What are the major root of failure? One of course is ourselves, marami tayong problema tayo din ang inventor, marami tayong misery, tayo din ang manufacturer, marami tayong kabiguan tayo din ang may kagagawan, isa po dyan is our limitations, mga kakulangan natin, we can be limited in skill, in talent or opportunities, kulang, misjudgments or error. Nagkamali ng desisyon, lack of vision, wala kasi tayong malayong pananaw. Nasa malapit lagi ang nakikita, di nagpaplano nang maayos, kulang sa pagpaplano. Other people can be a participants in our failute, Ecclesiastes 9:11. How to handle failures? Pag-aralan, sukatin kung ano nga ba ang laki at liit ng mga kabiguan and be specific, do not generalize What do I mean? Wag nyong sabihin "I'm a failure." Masyadon geneal, masyadong negative kasi pag generalize nyo magda-dramang bukid kayo, maaawa kayo sa sarili nyo, repair damages, restore damages and then restore yourself. Ang nagwawagi ay di umaayaw, ang umaayaw ay di nagwawagi. Wag kayong ayaw nang ayaw, minsan lamang na nabigo ayaw na, minsan lang napahiya ayaw na, minsan lang na di nagtagumpay ayaw na muling subukan. Ang pinakamalaking pagkakamali ay yung di nyo subukan, pangalawa, yung ayaw nyo nang sumubok uli dahil yung una nagibo kayo. Kailangan matibay, kailanga medyo kapal muks, wag masyadong manipis, walang mangyayari kung masyado kayong mahiyain, mahina ang loob, laging sumusuko, anong mangyayari sa buhay mo? Kailangang sikap nang sikap at kung tayo po ay nagkakamali, forgive yourself. Forgive. Marami tayong dala na kabigatan. If you want balance in your life, you forgive.
Sunday, April 30, 2023
DON'T GIVE UP!
Saturday, April 22, 2023
BE THE BETTER YOU
What happens if Jesus is really king of our personal lives? If we are going to take stock of and measure ourselves, are we going to be satisfied with what we see? During the time of Amos, pinasukat ng Diyos ang pader ng Jerusalem. Nilagyan ng pabigat yun isang string at tiningnan kung diretso yung pader. Natuklasan nilang nakatakilid ang pader ng Jerusalem. Parang mga personal na buhay ng tao. Pag sinukat tayo, ano kaya ang magiging measurement? Masisiyahan ba tayo sa makikita natin? Are you what you need to be? Are you what you want to be? And most importantly are you what God wants you to become?
When a sculpture looks at a piece of wood, he sees the art
that he can make out of it—the finished product. Ano kaya ang nakikita ng Diyos
sa atin at ano yung talagang tayo? What could God be seeing when He looks at
you right now? What could be the other you—the potential you? What could become
of us if only the Lord would have His way and our cooperation?
Marami tayong nakikitang mga bata sa lansangan. Minsan may
itinitinda. Minsan nagpapalaboy-laboy. Bawat isa sa kanila ay may angking
galing. Siguradong may mga gift ito. May mga talent. Pero yung potential kaya,
mangyayari? Give them 70 years to live, 80, 50, 90 even, mangyayari ba yung
potential? Maraming hahadlang. Hahadlang yung poverty. Hahadlang yung sickness.
Hahadlang yung romance. Hahadlang yung kung anu-anong agenda. But I believe God
is fair and that He gives everyone a chance. He has a plan for everyone. It is
the will of God that everyone shall have a fruitful, beautiful and peaceful
life. But not all of those good things happen because other things happen along
the way. Nagkakaroon ng sagabal at abala.
Looking beyond what we are now, what could the Lord be
seeing? The Lord sees what we can be. A person molded in God’s image. Full of
holiness, wisdom and compassion. God looks beyond us and sees the potential.
God sees His intentions for us—a person who is victorious, productive, joyful,
peaceful and contented. A person who can truthfully, honestly and confidently
say, “To live is Christ and to die is gain.”
God gave us free will, and it is one God’s best gift to us.
The will to choose. To be holy and to love is choice. God has a perfect will
for us.
Monday, April 10, 2023
Ang pagsubok ba ay para sa mga righteous lamang?
How shall we love our enemies?
It’s one of the most misunderstood verses in Scripture over the years of my Christian life and service.
Ano po ang magandang gawin pag inis na inis?
Bakit po yung pastor naming galit na galit sa internet at Facebook? Parang ang laking sin na mag-internet? Binabawalan po kami.
Ewan ko sa kanya. Siguro dahil marami naman talagang bad stuff sa internet at Facebook. Pero tulad ng totoong buhay, marami ring good. Nasa tao na kung alin ang pipiliin.
Masama ba na magamit ang pera for tithes sa pagpapagamot ng magulang na may matinding karamdaman?
I don’t think so na masama yun. Urgent need naman. Health. Pandugtong-buhay. At magulang mo pa ang pasyente. Maunawain ang Diyos; ewan ko lang ang pastor ninyo? Kaya lang, pag kaya mo na…palitan! Don’t abuse this leeway, though. Halos lahat ng tao ay itinuturing ang sarili nila na needy, gipit, kulang ang kita, may kailangang gastusan, etc. etc. Pag lahat ng needy ay nagpa-excuse sa tithing, what will happen the church sytem?
