Monday, December 30, 2019

Gumagamit ba ang Diyos ng tao para magpagaling ng mga maysakit?


Yes naman, yung merong gifted sa healing. Na kung bakit pag itong anointed person na ito ang nag-pray, may nangyayari at kung yung iba, walang nangyayari. Yes, the Lord uses people to dispense His blessings. Pero hindi lahat. At maraming fake.

Don’t over depend on such “gifted” people na pag wala na sila, parang wala na ang Diyos. Kailangan sa Diyos tayo nakaasa. Kung may channel siya, mabuti. Pero kung wala at gusto kayo ng Diyos i-bless, pwede pa rin yun. At kung nandoon ang channel at ayaw kayo ng Diyos i-bless, hindi nyo pa rin mapipilit ang Diyos. Kaya huwag tayong magbigay ng sobrang pagpapahalaga sa gifted persons. Ang ating dapat pagpapahalaga ay sa Giver of the gift who is the Lord.


Saturday, December 28, 2019

Kung binibigyan ka ng balato sa jueteng samantalang lagi mong sinasabi na masama yun, okay lang ba na tanggapin?


Kung ibinibigay naman sa inyo in good spirit and in good faith, baka naman ma-offend yung tao kung tanggihan nyo. Hindi ito policy at hindi ito theology, pero sa biglang tingin, siguro tatanggapin ko kasi ibinigay eh. Kesa naman tanggihan ko, baka ibigay pa niya sa masamang tao, magamit pa sa mali.
So palagay ko, tatanggapin ko. Ngayon, hindi ko sinasabing tanggapin nyo. Ako kasi, pag involved ang spirit ayokong i-judge. Tulad nito: Merong member sa church na nagbigay ng tithes. Yung pinanggalingan eh, questionable, isusuli nyo ba? The point is, nirerekisa ba natin ang lahat ng tinatanggap natin at inuusisa pa natin kung saan nanggaling yun? If it is given in good faith, personally, I do not want to be judgmental. At kung nagkamli ako sa pagtanggap noon, tatanggapin ko na lang siguro yung responsibility kung may discipline sa akin si Lord. Kasi mga gray areas ito. Hindi ka makakasabi talaga kung dapat o hindi dapat. Pero I will not want to judge the people na sa kalooban nila ay gusto nilang gumawa ng mabuti. Para sa akin, desisyon na yan ng bawat pastor kung tatanggapin nila or not.


Thursday, December 26, 2019

Compromise bang sundin ang magulang sa pag-attend ng Catholic mass?


Yes, compromise na yun. You must explain to them why you cannot attend. 

The doctrine of the Catholic mass is, the priest calls Christ from heaven and crucifies Him again in a bloodless way for the forgiveness of the sins of those who attend the mass. 

But the Lord said He died once for all, so to call Him everytime there is a mass is unscriptural. 

Another unscriptural thing about it is that it teaches that the Lord’s supper is not just a memorial but something you take for the forgiveness of your sins. 

Tapos, sa mass, lumuluhod pa sa mga rebulto, tumatawag pa kung kani-kanino. Kay rami-raming mga commandments ang nabi-break when you attend the mass. 

So you must explain to your parents very clearly why you cannot attend. 

But don’t be disrespectful, always be polite. Remember, if the will of our human parents conflicts with the will of our real, spiritual parent, you must know where your loyalty lies.


Monday, December 23, 2019

Di ba ang ating katawan ay templo ng Diyos? Paano na yung gumagawa ng immoralidad, masi-save ba sila?


Remember that there was a prostitute who was caught in adultery and the Lord forgave her. Pero sabi Niya in John 8:11, “Sin no more”. Ang lahat ng mga nangyari na sa ating katawan at sa ating buhay ay nalilimot at nahuhugasan pag tinanggap natin si Kristo bilang Tagapagligtas. Kasi binayaran na yan sa krus. Pero pagkatapos nating tanggapin si Kristo, dapat mabuhay na tayo nang malinis. Once in a while, we fall into sin, kasi hindi tayo perfect. Make sure lang that you don’t live in sin. Iba yung baboy at iba yung tupa when it comes to putik. Yung tupa pag naglalakad yan, kung minsan napuputikan. Pero ang ginagawa agad ng tupa, ikinikiskis niya ang balat sa bato o sa halaman, para matanggal yung putik. Iba naman yung baboy na tuwing umaga naghahanap ng putik at dun siya maglulublob. Inaangat mo na, ayaw pa niya, gusto pa niya sa putik. Ganun ang pinagkaiba noong living in sin and those that fall into sin. There are people na parang baboy talaga. Gusto yung kasalanan at ayaw niyang umalis doon. Walang lugar yan sa Christian living. Pero yung Kristiyano, para rin yang tupa. Kung napuputikan, inaayos niya agad yan, hindi niya pinalalala at hindi niya pinatatagal.


Saturday, December 21, 2019

Should homosexuals be condemned or not?


The homosexual person should not be condemned. He should be loved and ministered to and helped. 

But the homosexual act must be condemned. The act is the one condemned, not the person. We should separate the sin from the sinner. 

Kasi, if we are going to condemn the sinner, everyone else will be condemned. Iba-iba nga lang ang tatak o brand ng kasalanan natin but we are all sinners.


Tuesday, December 17, 2019

What is the context of 2 Corinthians 6:14, Do not be yoked together with unbelievers?


