, pati yun inalis nila, dahil gusto nilang maging clear yung difference. Yung cross, sobra naman na naga-glamorize. It is not the cross that is important but what was accomplished by Jesus on the cross. Kaya hindi natin ini-emphasize yung cross kasi nagmumukha na yun na mismo ang end by itself. Samantalang napako lang naman doon si Hesus. Ang mahalaga ay yung ginawa ni Hesus at hindi yung cross. Paano kung si Hesus ay binaril by firing squad. Pag magdarasal kayo, sign of the rifle ba? Paano kaya yun? Pagkatapos yung mga simbahan natin, ang nasa bubong ripple? At pag may Santacruzan, ang dala ng Reyna Elena, baril? Kung ang Panginoon ay pinatay sa silya elektrika, anong pendant nyo, silya? At sa mga Bible nyo, ano ang naka-drawing, silya? Kung si Lord nilason sa lethal injection, ano ang mga kuwintas natin, heringgilya? I will not fault Catholics for making the sign of the cross. For me, it’s not a big deal. Kaya lang, kung minsan hindi natin ginagawa because we just want to be distinct. Ayaw natin mapagkamalang pareho lang kaya ayaw nating gawin. Pero kung gusto nyong gawin I will not find any fault, huwag lang kayong magbigay ng superstitious powers to the cross. Na kapag may aswang, papakitaan nyo ng cross, tatakbo ang aswang. Hindi yun totoo. Si satanas nga umaakyat sa langit at humaharap sa Diyos, bakit tatakbo pag nakakita ng krus? Eh, ang Diyos mismo hinaharap. Kaya dapat walang superstition.
Gusto nyong matakot sa inyo ang demonyo? Natatakot ang demonyo sa espiritu ng Kristiyanong may takot sa Diyos. Pag nabubuhay kayo na may takot sa Diyos at sumusunod sa Diyos, ayaw sa inyo ng demonyo, maa-allergic siya sa inyo. This can protect you more than any cross you can ever put in you life, in your church or anywhere. Ngayon, okay ba, kung may krus daw sa pulpit ng church? Hindi naman masama, huwag nyo lang luhuran.


Friday, October 25, 2019

Ano ang tamang gawin sa mga batang namamalimos sa lansangan?


Kung tayo ay magbibigay sa mga batang namamalimos, lahat ng kalaro nila makikitang may pera sila. Bukas mamamalimos na rin ang mga kalaro nila and we will create a begging industry. Hindi tama yon. Dapat ipagpi-pray natin dahil baka talagang very legitimate ng pangangailangan nila, para makatulong tayo. 

Gawin nating selective and Spirit-led ang pamimigay. Ngayon kung may mga sasakyan kayo at lagi nyong nararanasan na may kumakatok, bumili kayo ng isang malaking supot ng biscuits at ilagay nyo sa kotse nyo. Tuwing may mamamalimos, abutan nyo ng isang biscuit para may maibigay kayo.

Hindi tayo nag-e-encourage ng begging for money. Pero kung ang bata ay totoong nagugutom bigyan nyo ng maipamatid gutom niya sa panahon na yon. May mga pagkakataong inuudyok ng Espiritu na bigyan nyo ng pera. Pero bihirang-bihira lang yun, one in a hundred siguro. Baka kasi minsan raket yan, di ba?


Wednesday, October 23, 2019

Ano ang masasabi ninyo sa mga nangangaral ng Salita ng Diyos sa mga kanto, bus at jeep at pagkatapos ay nangongolekta ng offering?


The preaching can be good but the collection may leave a bad taste in the mouth. 
Nako-compromise ang dignity ng ministry. Christianity should be very dignified. 
It should never be made to look like it is begging, na parang walang dignity.
 Maraming na-o-offend. If I were them, I’ll do it another way.
 Kasi, kung nagsasalita naman sila ng Word of God, tama na madinig sa kalye dahil hindi naman lahat ng tao pumupunta sa church. 
Kaya lang, huwag sanang manghihingi para hindi mapintasan.


