Sunday, April 30, 2023

DON'T GIVE UP!



 What are the major root of failure? One of course is ourselves, marami tayong problema tayo din ang inventor, marami tayong misery, tayo din ang manufacturer, marami tayong kabiguan tayo din ang may kagagawan, isa po dyan is our limitations, mga kakulangan natin, we can be limited in skill, in talent or opportunities, kulang, misjudgments or error. Nagkamali ng desisyon, lack of vision, wala kasi tayong malayong pananaw. Nasa malapit lagi ang nakikita, di nagpaplano nang maayos, kulang sa pagpaplano. Other people can be a participants in our failute, Ecclesiastes 9:11. How to handle failures? Pag-aralan, sukatin kung ano nga ba ang laki at liit ng mga kabiguan and be specific, do not generalize  What do I mean? Wag nyong sabihin "I'm a failure." Masyadon geneal, masyadong negative kasi pag generalize nyo magda-dramang bukid kayo, maaawa kayo sa sarili nyo, repair damages, restore damages and then restore yourself. Ang nagwawagi ay di umaayaw, ang umaayaw ay di nagwawagi. Wag kayong ayaw nang ayaw, minsan lamang na nabigo ayaw na, minsan lang napahiya ayaw na, minsan lang na di nagtagumpay ayaw na muling subukan. Ang pinakamalaking pagkakamali ay yung di nyo subukan, pangalawa, yung ayaw nyo nang sumubok uli dahil yung una nagibo kayo. Kailangan matibay, kailanga medyo kapal muks, wag masyadong manipis, walang mangyayari kung masyado kayong mahiyain, mahina ang loob, laging sumusuko, anong mangyayari sa buhay mo? Kailangang sikap nang sikap at kung tayo po ay nagkakamali, forgive yourself. Forgive. Marami tayong dala na kabigatan. If you want balance in your life, you forgive.

No comments:

Post a Comment