Ano ba yung yoke? Ang mga hayop ditto sa atin isa lang yung
pamatok, yung isinusuot sa balikat ng kabayo, kalabaw o baka para hilahin niya
yung kariton o karitela. Sa Israel, kadalasan kambal na yoke ang inilalagay sa
dalawang hayop. Pag hindi sila sabay maglakad, magkaibang style umikot para
bumuwelta, hindi sila nagbibigayan o hindi sila nagpapakiramdaman, ang
nangyayari, pareho silang nasasaktan. Nasusugatan ang batok nila dahil
nag-aagawan sila ng pagkontrol sa yoke. May nauuna, may nahuhuli, kaya walang
na-a-accomplish, walang nangyayari.
This verse can apply to your business dealings Pag may
business partnes ka, piliin mo Kristiyano rin. Dahil papano kung gusto niya
halimbawang mag-export ng prostitute at ikaw ang gusto mong i-export ay copra?
Malaking conflict yata yon. Tiyak mag-aagawan kayo sa yoke kung sino ang
masusunod.
It can also apply to your love life. Dapat yung
mapapangasawa mo ay pareho mong Kristiyano. Kasi papaano kung magkaiba kayo ng
pananampalataya? Magkahiwalay kayo ng pinupuntahan pag worship time at pag
nagkaanak kayo, saan pupunta yun? Ang gulo. And I tell you this, especially sa
mga unmarried people, wala pa akong nakitang Kristiyano na nagpakasal sa
non-Christian na sumaya. Ituro nyo naman sa akin kung may kilala kayo, nang
makakita naman ako.
No comments:
Post a Comment