Paano magagamit nang tama at kapaki-pakinabang ang 24 oras na ibinigay sa atin ng Diyos?


Do the maximum good. 


Help minimize the pain of others and of yourself.


Enjoy as much as you could.


Saturday, October 19, 2019

What is the truth about Christmas? What is your opinion about Christmas decor like Christmas tree and lanterns?


Unang-una, alam natin na ang December 25, hindi naman talaga birthday ni Jesus yan. Wala namang sinabi sa Bible, right? Pero wala ring sinabi sa Bible na hindi December 25. Bakit hindi nakasaad sa Bibliya kung kailan ipinanganak si Jesus Christ?
Well, there are many areas in the Bible that God is very explicit about the facts; and there are areas where he is silent. Hindi naman siguro talaga mahalaga kung kailan ipinanganak ang Diyos. Ang mahalaga, Siya ay pumunta dito sa ating daigdig, nabuhay siya bilang tao para ipakita sa atin na ang tao ay pwedeng maging banal. At nabuhay Siya to empathize with us, identify with us and to die for us. Exact time is not important because God is timeless. Yang oras, araw, buwan, taon dito lang sa planetang ito pero sa Uranus iba na. Sa Jupiter iba na ang bilangan. Pag lumabas ka na sa Milky Way, sa ibang galaxy, lalong iba na. Kaya ang oras is a very local issue dito sa planeta, so it’s not really very important.

There are several arguments that say the birth of Christ might not be December 25. Isa, nung ipinanganak si Lord yung mga tupa nasa labas, kasama nung mga pastol. Di ba dinalaw sila ng mga anghel? Sila ay nasa field. Kung December 25 sa Israel ay naku! Hindi ninyo kayang lumagi sa labas at mag-alaga ng tupa dahil winter. So, apparently, hindi December 25. Eh, ngayon, kailan kayo magsi-celebrate ng Pasko? Pwede kayong umimbento ng ibang araw, kaya lang wala kayong kasabay.
Paano yung mga symbolism ng Pasko? Halimbawa, yang Christmas tree. The Christmas tree can become a symbol of materialism pagka lagi dapat may regalo sa ilalim. Kaya naman yung iba, may mga kahon lang na walang laman. Yung iba namang symbols like Rudolph the red-nosed reindeer, chestnuts roasting in an open fire, snowman at Santa Claus. Wala lahat biblical premise. Kung gusto nyong ilagay, hindi naman siguro masama. Pero dapat alam nyo na hindi naman totoo yan, parang katuwaan lang! Kung gusto nyong maglagay ng symbol na very biblical, magsabit kayo ng parol. The Philippine parol is one symbol of Christmas that is biblical. Dahil nung ipinanganak si Lord talagang may lumabas na tala. Yung talang kahanga-hanga na pati ang mga people from the East nakita nila ang tala. Sila pa nga ang mga nakakilala, hindi ang mga taga-Israel! So, ibig sabihin, ang ganda-ganda ng ating parol. Napakagandang symbol na kapag tinatanong ng mga bata—Ano ba yan? Pwede mong ipaliwanag, Nung pinanganak si Lord, merong lumabas na tala. Pero pag si Santa Claus na parang butete, ewan ko kung paano nyo ipapaliwanag yan. Pero huwag naman tayong sobrang mapunahin sa iba. Kanya-kanyang kalooban iyan.


Friday, October 18, 2019

Narinig ko sa mensahe ninyo sa DZAS na hindi dapat gamitin ang word na ‘unbeliever’ sa mga Katoliko. Bakit?


Una, kasi technically, hindi naman totoo. 
They also believe in Jesus. Kaya lang, they also believe in Mary, in Sta. Monica, in Sta. Barbara at kung sinu-sino pa. Ang dami!

Second, masakit sa tainga. So, mas nire-recommend ko na gumamit ng ibang word na mas neutral at less judgmental. Yan naman ay kung gusto natin na huwag lumayo ang kanilang loob sa atin.


Thursday, October 17, 2019

Ano ang ibig sabihin ng kasabihang, ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa’ ? Isang principle ba ito para ma-save ang kaluluwa?


