Do not envy those who are successful. Kung sa palagay nyo
may taong mas matagumpay kaysa sa inyo, tandaan ninyo ito: pana-panahon lang
yan. Mas matagumpay siya ngayon but you don’t know about tomorrow. Kaya huwag
ninyong palaging ikinukumpara ang inyong sarili sa iba. Compare yourself with
yourself. Dapat umasenso ka hindi dahil mas gusto mong higitan ang iyong
kapatid o pinsan o kapitbahay. Dapat na umasenso ka kaysa sa sarili mo five o
ten years ago because you have only yourself to compare yourself with. Natututo
tayo sa ating mga pagkakamali. That we are able to pick up the pieces when we
get broken every now and then. That we become better person than we previously
were. Napakahalaga niyan. We must not envy those who are successful; we must
use our envy to position ourselves correctly to receive God’s favor. We must be
thankful and grateful not only for our success but also for the success of
others.
Do not be judgmental towards “successful” people who by
your standards are not godly enough. Kung minsan sinasabi natin, “Eh bakit yan
hindi naman godly, naging successful.” Anong malay natin kung ano ang laman ng
puso ng isang tao? Anong malay natin kung anong namamagitan sa kanya at sa
Diyos? We cannot be judges. Ang Panginoon ang siyang Hukom at gagawin Niya ang
paghuhukom sa Kanyang pagbabalik. Huwag natin Siyang unahan. Walang
nakakaligtas sa Kanya dahil nakikita ng Diyos ang lahat. Let us not judge other
people. Sa palagay nyo ba merong isang taong hindi nakikita ng Diyos at hindi
Niya alam kung anong nangyayari sa buhay niya. At kung may pinayagan ang Diyos
na mangyari sa kanyang buhay na sa tingin natin ay parang hindi Niya
karapat-dapat tanggapin, may karapatan ba tayong manghusga? Let us not be
judges. Let God be the judge. For with the judgment we pronounce, we will also
be judged. The measure we give is the measure we get.
Huwag tayong
maiinggit kahit kaninong taong nagmukhang matagumpay sa masamang paraan. Alam
natin na may paghahatol ng Diyos diyan. At kahit yung mga taong parang ang
yaman-yaman, makapangyarihan at maraming na-e-enjoy sa buhay kahit mali-mali
ang pamumuhay nila, anong malay natin sa mga pagdurusa na nagaganap sa kanyang
kalooban na hindi kita ng ibang tao? Anong malay natin sa mga kabigatan na
kanyang dala-dala maging siya’y nakaupo sa magagandang upuan at nakahiga sa
magagandang higaan? Anong malay natin kung nakakatulog siya o hindi? Ang dapat
na binabantayan natin ay ang ating sarili, sapagkat nakikita ng ating Panginoon
ang lahat.
No comments:
Post a Comment