Tradition lang yung krus na symbol ni Christ pero hindi Niya
in-endorse kahit kailan sa buhay Niya. We don’t want to make war with people
who would like to use it. But we ourselves find no need to have a symbol
because as John 4:24 says God is spirit and in truth. Ang totoo, technically,
wala akong maisip na masama sa sign of the cross. Kung magpi-pray ka, In the name of the Father and of the Son
and of the Holy Spirit, ano ba naman ang problema doon? Wala! Basta wala lang
kasunod na “Hail Mary.” Because we’re really praying in the name of the Father,
of the Son and of the Spirit. Kung minsan, when I’m with many Catholic people,
I open a prayer this way at hindi naman ako nako-compromise. It even
accommodates them sa opening prayer pa lang para hindi difference, kundi yung
commonality ang makita. And I am not offended by that.
Katulad din yan ng—bakit hinid tayo gumamit ng kampana?
Actually, maganda nga yun, eh. Pagkalembang ng kampana, hudyat na yun na late
na ang mga tao. Kaya siguro nali-late ang maraming Kristiyano. Hindi naman
prohibited sa Bible ang kampana. Kaya nga lang ang ating mga naunang ninuno sa
pannampalataya, pati yun inalis nila, dahil gusto nilang maging clear yung
difference. Yung cross, sobra naman na naga-glamorize. It is not the cross that
is important but what was accomplished by Jesus on the cross. Kaya hindi natin
ini-emphasize yung cross kasi nagmumukha na yun na mismo ang end by itself.
Samantalang napako lang naman doon si Hesus. Ang mahalaga ay yung ginawa ni
Hesus at hindi yung cross. Paano kung si Hesus ay binaril by firing squad. Pag
magdarasal kayo, sign of the rifle ba? Paano kaya yun? Pagkatapos yung mga
simbahan natin, ang nasa bubong ripple? At pag may Santacruzan, ang dala ng
Reyna Elena, baril? Kung ang Panginoon ay pinatay sa silya elektrika, anong
pendant nyo, silya? At sa mga Bible nyo, ano ang naka-drawing, silya? Kung si
Lord nilason sa lethal injection, ano ang mga kuwintas natin, heringgilya? I
will not fault Catholics for making the sign of the cross. For me, it’s not a
big deal. Kaya lang, kung minsan hindi natin ginagawa because we just want to
be distinct. Ayaw natin mapagkamalang pareho lang kaya ayaw nating gawin. Pero
kung gusto nyong gawin I will not find any fault, huwag lang kayong magbigay ng
superstitious powers to the cross. Na kapag may aswang, papakitaan nyo ng
cross, tatakbo ang aswang. Hindi yun totoo. Si satanas nga umaakyat sa langit
at humaharap sa Diyos, bakit tatakbo pag nakakita ng krus? Eh, ang Diyos mismo
hinaharap. Kaya dapat walang superstition.
Gusto nyong matakot sa inyo ang demonyo? Natatakot ang
demonyo sa espiritu ng Kristiyanong may takot sa Diyos. Pag nabubuhay kayo na
may takot sa Diyos at sumusunod sa Diyos, ayaw sa inyo ng demonyo, maa-allergic
siya sa inyo. This can protect you more than any cross you can ever put in you
life, in your church or anywhere. Ngayon, okay ba, kung may krus daw sa pulpit
ng church? Hindi naman masama, huwag nyo lang luhuran.
Amen
ReplyDelete