Ang kasabihang ito ay hindi biblical thought. Ito ay kasabihan ng ating matatanda at hindi naman yan totally wrong. 
Ang sinasabi ng kasabihan, magtrabaho ka at ibi-bless ni Lord yung trabaho mo para magkaroon ng fruit. 
Hindi tulad ni Juan Tamad sa kwento na hihiga na lang at inaantay niyang mahulog ang bayabas na mag-shoot sa kanyang bibig.
Pero kung hindi ka magta-trabaho, anong ibi-bless Niya? 
Ano naman ang kanyang pamumungahin kung wala kang itinanim? 
Magtanim ka muna bago ka magdasl ng, Lord, pabulaklakin nyo at pamungahin ang aking halaman. In other words, merong human participation ang blessing, hindi pwedeng  sa Diyos lang. 
May mga estudyante, hindi mag-aaral. 
Tapos pag exam, Lord, ipasa nyo ako sa exam. Paano ka papasa kung hindi ka naman nag-aral. 
Yun ang magandang application noong, Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ibig sabihin kung hindi ka gagawa, paano ka bibigyan ng awa ng Diyos?
 First, you act then God will react.


Ano ang gagawin sa tao na pag nagbibiro siya, nakakasakit na ng iba?


You can rebuke that person gently and sweetly. 
You can say, Alam mo, napapansin ko laging tumataas ang boses mo sa akin and I’m hurt everytime na ginagawa mo yan so, please watch yourself. 
Pwede mong sabihin yon. 
Dun naman sa mga masasakit magbiro, sabihin mo na nakakasakit na siya. 
Baka kasi hindi nya alam. 
Rebuke that person with love. 
But when you rebuke, do it in private.


Wednesday, October 16, 2019

Dapat ba talagang magbigay tayo ng ikapu sa simbahan?


Una, nasa Bible that we should give to the Lord ten percent of our income. Pero dapat rin nating ingatan kung kanino natin ibinibigay. Talaga bang kay Lord napupunta o kung saan lang? Dapat nating iniingatan ito. Kaya tayo nire-require ni Lord na magbigay sapagkat He promised to return it a hundred fold. The Lord asks us to give so He can give in return. In other words, pinagtatanim tayo ng Diyos para tayo  umani.
Noong dumating si Magellan sa Pilipinas, kaya nya nakaaway si Lapulapu dahil humihingi ng tribute. Humihingi ng buwis. Bakit humihingi ng buwis? Dahil ang pagbabayad ng buwis sa hari ng Espanya, kahit ilang barya lang, ay nagpapatunay na nagpapasakop tayo sa kanyang pagiging hari. Kaya ang pagbibigay natin ng tithe to the Lord’s work is an act of submission, parang buwis natin yun. Nagpapasakop tayo tanda sa pagkilala sa Kanyang awtoridad. Kaya kung kinikilala natin ang Diyos na ating hari, nagbibigay tayo ng ating tithes and offering as a token of our submission.
Ang pangalawang dahilan ay para i-finance ang work ni Lord. Dahil kahit mayaman ang Lord, sa church naman niya kahit kailan, hindi umulan ng pera. Katulad sa mga gawain, pag magtuturo kayo, kailangan nyo ng sound system, kailangan nyo ng kuryente, kailangan nyo ng rent. Papaano naman aandar ang isang church kung walang funds?
And number three para sa ating pagtatanim, mayron tayong aanihin. Dahil sabi ng Lord, to those that will give, I will give back a hundredfold. Hindi kailangan ng Diyos ang ating pera pero kailangan nating magpasakop sa Diyos. Kailangan nating i-maintain ang ministry ng church at kailangan natin ang blessing ni Lord, Kaya tayo sumusunod. Bibigyan ko lang ng diin—tiyakin na gawain nga ng Panginoon ang pinupuntahan ng inyong pondo. Kasi kung hindi, baka sa gawain pa ng kaaway mapunta, lalong lumakas tuloy ang gawain ng kaaway natin.

Monday, October 14, 2019

Bilang isang Christian, masama bang magkaroon ng lustful desire sa isang babae o isang lalaki?


