Winners do
not reveal everything to everyone. Hindi yung kahit nasaan sila, daldal dito,
daldal doon. Ibinunyag na lahat ang mga lihim. Sinabi na ang mga hindi dapat
sabihin kahit sa pananalangin at pangangako sa Diyos.
Ecclesiastes 5:2 Do not be quick with your mouth. Do not be hasty in
your heart to utter anything before God. God is in heaven and you are on earth,
so let your words be few.
Hindi dapat
na masyadong matabil kahit sa pakikitungo sa Diyos. Iwasang masyadong marami
ang sinasabi lalo na sa kapwa tao dahil marami ang napapahamak sa katabilan.
Proverbs
20:19 A gossip betrays a confidence; so avoid a man who talks too much.
The Bible tells us to avoid a man who talks too much. If
you talk too much and the Bible says you must be avoided, how can you be a
winner? In order to win, you need a lot of help from people. But people help
only those that they like. If you talk too much and you cannot be trusted, who
will like you and therefore who will help you? It is important not to talk too
much, especially if our talks burden other people. Isa sa mga kinaiinisang tao
ay yung reklamador. Lagi silang may hinaing, laging may daing at laging may
problema. Ano tuloy ang ginagawa ng mga tao? Iniiwasn silang kausapin. Yung iba
pa nga na hindi makaunawa kung bakit sila iniiwasan, sinasabing, “Eh kasi
mahirap na ako ngayon eh. Nung araw na may pera ako, gusto nila akong kausap.”
Siyempre kahit nakakainis ka, kung may pera ka, napagtitiyagaan ka. Eh kung
wala kang kapera-pera at nakakainis ka pa, sino ang magtitiyaga sa iyo?
Gusto mo
bang kausap yung taong tuwing dumarating sa iyo, “Ang traffic! Hindi umaandar ang
motor ng tubig namin. May sakit ang aso namin. Ang maid ko tatlong linggo
nang hindi pa bumabalik.” Puro problema na lang at puro masasakit sa tenga ang
sinasabi. People will avoid you. And when people avoid you, you lose. Pag may nagtanong
sa iyo, “Kumusta ka?”at sisimulan mo ngayong ipaliwanag ang pag-opera sa iyong
bituka, pagtanggal ng tatlong inches dito at ang tinahi ka nang limang ulit,
walang gustong makinig nun. Ang gusto lang kasi nilang marinig ay yung mabuti
ka. Subukan mong, “May problema nga ako eh. Financial.” Naku, tatakbo agad yung
kumumusta sa iyo! Kaya, do not talk too much especially about tragedy and
horrible things.
Pero may
mga taong kahit walang kapera-pera, gusto mong lagi siyang kausap kasi
nakaka-enrich. Na kapag nakausap mo, nahahawahan ka ng enthusiasm at ng sigla.
Gumagaan ang iyong loob, nagkakaroon ka ng pag-asa, tumitibay ang iyong
pananalig at nagkakaroon ka ng ngiti sa iyong mga labi. This is the winner.
No comments:
Post a Comment