Sunday, April 9, 2023
Sino kaya ang love ni Jesus, yung wrongdoer o yung victim? Kasi bakit ang turo Nya sa victim ay magpatawad kahit hindi humihingi ng tawad o hindi nagbabayad ng damage ang wrongdoer? Di ba lugi, kawawa at disadvantaged ka pag nagpapatawad ka?
Siyempre, ang love ni Lord ay yung victim. Kaya nga turo Niya ay magpatawad, kahit na—o lalo na kung—hindi humihingi ng tawad yung may kasalanan. Pag nagpatawad ka, you are set free from your anger or stress without the help or cooperation of the wrongdoer. That’s power, not weakness. The victim does not need the help or cooperation of the offender. On her/his own, pwede nyang tapusin yung cycle of anger and suffering pag nagpatawad siya. In other words, you forgive not because the offender deserves it, but because you need peace.
Bakit po may mga mahilig manakot ng kung anu-anong visions at prophecies daw?
Siguro sila mismo ay takot.
Mahilig sila sa ganung mga spiritualizations?
They are convinced that they are right and that they have a message for others to hear?
Nagiging importante sila? Siyempre, the value of a “prophet” is in his prophecy. Kung walang prophecy eh di walang papel ang prophet.
Lagi nila yung iniisip kaya lumalabas sa mga panaginip at pangitain nila?
Hanggang saan at kailan po ba dapat tumanaw ng utang na loob?
UTANG NA LOOB IS FOREVER kung yung tumulong sa iyo noon ay:
1. patuloy pa ring tumutulong sa iyo.
2. Hindi ka pa naman “nakakabayad”/nakakapagsukli ng kabutihan o kaunti pa lang”naibabayad” mo.
3. Patuloy na mabuti sa iyo kahit nagbabayad-bayad ka.
4. Hindi na nakatutulong sa iyo pero wala namang ginawang major masama sa iyo. So, sa balance, may utang ka pa rin.
UTANG NA LOOB IS NOT FOREVER kung:
1. ang dami mo nang “naibayad” tapos may ginawa/nagawa nang masama o pang-aabuso sa iyo ang concerned.
2. Ginagamit yun ng concerned para ka abusuhin, kontrolin, kawawain. Magsukli ka ng marami, then move on on. Hindi lubos na nababayaran ang utang na loob pero at least dahil sa bad behavior nya at dahil sa naisukli mo na, medyo bayad ka na nun. Pwede nang mag-good-bye.
Saturday, April 1, 2023
Be Free From Desire
WINNERS KNOW WHEN TO STOP
Hold no grudges, have no regrets, discard anger from your heart. Mas maaga, mas mabuti.
May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.
Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.
Ephesians 4:31
Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.
Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.
Philippians 3:13
...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.
Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.
Enjoy Life And Be Happy
It’s impossible to know everything
At sabi niya, do not strain yourself trying to understand
everything. Siya na mismo na pinakamatalino sa balat ng lupa ang nagsasabi,
“Alam nyo marami akong hindi maintindihan. Eto meaningless sa akin. Eto
meaningless. Eto meaningless. Ang talino ko na nga hindi ko maintindihan, kayo
pa.” Sabi niya, huwag nyo na lang intindihin lahat. Huwag nyo na lang
i-research lahat, huwag nyo na lang bulatlatin lahat. Lulungkot lang kayo. The
more a man knows, the sadder he gets. Why? Kasi nalalaman niya ang lahat ng
kalungkutan ng buhay tuloy. Or, nalaman niyang hindi pala niya kayang malaman
lahat, nalulungkot tuloy siya. Kaya sabi, “Huwag na kayong sobrang
magpakatalino.’ Do not try to know everything. Try to know many things. Try to
know as many as possible. But not everything, because it is impossible. You
will only be miserable.
Ecclesiastes 9:1-10
So I reflected on all this and concluded that the righteous
and the wise and what they do are in God’s hands, but no man knows whether love
or hate awaits him. All share a common destiny—the righteous and the wicked,
the good and the bad, the clean and the unclean, those who offer sacrifices and
who do not.
As it is with the good man, so with the sinner; as it is
with those who take oaths, so with those who are afraid to take them. This is
the evil in everything that happens under the sun: The same destiny overtakes
all. The hearts of men, moreover, are
full of evil and there is madness in their hearts while they live and afterward
they join the dead. Anyone who is among the living has hope—even a live dog is
better of than a dead lion! For the living know that they will die, but the
dead know nothing, they have no further reward and even the memory of them is
forgotten. Their love, their hate and their jealousy have long since vanished;
never again will they have a part in anything that happens under the sun.
Let tomorrow worry about itself
Do you chase impossible rainbows? Do you chase the wind? Go
after what really counts. And what is that according to Ecclessiastes 1 and 2?
One is to be wise instead of being a fool. Two—eat , drink, find satisfaction
in daily life. Enjoy. Enjoy the moment. Do not suspend all pleasures, tomorrow
may not come.
Matthew 6:34—Therefore do not worry about tomorrow, for
tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble on its own.
Yung iba kaya malungkot, yung graces nila for today.
Sini-save nila for tomorrow. Kaya wala silang ma-enjoy ngayon. Tomorrow will
have it’s own grace.
Jame 4:13-14—Now listen, you who say. “Today or tomorrow we
will go to this or that city, spend a year there, carry on business and make
money. Why, you do not even know what will happen tomorrow. What is your life?
You are a mist that appears for a while and then vanishes.