Normal lang siyempreng magkaroon ka ng ganyang feelings kasi tao ka at hindi ka monobloc table. 


May romantic love ba namang walang physical attraction/desire?


Everything just depends on putting everything in the right place and time.


Sexual attraction is normal. It only has to be done decently and in order. May tamang panahon, okasyon at lugar para dyan. Of course, in church teaching—in marriage.


So, magtimpi muna habang hindi pa panahon. But CONGRATULATIONS! Dahil tao ka.


Thursday, October 10, 2019

Paano sasaya o mas sasaya sa buhay?


Look for and find happiness. Di ba, “Seek and you will find”?

Subukan mong masdan ang mga dumadaang sasakyan sa road. Look for red cars. Pag tumutok ka at naghanap ng red cars, you will realize na marami pala o mayroon pala. Pero pag hindi mo sinadyang hanapin, tingnan o titigan, halos di mo mapapansin. SO HANAPIN, TITIGAN ANG KALIGAYAHAN, ANG MASAYA, ANG POSITIVE. You will see na marami o at least mayroon pala. Hanapin yung nakapagpapasaya at makikita mo yun.


BE HAPPY. IT’S A DECISION!


Tuesday, October 8, 2019

Pwede bang hatiin ang tithes sa dalawang church? Sa church na pinagmulan at sa church na kasalukuyang inaattendan?


Why not? Pero parang eating out yan. Kung saan kang restaurant kasalukuyang kumakain, dun ka magbayad, right? Perho hindi naman masamang suportahan ang former church. Doon ka naman nagmula. If you really want to be supersafe, tithe the present church and send love gifts to the former one.
O! Wala nang magsisimula ng argumento kung dapat pa bang mag-tithe o hindi na. Panis na ang isyung yan—at hindi yan ang tanong.


Is it advisable for a father or mother to go abroad and leave their kids at home?


Alam nyo, marami sa atin ang may anak. Wala namang magulang na gustong lumayo sa anak kung pwede, di ba? The letter of the law says do not separate so that you will continue to nourish each other. But if by staying together, namatay naman kayong lahat sa gutom, hindi naman siguro kasalanan na maghanap kayo ng ikabubuhay. Pero dapat alam nyo kung kailan kayo titigil. Meron diyan tatlumpu’t limang taon na sa abroad, ayaw pang umuwi. Lumaki na ang mga anak, nagdebut na, nag-asawa na, hindi nakasama kahit kalian. Kasi hindi na maawat. Aalis para makabayad ng utang kay Aling Pasing. Mamaya, nabayaran na si Aling Pasing, nag-lote naman. Nung may lote, bahay naman. Nung may bahay, kasangkapan naman. Nung may kasangkapan, kotse naman. Tapos, by the time na magka-college na ang mga bata, lalong hindi na nakabalik. Pero hindi na maibabalik ang panahon na ang mga bata ay lumalaki. Kaya kailangan, alam mo kung kelan sasabihing, ‘Tama na to’.
Biro nga ng isang kaibigan kong westerner, one year daw of work abroad is out of necessity, two years is out of greed and three years will give you brain damage. Well, it’s an oversimplification but there’s truth in it. Kaya dapat mayroon tayong isine-set kung hanggang saan lang. Ang pangangailangan natin, kahit kailan ay hindi mapupunan completely. Marami pa ring ibang pangangailangan ang mga anak ninyo. Pag lumaki at nagka-asawa na yan, hindi kayo nakapiling, hinidi nyo na yun maibabalik.
Kaya kailangan nating tangkilikin ang bayan para ang mga kababayan natin ay makabalik na dito at dito na maghanap-buhay. Ang nation-building ay  bahagi ng true spirituality. Sa paglikha natin ng isang matatag na bayan, magkakaroon ng pagkakataon na tayong lahat ay dito makapamuhay at mag-hanapbuhay.


