Alam nyo, marami sa atin ang may anak. Wala namang magulang
na gustong lumayo sa anak kung pwede, di ba? The letter of the law says do not
separate so that you will continue to nourish each other. But if by staying
together, namatay naman kayong lahat sa gutom, hindi naman siguro kasalanan na
maghanap kayo ng ikabubuhay. Pero dapat alam nyo kung kailan kayo titigil.
Meron diyan tatlumpu’t limang taon na sa abroad, ayaw pang umuwi. Lumaki na ang
mga anak, nagdebut na, nag-asawa na, hindi nakasama kahit kalian. Kasi hindi na
maawat. Aalis para makabayad ng utang kay Aling Pasing. Mamaya, nabayaran na si
Aling Pasing, nag-lote naman. Nung may lote, bahay naman. Nung may bahay,
kasangkapan naman. Nung may kasangkapan, kotse naman. Tapos, by the time na
magka-college na ang mga bata, lalong hindi na nakabalik. Pero hindi na
maibabalik ang panahon na ang mga bata ay lumalaki. Kaya kailangan, alam mo
kung kelan sasabihing, ‘Tama na to’.
Biro nga ng isang kaibigan kong westerner, one year daw of
work abroad is out of necessity, two years is out of greed and three years will
give you brain damage. Well, it’s an oversimplification but there’s truth in
it. Kaya dapat mayroon tayong isine-set kung hanggang saan lang. Ang
pangangailangan natin, kahit kailan ay hindi mapupunan completely. Marami pa
ring ibang pangangailangan ang mga anak ninyo. Pag lumaki at nagka-asawa na yan,
hindi kayo nakapiling, hinidi nyo na yun maibabalik.
Kaya kailangan nating tangkilikin ang bayan para ang mga kababayan
natin ay makabalik na dito at dito na maghanap-buhay. Ang nation-building
ay bahagi ng true spirituality. Sa
paglikha natin ng isang matatag na bayan, magkakaroon ng pagkakataon na tayong
lahat ay dito makapamuhay at mag-hanapbuhay.
No comments:
Post a Comment