Ano ba yung yoke? Ang mga hayop ditto sa atin isa lang yung pamatok, yung isinusuot sa balikat ng kabayo, kalabaw o baka para hilahin niya yung kariton o karitela. Sa Israel, kadalasan kambal na yoke ang inilalagay sa dalawang hayop. Pag hindi sila sabay maglakad, magkaibang style umikot para bumuwelta, hindi sila nagbibigayan o hindi sila nagpapakiramdaman, ang nangyayari, pareho silang nasasaktan. Nasusugatan ang batok nila dahil nag-aagawan sila ng pagkontrol sa yoke. May nauuna, may nahuhuli, kaya walang na-a-accomplish, walang nangyayari.

This verse can apply to your business dealings Pag may business partnes ka, piliin mo Kristiyano rin. Dahil papano kung gusto niya halimbawang mag-export ng prostitute at ikaw ang gusto mong i-export ay copra? Malaking conflict yata yon. Tiyak mag-aagawan kayo sa yoke kung sino ang masusunod.

It can also apply to your love life. Dapat yung mapapangasawa mo ay pareho mong Kristiyano. Kasi papaano kung magkaiba kayo ng pananampalataya? Magkahiwalay kayo ng pinupuntahan pag worship time at pag nagkaanak kayo, saan pupunta yun? Ang gulo. And I tell you this, especially sa mga unmarried people, wala pa akong nakitang Kristiyano na nagpakasal sa non-Christian na sumaya. Ituro nyo naman sa akin kung may kilala kayo, nang makakita naman ako.


Thursday, December 12, 2019

What can you say about a family whose members belong to different fellowships?


Mas mabuti kung ang isang pamilya ay nasa isang congregation lamang.

That’s the ideal. But you know, in life the ideal seldom happens.

If every member of the family attends a Christ-centered church where salvation is through faith alone in Christ alone, pare-pareho lang yun. Ang pinagkaiba lang siguro eh style.

Different churches have different styles.

May conservative style, may classical music ang inclination at meron din namang jeproks music ang trip.

So, kung saan kayo hiyang, tulad ng halaman, doon kayo tumubo. Kesa napipilitan kayo sa isang congregation, hindi naman kayo lumalago doon.


Saturday, December 7, 2019

Si Hudas ba ay ligtas, matapos niyang ipagkanulo si Hesus?


Sinong nakakaalam niyan? Una, si Hudas ay nagpakamatay. 

Hindi siya nagsisi, siya lang ay nalungkot. Iba yung remorse sa repentance. 

Ang repentance ay yung sobrang nalungkot ka sa kasalanan mo to the point na nagsisi ka at ikaw ay bumaliktad patungo sa tama. 

Hindi natin alam kung noong nagbibigti siya at nalalagutan ng hininga ay nagsisi at humingi ng tawad. Paano natin malalaman? Pag namatay kayo, malalaman nyo rin.


Wednesday, December 4, 2019

What does praying in the Spirit mean?


Merong mga Kristiyano, ang kanilang pananaw sa praying in Spirit, yung nagta-tongues; yung hindi naiintindihan ng nagpe-pray yung prayer niya, yun daw ang prayer in Spirit. Personally, hindi ganun ang pananaw ng inyong lingkod. Hindi ko naman sinasabi na yung pananaw ko ay yun na ang kaisa-isang tamang pananaw sa mundo. But I believe that when you pray, you should understand what you’re praying. Hindi yung kapag natauhan ka na. Ano ba yung pinag-pray ko? Parang na-possess ka lang nun at di mo alam ang iyong mga pinagsasabi.
Sometimes, you don’t have to verbalize your prayer. May mga prayer tayo na sa isang iglap, nasabi mo na yung buong prayer without going through the motions of verbalizing it in a linear time. Alam ng Lord yun kasi kaya Niyang basahin ang isip. Sa isang iglap, nabasa na Niya. That could be a prayer in the Spirit.
Meron naman yung mga manunubli sa Batangas. Pag may sakit nagsasayaw sila para sa kagalingan nung may sakit. Yun ang prayer nila. Hindi na nila kailangang sabihing Lord, pagalingin mo siya. Nagsusubli sila para sa taong may sakit. Hindi ko ini-endorse yung practice but dancing has always been part of prayer. Kahit nga sa Bible may mga giyera na yung mga dancer ang nasa una ng hukbo at sumasayaw sila, tumutugtog para matalo na agad yung kaaway. That’s what praying in spirit means.
Another meaning is to pray as the Spirit leads, not as we want. Although there are times when what we want is also what the Spirit leads us to pray for. Maraming beses, hindi yung gusto natin ang gusto ng Spirit, so willing tayong ipag-pray. Halimbawa, meron tayong mahal sa buhay, gustung-gusto nating gumaling dahil may sakit. Pero may leading na Lord, sige, kung gusto nyo nang kunin, kunin nyo na. Prayer in spirit yun, kasi yun ang leading ng spirit that is against your will. Because if we pray according to God’s will, He hears us.


Sunday, December 1, 2019

Kung pwedeng humingi ng kapatawaran, pwede na bang magkasala palagi?


Siguro naman napakatalino ng Diyos, hindi natin Siya pwedeng paglaruan, di ba? 

Pwede talaga tayong humingi ng tawad at kung tayo ay laging sincere sa paghingi ng tawad, pinapatawad talaga tayo. 

Ang dapat nating i-question dito, yung sincerity. Sincere ba tayo? 

Sabihin mo, hihingi ako ng tawad ngayon, pero bukas gagawin ko uli ito. 

Siguro hindi iyon sincere. Ang tunay ng paghingi ng tawad ay may kakambal na pagsisisi.

On earth you pay the price. Kasi sabi sa Galatians 6:7, God is not mocked. Whatever a man sows, he shall reap. 

And the Bible says, Your sin will find you out. Hahanapin tayong parang guided missile. Hahanapin ka at sasabog sa iyo. 

Ganun yung ating kasalanan.