Huwag tayong sobrang mag-alala. Nade-depress tayo dahil
sino-solve natin yung problema na hindi pa dumarating. Pagka nagkasakit ang
nanay ko, paano ko siya ipapagamot? Saan ako kukuha ng gagastahin ko?
Matthew 6:34
Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself.
Each day has enough trouble of its own.”
Huwag mo nang alalahanin yung bukas. Yung bukas nandoon din ang Diyos at yung pangangailangan ng
bukas may para bukas. Yung supply mo ngayon pang-ngayon lang. Pag pinaghati mo
yang pang-ngayon at bukas, kapos ka ngayon at kapos ka uli bukas, kaya nga
sabi, “Give us this day our daily bread.” Huwag mong alalahanin yung malayo
dahil nandoon din ang Diyos. Pagdating noon at saka mo harapin. In other words,
cross the bridge when you get there. So you won’t have to be depressed.
Proverbs
30:8,9…give me neither poverty nor riches, but give me only my daily bread.
Otherwise, I may have too much and disown you and say, ‘Who is the Lord?’ Or I
may become poor and steal and so dishonor the name of my God.
Sabi nitong karunungan na ito, “Huwag nyo na po akong bigyan
ng sobrang kayamanan pero huwag nyo na po akong sobrang pahirapin. Yun lang
pong tama. Kasi pag sobra-sobra baka naman ako yumabang at hindi na ako
magdasal, hindi na ako mangailangan. At kung kulang-kulang naman baka naman ako
magnakaw. So yun lang pong tama. Tama na yun, yun lang ang kaya kong dalhin.”
May mga tao na kayang magdala ng kahirapan pero hindi kayang magdala ng
kayamanan. Mayroon namang mga tao na kayang magdala na hindi sila napapansin
pero oras na naging sikat doon sila nasisira. Hindi nila kayang dalhin. Kaya
nilang dalhin yung mababang posisyon. Bigyan mo ng mataas na posisyon, they
destroy themselves and others. Kaya lumagay lang tayo kung saan tayo tama para
hindi tayo ma-stress. And take things one at a time. Live one day at a time.
Huwag ninyong masyadong guluhin ang inyong isip sa malayo pang mga araw. Live
the day, seize the moment, celebrate life. Tomorrow will have its own
blessings, tomorrow will have its own graces.
Lamentations 3:22,23 Because of the Lord’s great love we are not
consumed, for his compassions never fail. They are new every morning; great is
your faithfulness.
Hindi raw nauubusan ang kabaitan ng Diyos at ang kanyang
pagbibigay sa atin, sariwa araw-araw. Sasabihin ninyo, “Ito lang ang problema
ko sa araw na ito. A, kaya ko ito. By God’s help, kaya ko ito.” Nahihirapan
tayo pag pinagsasabay-sabay natin pati problemang malayo pa. Kaya tayo nahihirapan.
Nade-depress tuloy tayo.
No comments:
Post a Comment