Sunday, October 6, 2019

You Can Be Rich


But the Lord said, “You can be rich.”
Matthew 19:21—Jesus answered, “If you want to be perfect, go, sell your possessions and give to the poor and you will have treasure in heaven. Then come, follow me.
Hindi ibig sabihin nito, lahat ng may kabuhayan hinihingi ng Panginoon na ibenta nyo ang kabuhayan nyo at ipamigay para kayo maging banal. Hindi yon. Kasi itong taong ito.” Eh, alam na alam naman ng Lord na ang dios ng taong ito ay yung pera niya. Kaya sinabi niya, “Magpalit ka muna ng Diyos. Kasi ang dios mo kayamanan mo eh.” “Hindi po, kayo talaga ang Diyos ko.” “O sige, patunayan. Ibenta mo lahat yang kayamanan mo, ipamigay mo sa mahihirap saka ka sumunod.”
Hindi siya sumunod. Kasi totoo lang yung sinasabi ni Lord na “ang pera mo ang dios mo.” Pero kung ang diyos niyo naman eh, ang Diyos kahit may pera pa kayo, hindi naman ipinapatapon sa inyo.
Ang yaman ng tao ay hindi sinusukat sa kanyang ari-arian kundi sa kanyang ipinamimigay. Ang standard kasi ng mundo yung maraming kinamkam, yung maraming sinarili, yun ang mayaman. No! sinukat ng Panginoon ang kayamanan dito, hindi sa inimpok at itinago kundi sa ipinamigay. We are made rich not by what we keep but by what we give away. Eh, sasabihin nyo, “Eh, teka wala akong masyadong kayamanan to give away.”
Pero hindi lang naman yun ang pwede nating ibigay eh. We can give any of our three T’s—our time, talent, treasure or all of these. Nagbibigay ka ng oras mo sa iyong kapwa, nakikinig ka sa kanyang mga suliranin, ipinapanalangin mo siya. Merong taong hindi makakain, ipinagluto mo. May malungkot, pinasaya mo, nagbigay ka sa kanya. Talent! And then iba naman yung treasure na ibinibigay  mo rin. Maraming pwedeng ibigay. So you cannot say that you are too poor to give.
All human beings are equal—in the sense that each of us has 24 hours a day. Walang taong mas mayaman na may 25 hours siya a day. Walang mahirap na may 16 hours lang. Lahat tayo tig-24 hours, pantay-pantay. Lahat tayo may talent, may kakayahan na ibinigay ang Panginoon. At lahat din naman tayo ay may treasure, iba-iba lang nga yung amount. It is not in terms of numerical value but how much you make of it. That’s what determines the value of your wealth.
So, huwag nating sabihing, “I’m too poor.” Kasi, alam nyo may kababalaghan at hiwaga ang spoken words. Word, when spoken, find a way to become real. Kaya yung laging sinasabi”Yang anak ko na yan, bobo yan!” Nagiging bobo na nga. “Ang buhay ko, malas, malas, malas.” Talagang nagkakanda-malas-malas nga. Kasi hindi nga natin maipaliwanag why there is power in spoken words. Siguro dahil pag sinabi mo nasa-suggest sa iyo, yun na rin ang gagawin mo. O narinig mo, yun na ang expectation, yun na rin ang gagawin mo whatever the explanation is. So, yung mga taong laging nagsasabing, “alam mo, walang-wala ako, eh,” pero meron at nagkukunwari lang, nagkakatotoo, nawawalan nga. Yung mga,  “Naku, sira na ang araw ko, umagang-umaga pa lang.” Sinasabi yun, talagang nagkakasira-sira yung araw.


Wednesday, October 2, 2019

Pwede bang makipamista sa pista ng Katoliko?


Tinatanong nyo pa, pero namimiyesta naman yata talaga kayo. 
Kaya nga, gumawa na tayo ng Pistang Kristiyano para hindi na kayo pumuslit sa inyong pamimiyesta. 
Para meron na tayo talagang pista, di ba? 
Personally, hindi natin pwedeng gawing policy. 
Nasa sarili nyong konsensiya ang ikatatama at ikamamali ng pagpunta nyo doon. 
Sa ating sobrang pagiging perfectionist at separatist, meron ba tayong nadala kay Lord?