It’s one of the most misunderstood verses in Scripture over the years of my Christian life and service.
Matthew 5:44, Love your enemy. Sa tagalog, Ibigin mo ang iyong kaaway. Parang walang sense, di ba?
Aminin nyo na. Paano mo iibigin ang kaaway mo?
But the Greek language, in which the New Testament was written, has at least four different words for love.
Merong godly love. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao na walang preconditions.
Meron namang filial love, ang pag-ibig sa mga magkakamag-anak.
Meron ding pag-ibig na ang ibig sabihin, I’m commited to your well-being, hindi ako magiging sagabal sa iyong pag-asenso pero hindi naman kita nami-miss kung hindi kita nakikita.
In other words, I’m not emotionally involved with you pero committed ako para sa ikabubuti mo. That is also love.
Dun pumapasok ang Love your enemy. May involvement out of familiarity or out of spending time and space together. In other words, hindi yun yung pag-ibig na emosyonal kasi imposible naman na minamahal nyo yung kaaway nyo, na Iniibig kita, nami-miss kita, mahal na mahal kita.
To love your enemy is to be committed to the well-being of your enemy. Don’t wish him ill. Huwag ka lang gagawa ng bagay na ikasasama nya—love na yon.
Hindi mo siya kailangang padalhan ng lollipops and roses at burong talangka para masabing love mo siya. Ibang klaseng love na yon.
No comments:
Post a Comment