Monday, October 28, 2019

Masama bang gumamit ng mga rebulto o larawan ng Diyos habang nagdarasal?


Sa kanino mang nagpapahalaga sa mga bagay na ito—mga  rebulto at religious images—nais  ko lang sabihin na sa Ten Commandments (Exodus 20 and many other verses ipinagbabawal ng Panginoon ang mga ito. Ayaw Niya ng mga nililok na anyo na mga kamukha ng mga nasa langit at nasa lupa at nasa tubig at sa ilalim ng lupa. At ipinagbabawal Niya ang pagyuko at paglilingkod sa mga bagay na ito.
Napaka-clear sa second commandment, sa Exodus 20:4, Huwag gagawa ng mga dios-diosan, ng mga rebulto. Pero sa labas ng mga malalaking simbahan na may nakalagay na sampung utos, nawawala ang Second Commandment. Naging siyam na lang ang sampung utos. Yung number ten, pinaghati para maging dalawa, para hindi halatang may kulang. Naging, You shall not covet thy neighbor’s wife and You shall not covet thy neighbor’s goods. Ang totoo’y isang commandment lang yon. Pinagdalawa, dahil meron silang tinanggal para maikubli sa tao ang katotohanan. Pinipiringan nila ang mata ng bayan para hindi makita ang katotohanan at manatili sa dilim sapagkat gusto nilang ipagpatuloy ang maling turo.
Bakit hindi nila aaminin na mali ang rebulto? Hindi pwedeng aminin dahil meron silang teaching of papal infallibility, that the Pope cannot be wrong. When the Pope speaks ex-cathedra, meaning on behalf of the church. Pag sinabi ng papa ngayon Ay, sorry, mali nga pala, alisin natin, then the popes of the last 2000 years were all wrong. And if the popes were wrong and the doctrine is a falsehood then the Roman church will be rocked to its very foundations and will fall like a house of cards. Kaya papangatawanan nila yan. Hindi nila yan bibitawan. Kahit sila’y magsinungaling, manloko at mandaya.
Ang Ten Commandments na nasa mga patio ng simbahan ay isang tahasang panlilinlang sa mga tao—ikinukubli nila ang Pangalawang Utos. Napakalalakas ng loob to be God’s editors, para tanggalin yung Second Commandment. Pinaglalaruan nila ang sampung utos ng Diyos—isang napakalaking sumpa. Kaya pag pinag-aralan nyo ang kasaysayan, malalaman nyo ang katotohanan.
Huwag tayong maging emosyonal—Ah, basta! Dito ako isinilang, dito na ako mamamatay. Mamamatay ka nga diyan! Kailangan magising ka, kailangan sabihin mo, Ay, teka! Matalino naman ako, binigyan ako ng Diyos ng utak. Kailangan nakikita natin, pero hindi natin dapat pagtawanan. Dapat kaawaan at tapunan ng liwanag ang nagkakamali.


No comments:

Post a Comment