Monday, December 23, 2019

Di ba ang ating katawan ay templo ng Diyos? Paano na yung gumagawa ng immoralidad, masi-save ba sila?


Remember that there was a prostitute who was caught in adultery and the Lord forgave her. Pero sabi Niya in John 8:11, “Sin no more”. Ang lahat ng mga nangyari na sa ating katawan at sa ating buhay ay nalilimot at nahuhugasan pag tinanggap natin si Kristo bilang Tagapagligtas. Kasi binayaran na yan sa krus. Pero pagkatapos nating tanggapin si Kristo, dapat mabuhay na tayo nang malinis. Once in a while, we fall into sin, kasi hindi tayo perfect. Make sure lang that you don’t live in sin. Iba yung baboy at iba yung tupa when it comes to putik. Yung tupa pag naglalakad yan, kung minsan napuputikan. Pero ang ginagawa agad ng tupa, ikinikiskis niya ang balat sa bato o sa halaman, para matanggal yung putik. Iba naman yung baboy na tuwing umaga naghahanap ng putik at dun siya maglulublob. Inaangat mo na, ayaw pa niya, gusto pa niya sa putik. Ganun ang pinagkaiba noong living in sin and those that fall into sin. There are people na parang baboy talaga. Gusto yung kasalanan at ayaw niyang umalis doon. Walang lugar yan sa Christian living. Pero yung Kristiyano, para rin yang tupa. Kung napuputikan, inaayos niya agad yan, hindi niya pinalalala at hindi niya pinatatagal.


No comments:

Post a Comment