Talaga namang may suffering e. But do not focus on the
undesirable and negative prospect only pagka ang kalagayan mo ay negative. Pag
masyado namang positive yung kalagayan mo, isipin mo rin yung negative para
hindi ka yumabang at maging palalo at sobrang self-reliant and insensitive to
the needs of others.
Philippians 4:8 Whatever is true, whatever is noble,
whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is
admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things.
Kaya kung minsan nakaka-depress manood ng balita o magbasa
ng diyaryo because in journalism, bad news is good news. May nabalitaan na ba
kayo na mag-asawang hindi naghiwalay? Walang ganung news. Di ba news ang
mag-asawang naghiwalay? Bad news sells. Kaya pag lagi mong focus yang ganyang
mga bagay, lulungkot ka lang. Dapat pag may nakikita kang negative, maghanap ka
agad ng matitingnan mong positive sa buhay. At hindi yun panlibang, hindi yun
panlasing kung hindi, yun ang totoo. Napipili lang kasi natin kung ano ang
tinitingnan natin. At pag nalulungkot tayo, madalas tumititig tayo sa mga
nakakalungkot na bagay. Pinili natin yun tingnan. So magkaroon man ng suffering
and difficulty. Look forward to deliverance, to redemption, to victory and
harvest dahil yun naman talaga ang dulo noon. Halimbawa, yung asawa
magsa-Saudi. “Naku, lima, sampung taon kang mawawala.” Pero ang tinitingnan
nila yung maitatayo nilang bungalow, yung mapapaaral nilang mga anak kaya
nalalampasan nila yung hirap. Kasi yung mata nila lumalampas sa hirap,
nakakapunta doon sa ginhawa na kanilang minimithi sa buhay.
Psalm 126:5 Those who sow in tears will reap with songs of
joy.
Nagtatanim ka, halos mapaiyak ka sa pagod. Di ba ang
magtanim ay di biro? Pero ba’t ka ba nagtatanim? Di ba para umani? Kaya habang
nagtatanim ka, para hindi ka mapaiyak, ang isipin mo, “Aani ako kasi nagtatanim
ako e.” At sinasabi yan sa Bibliya: Whatever a man sows, he shall reap.
Nagtitiis ka na hindi ka pumupunta sa mga gimik kasi estudyante ka. Aral ka
nang aral kasi you look forward to graduation. You look forward to becoming a
professional and to improving your lot in life. Yan ang paraan para ka
mag-survive. Nag-aaway kayong mag-asawa ngayon, di mo gusto yung ideya ng mga
nangyayari sa mga detalye ninyo but you look forward to the time na tatanda rin
kayo, kayo yung magsasama. So malalampasan mo yung hirap kasi mayroon kang
inaasahang ibang bagay. Magkakasakit ka, aalagaan ka nyan, ibuburol ka, iiyakan
ka rin nyan so mapagtitiyagaan mo siya ngayon. Kung mahirap man siyang kasama
ngayon, iniisip mo, “Hindi naman laging ganito ito e. Part lang ito ng aming
growth but this will not forever.” You know why and why not? Because nothing is
forever.
This too will pass. Lahat lumilipas. Kaya yung hirap,
lumilipas. Yung saya din, lumilipas. Kaya pag ikaw ay nasa hirap, sasaya ka
dahil lilipas din yun. Kung nasa saya ka, nagiging balanced ka dahil alam mong
lilipas din yun. Napapahalagahan mo rin yung ibang mga bagay na nililimot ng
iba pag sobrang masaya sila. At kung mayroon talagang dapat na gawing mahirap,
don’t fast forward the difficulty. Cross the unpleasant bridge when you get
there. Yun namang mga iba ang layo pa ng tulay iniisip na nila ngayon kung
papaano tatawirin. Ang layo pa e, pag nandoon ka na sa tabi nung tulay at saka
mo na isiping tawirin yan. Yung iba puro hirap ang iniisip. Pagka ganun,
mahihirapan tayo. Hold on to dear life. Never give up. Pagka ang tao sa
kalooban nya gusto pa rin nyang ilaban ito at mabuhay mangyayari yun. Kasi
hindi mo kayang pigilin ang kamay ng orasan. Matatapos ang gabi. Pagsasawaan ka
rin ng problema mo. Lalayasan ka rin nyan. Basta ang mahalaga pag alis nya,
buhay ka pa.
No comments:
Post a Comment