Tuesday, November 20, 2018

Think Big


Think big para magkaroon ng peace. Isipin nyo kung ano yung pinakamalaki at pinakamaganda.
      1 Corinthians 2:9
     “ No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love Him.

       Wala pa daw matang nakakita, tengang nakarinig at isip na naka-imagine sa kung ano ang inihanda ng Diyos para sa mga anak Niya. Kaya’t kung anuman ang dinaraanan nating mga problema ngayon o hirap taliwas sa mga kagustuhan natin sa buhay, lampasan nyo ng tingin ang mga ito. Ang tingnan ay ang malaking bagay, ang eternity, ang kalangitan, ang inihanda ng Diyos para sa atin. Hindi ito para lang utuin at aliwin ang ating sarili at malampasan natin ang hirap. Totoo ito.
         Halimbawa, marami akong kakilala na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Kalaki-laking mga tao, pero nagtitipid at nagtitiis sa sardinas. Pang-almusal ang kalahati at pang-tanghalian ang natitira. Kumikita naman sila ng malaki-laki. “Bakit mo natitiis ang hirap na yan?” “Kasi nagpapagawa kami ng bahay sa Camella.”
         Aba! May tinitingnan siyang malaking bagay, lumiliit tuloy ang pagtitiis nya, di ba? O bakit naman ang nanay na ito’y nagkakandahirap-hirap sa paglalaba? “Kasi malapit nang mag-graduate ang anak ko.” May tinitingnan siyang malaking bagay kaya lumiliit ang kanyang hirap.
        Pag wala tayong tinitingnan na malaking bagay, ang maliit ay lumalaki. Kaya’t ang mga mag-asawa na nagkakagalit sa mga maliliit na bagay, wala na siguro ang malaking bagay called love. Kasi pag may love na malaki, ang maliit ay napapalampas. Ngayon, oras na ang maliit na bagay ay hindi na pinapalampas, wala na ang malaki. In the absence of big things, small things become big to small minds.
        Sa size ng utak natin malalaman kung ano ang size ng bagay na pinapahalagahan natin. Heto ang dami-daming tao, hindi ka nabati kaagad, galit ka na. Ang liit-liit na bagay ay ikinagalit mo. Ang liit naman ng utak mo. May mag-asawa na nagkakagalit sa pansit—ang gusto ng isa ay bihon, ang isa naman ay canton. Ang liit, kasi wala na siguro ang malaking tinitingnan. Kawawa naman ang mga taong ganito. Wala na bang malaki silang pinapangarap, minimithi at inaasahan? Ang liit-liit na bagay tuloy ay pinagkakagalitan na.
          Madaling malaman kung lumiliit an gating utak – kapag ang maliit na bagay ay pinapalaki natin. The size of a person’s heart or brain could be measured by the size of the things that make him or her angry. Ang liit-liit na bagay, galit ka na? Kung nare-realize natin ito sa ating sarili, humihingi tayo ng tulong sa Panginoon. “Lord, ipakita Nyo sa akin ang malaking bagay.”
          We need to think big. May malaking bagay na naghihintay sa atin anuman ang hirap ngayon. Wala namang naghirap ng dalawang libong taon. Gaano na ba katagal ang paghihirap nyo? Sandali lang yan. Difficulties are only tiny dots in an otherwise long line of eternity with God. Pwedeng pagtiisan. At pwede kang ngumiti kahit mahirap kasi at least alam mo na hindi ito pang habang panahon.

No comments:

Post a Comment