Wednesday, December 4, 2019

What does praying in the Spirit mean?


Merong mga Kristiyano, ang kanilang pananaw sa praying in Spirit, yung nagta-tongues; yung hindi naiintindihan ng nagpe-pray yung prayer niya, yun daw ang prayer in Spirit. Personally, hindi ganun ang pananaw ng inyong lingkod. Hindi ko naman sinasabi na yung pananaw ko ay yun na ang kaisa-isang tamang pananaw sa mundo. But I believe that when you pray, you should understand what you’re praying. Hindi yung kapag natauhan ka na. Ano ba yung pinag-pray ko? Parang na-possess ka lang nun at di mo alam ang iyong mga pinagsasabi.
Sometimes, you don’t have to verbalize your prayer. May mga prayer tayo na sa isang iglap, nasabi mo na yung buong prayer without going through the motions of verbalizing it in a linear time. Alam ng Lord yun kasi kaya Niyang basahin ang isip. Sa isang iglap, nabasa na Niya. That could be a prayer in the Spirit.
Meron naman yung mga manunubli sa Batangas. Pag may sakit nagsasayaw sila para sa kagalingan nung may sakit. Yun ang prayer nila. Hindi na nila kailangang sabihing Lord, pagalingin mo siya. Nagsusubli sila para sa taong may sakit. Hindi ko ini-endorse yung practice but dancing has always been part of prayer. Kahit nga sa Bible may mga giyera na yung mga dancer ang nasa una ng hukbo at sumasayaw sila, tumutugtog para matalo na agad yung kaaway. That’s what praying in spirit means.
Another meaning is to pray as the Spirit leads, not as we want. Although there are times when what we want is also what the Spirit leads us to pray for. Maraming beses, hindi yung gusto natin ang gusto ng Spirit, so willing tayong ipag-pray. Halimbawa, meron tayong mahal sa buhay, gustung-gusto nating gumaling dahil may sakit. Pero may leading na Lord, sige, kung gusto nyo nang kunin, kunin nyo na. Prayer in spirit yun, kasi yun ang leading ng spirit that is against your will. Because if we pray according to God’s will, He hears us.


No comments:

Post a Comment