But the Lord said, “You can be rich.”
Matthew 19:21—Jesus answered, “If you want to be perfect,
go, sell your possessions and give to the poor and you will have treasure in
heaven. Then come, follow me.
Hindi ibig sabihin nito, lahat ng may kabuhayan hinihingi ng
Panginoon na ibenta nyo ang kabuhayan nyo at ipamigay para kayo maging banal.
Hindi yon. Kasi itong taong ito.” Eh, alam na alam naman ng Lord na ang dios ng
taong ito ay yung pera niya. Kaya sinabi niya, “Magpalit ka muna ng Diyos. Kasi
ang dios mo kayamanan mo eh.” “Hindi po, kayo talaga ang Diyos ko.” “O sige,
patunayan. Ibenta mo lahat yang kayamanan mo, ipamigay mo sa mahihirap saka ka
sumunod.”
Hindi siya sumunod. Kasi totoo lang yung sinasabi ni Lord na
“ang pera mo ang dios mo.” Pero kung ang diyos niyo naman eh, ang Diyos kahit
may pera pa kayo, hindi naman ipinapatapon sa inyo.
Ang yaman ng tao ay hindi sinusukat sa kanyang ari-arian
kundi sa kanyang ipinamimigay. Ang standard kasi ng mundo yung maraming
kinamkam, yung maraming sinarili, yun ang mayaman. No! sinukat ng Panginoon ang
kayamanan dito, hindi sa inimpok at itinago kundi sa ipinamigay. We are made
rich not by what we keep but by what we give away. Eh, sasabihin nyo, “Eh, teka
wala akong masyadong kayamanan to give away.”
Pero hindi lang naman yun ang pwede nating ibigay eh. We can
give any of our three T’s—our time, talent, treasure or all of these.
Nagbibigay ka ng oras mo sa iyong kapwa, nakikinig ka sa kanyang mga suliranin,
ipinapanalangin mo siya. Merong taong hindi makakain, ipinagluto mo. May
malungkot, pinasaya mo, nagbigay ka sa kanya. Talent! And then iba naman yung
treasure na ibinibigay mo rin. Maraming
pwedeng ibigay. So you cannot say that you are too poor to give.
All human beings are equal—in the sense that each of us has
24 hours a day. Walang taong mas mayaman na may 25 hours siya a day. Walang
mahirap na may 16 hours lang. Lahat tayo tig-24 hours, pantay-pantay. Lahat
tayo may talent, may kakayahan na ibinigay ang Panginoon. At lahat din naman tayo
ay may treasure, iba-iba lang nga yung amount. It is not in terms of numerical
value but how much you make of it. That’s what determines the value of your
wealth.
So, huwag nating sabihing, “I’m too poor.” Kasi, alam nyo
may kababalaghan at hiwaga ang spoken words. Word, when spoken, find a way to
become real. Kaya yung laging sinasabi”Yang anak ko na yan, bobo yan!” Nagiging
bobo na nga. “Ang buhay ko, malas, malas, malas.” Talagang
nagkakanda-malas-malas nga. Kasi hindi nga natin maipaliwanag why there is
power in spoken words. Siguro dahil pag sinabi mo nasa-suggest sa iyo, yun na
rin ang gagawin mo. O narinig mo, yun na ang expectation, yun na rin ang
gagawin mo whatever the explanation is. So, yung mga taong laging nagsasabing,
“alam mo, walang-wala ako, eh,” pero meron at nagkukunwari lang, nagkakatotoo,
nawawalan nga. Yung mga, “Naku, sira na
ang araw ko, umagang-umaga pa lang.” Sinasabi yun, talagang nagkakasira-sira
yung araw.
No comments:
Post a Comment