Kung ibinibigay naman sa inyo in good spirit and in good
faith, baka naman ma-offend yung tao kung tanggihan nyo. Hindi ito policy at
hindi ito theology, pero sa biglang tingin, siguro tatanggapin ko kasi ibinigay
eh. Kesa naman tanggihan ko, baka ibigay pa niya sa masamang tao, magamit pa sa
mali.
So palagay ko, tatanggapin ko. Ngayon, hindi ko sinasabing
tanggapin nyo. Ako kasi, pag involved ang spirit ayokong i-judge. Tulad nito:
Merong member sa church na nagbigay ng tithes. Yung pinanggalingan eh,
questionable, isusuli nyo ba? The point is, nirerekisa ba natin ang lahat ng
tinatanggap natin at inuusisa pa natin kung saan nanggaling yun? If it is given
in good faith, personally, I do not want to be judgmental. At kung nagkamli ako
sa pagtanggap noon, tatanggapin ko na lang siguro yung responsibility kung may
discipline sa akin si Lord. Kasi mga gray areas ito. Hindi ka makakasabi talaga
kung dapat o hindi dapat. Pero I will not want to judge the people na sa
kalooban nila ay gusto nilang gumawa ng mabuti. Para sa akin, desisyon na yan
ng bawat pastor kung tatanggapin nila or not.
No comments:
Post a Comment