Unang-una, alam natin na ang December 25, hindi naman talaga
birthday ni Jesus yan. Wala namang sinabi sa Bible, right? Pero wala ring
sinabi sa Bible na hindi December 25. Bakit hindi nakasaad sa Bibliya kung
kailan ipinanganak si Jesus Christ?
Well, there are many areas in the Bible that God is very
explicit about the facts; and there are areas where he is silent. Hindi naman
siguro talaga mahalaga kung kailan ipinanganak ang Diyos. Ang mahalaga, Siya ay
pumunta dito sa ating daigdig, nabuhay siya bilang tao para ipakita sa atin na
ang tao ay pwedeng maging banal. At nabuhay Siya to empathize with us, identify
with us and to die for us. Exact time is not important because God is timeless.
Yang oras, araw, buwan, taon dito lang sa planetang ito pero sa Uranus iba na.
Sa Jupiter iba na ang bilangan. Pag lumabas ka na sa Milky Way, sa ibang
galaxy, lalong iba na. Kaya ang oras is a very local issue dito sa planeta, so
it’s not really very important.
There are several arguments that say the birth of Christ
might not be December 25. Isa, nung ipinanganak si Lord yung mga tupa nasa
labas, kasama nung mga pastol. Di ba dinalaw sila ng mga anghel? Sila ay nasa
field. Kung December 25 sa Israel ay naku! Hindi ninyo kayang lumagi sa labas
at mag-alaga ng tupa dahil winter. So, apparently, hindi December 25. Eh,
ngayon, kailan kayo magsi-celebrate ng Pasko? Pwede kayong umimbento ng ibang
araw, kaya lang wala kayong kasabay.
Paano yung mga symbolism ng Pasko? Halimbawa, yang Christmas
tree. The Christmas tree can become a symbol of materialism pagka lagi dapat
may regalo sa ilalim. Kaya naman yung iba, may mga kahon lang na walang laman.
Yung iba namang symbols like Rudolph the red-nosed reindeer, chestnuts roasting
in an open fire, snowman at Santa Claus. Wala lahat biblical premise. Kung
gusto nyong ilagay, hindi naman siguro masama. Pero dapat alam nyo na hindi
naman totoo yan, parang katuwaan lang! Kung gusto nyong maglagay ng symbol na
very biblical, magsabit kayo ng parol. The Philippine parol is one symbol of
Christmas that is biblical. Dahil nung ipinanganak si Lord talagang may lumabas
na tala. Yung talang kahanga-hanga na pati ang mga people from the East nakita
nila ang tala. Sila pa nga ang mga nakakilala, hindi ang mga taga-Israel! So,
ibig sabihin, ang ganda-ganda ng ating parol. Napakagandang symbol na kapag
tinatanong ng mga bata—Ano ba yan? Pwede mong ipaliwanag, Nung pinanganak si
Lord, merong lumabas na tala. Pero pag si Santa Claus na parang butete, ewan ko
kung paano nyo ipapaliwanag yan. Pero huwag naman tayong sobrang mapunahin sa
iba. Kanya-kanyang kalooban iyan.
Amen..Praise God..thanks po kuya Pastor..God be with you always
ReplyDeleteAno pong verse ang pede para sa christmas decors if pede or hindi? Thank u..
ReplyDelete