Wrong packaging o image. Baka may image na parang
unapproachable or unreachable. Your body language might be saying: “Ayoko.
Huwag mo akong lapitan.” O kaya, Mataas ang standard ko, kulang kayong lahat.”
O “Sobra akong conservative. Walang fun with me. “ O “Sobra akong cheap;
ikahihiya mo ako for sure.” Etc.
Wrong placement. Yung kinalalagyan nyong lugar or position
ay hindi maganda: out of the way, inaccessible, invisible, wala sa circulation.
Wrong company. Ang mga kasama nyo ay turn-off sa marami.
Baka sobrang anything.
You look too eager na parang dadakmain mo at kakainin nang buhay ang sinumang lumapit.
Kulang sa social graces or refinement or overly refined.
Sobrang brotherly or sisterly—wala tuloy magnasa o makaisip
ng malisya sa iyo. You’re always the tulay but never the object of romance.
Too familiar, too common, too much available. Nakakalat sa
lahat ng lansangan, present sa lahat ng party. When you’re always there, no one
would miss you.
May mga kapintasang madali namang lutasin: Bad breath?
Sobrang daming galis? Kamut nang kamot, body odor? Marumi lagi ang kuko?
Salaula, unhygienic? Marumi ang balat, mabantot ang anit, lumulobo ang ilong
pag bumabahing, bumubula ang laway sa gilid ng bibig pag nagsasalita? Talsik
nang talsik ang laway? Etc.
Kung babae, marami kang kapatid na maton. Kung lalaki,
obvious na Mama’s boy.
Mabigat na ugali: mahilig magreklamo, dumaing, magagalitin, maarte,
etc.
No comments:
Post a Comment