Thursday, May 30, 2019

PUT GOD IN YOUR LIFE AS EARLY AS POSSIBLE


Be as Godly as possible before you get damaged or ruined. Maraming mga tao ang napapalapit lang sa Diyos dahil napupwersa ng kasakitan, ng kahirapan, ng kung anu-anong mga problema. Mabuti nang napalapit tayo sa Panginoon at mabuti naman na ang mga problema at hirap natin ay naging daan para mapag-isip-isip natin ang Panginoon at lapitan Siya. Pero mas maganda sana kung nauuna na tayong lumalapit bago pa dumating ang mga krisis natin sa buhay. Para kahit tayo ay nire-restore ng Panginoon kung dumaan tayo sa hirap at kung anu-anong mga damages mas madali naman at mas maganda kaysa hanguin pa tayo sa napakarami nating kinasadlakan at ayusin pa tayo sa napakarami nating gustong sinalihan bagama’t yun ay nagagawa ng Panginoon. Pero napakaganda kung maagang nakikilala ang Diyos bagama’t walang huli kahit deathbead conversion, yun talagang huling hininga na nung nakakilala sa Panginoon (salamat at maganda yun). Pero kung mas maaga, mas mabuti.

Ecclesiastes 12:1-2
Keep your Creator in mind while you are young! In years to come, you will be burdened down with troubles and say, “I don’t enjoy life anymore.” Someday the light of the sun and the moon and the stars will all seem  dim to you. Rain clouds will remain over your head.

Sinasabi dito ng may-akda na darating ang panahong tatanda ka rin. Marami ka ring mga bagay na gustung-gusto ngayon na hindi mo na rin magugustuhan. Mawawalan ka na rin ng gana. Dati ay hilig na hilig mo. Ang sabi, bago pa man dumating iyon, alalahanin mo na ang Diyos habang bata ka pa lang. Bago dumating yung mga panghihinawa mo at pagkapagod. Bago ka maubusan ng lakas, kilalanin mo na ang Panginoon para may lakas ka pang natitira para sa Kanya. Mayroon ka pang mga panahong nalalabi para paglingkuran at kilalanin Siya at makisalamuha ka at makipagmabutihan sa iba ring mga anak ng Diyos. Ang sabi ng verse, agahan yan. Kaya mayroon tayong mahalagang misyon na habang maaga ay dalhin sa Panginoon ang mga bata sa ating pamilya, maaaring anak o ano pa man. Isama sila sa church, sa Sunday school, sa youth camp, sa Vacation Bible School para maaga ang paglapit nila sa Panginoon.

Proverbs 22:6
Teach your children right from wrong and when they are grown they will still do right.

Mas madaling magturo kaysa sa mag-repair ng may damage na. Well, God can restore broken lives but it is infinitely easier just to improve on what is already good.

Saturday, May 25, 2019

YOU CANNOT PLEASE EVERYBODY


Ano’ng mahalaga? Humaharap ka sa Diyos araw-araw, malinis ang konsensiya mo, alam mo you have done your best although you are not perfect. You may not even be excellent. You may not even be very good. You may only be fair. But if this is already your best, yun na yon. Yun ang sinasabing huwag nyo nang baguhin ang nilagay diyan ng Diyos. Kung talagang IQ mo 10, alangan namang magpakamatay ka para maging 15. Just do what you can to improve your life within the context and confines of what you can do, but don’t kill yourself and others trying to do what you cannot do. Dahil hindi ka sasaya and you will make everybody else around you miserable.
May pastor na mayrong congregation of 200 members, tapos may dalawang nagrereklamo, parang mabigat na mabigat na ang mundo niya, pasan na ang daigdi dahil sa dalawang ito. Hayaan nyo na yung dalawa o tatlong magreklamo. Dahil alangan namang palitan nyo ang buong planeta para sa kanila. You cannot please everybody. Ang sinasabi ni Solomon, you have already done your best. You cannot be what you are not.
Ano pa daw ang meaningless? Being smart and understanding everything too much. Totoo nga naman. Kasi yung mga kaunti lang ang alam mas masaya. O mga asawang babae—di ba nong hindi nyo pa alam na may kulasisi ang asawa nyo masaya kayo? Noong malaman nyo, naging miserable na kayo. Yung iba sa inyo, research pa nang research. Umuupa pa ng kung sinu-sino. Umaarkila pa ng taxi para sundan nang sundan itong asawa. Bakit nyo hinahanap lahat ng mababantot sa buhay? Para lang kayo magmukmok at magreklamo at para kayo hindi sumaya. The point is, don’t be too smart, don’t try to know everything. Dahil ang mundong ito ay twisted, deformed and the more you know, the more you will discover reasons to be sad.
Sino ba ang pinakamasaya sa church? Eh, di yung mga nag-a-attend. Mga kumakanta ng This is the day, this is the day. Subukan nyong maging deacon o maging elder, mababawasan ang inyong mga kaligayahan sa buhay. Dahil malalaman nyo na lahat ng problema nung church. Lahat ng ganito’t lahat ng ganon. Subukan nyong maging pastor. Mababawasan ang inyong kaligayahan. What I’m saying is, ang naka-honeymoon mode with God yung mga kaunti lang ang alam. Because the more you know, the sadder you get. Ganun talaga ang buhay. Kaya sabi ni Solomon, “Oh God, what kind of burden that you have given to men! That you should make them wise only to be sad.” Kaya ang sinasabi ng iba, “Better by far you should forget and smile, than that you should remember and be sad.”

Tuesday, May 21, 2019

AVOID TOO MUCH ENTERTAINMENT


Ang mga taong ito ay talagang addict sa ABS-CBN. Hindi ito yung istasyon ha? ABS-CBN—ito yung Alak, Babae, Sugal, Cabaret, Bar at Night Club.
Puro entertainment. Lahat ng sinepinanood. Tuwing kambiyo ng sine nakapila na kaagad. Too much TV, too much music, too much radio.
Gaano karaming oras ang ginagamit sa pagsamba sa harap ng bagong temple at altar ngayon which is the TV set?
Nariyan pa ang computer. Gaano karaming pamilya ang nawalan nan g family altar where they can pray together pero magkakasama sa panonood ng TV?
That is where the people of this generation worship—in front of the TVset.
 Naaagawan ng panahon ang Dios. Ina-idolize ang TV. Remember, anything that stands between us and God is an idol.
Hindi natin sinasabing masama ang manood ng TV pero dapat ilalagay natin sa tamang proportion.
Baka naman mas marami pa ang oras natin sa TV kaysa sa pagbabasa ng Bible.

Friday, May 17, 2019

Recycle Your Life


Bakit kailangang i-recycle ang buhay? Kasi ang buhay di katulad ng shooting, kailangang mag-take 2. Ang nangyari, nangyari na. Di na yon pwedeng tanggalin, di pwedeng i-edit. Ang nangyari ay nangyari na at dahil sa haba ng buhay marami ang magiging pagkakamali dahil sa kakulangan ng kaalaman maraming nagiging damage. Anong gagawin mo sa isang buhay na na-damage? Ipasa-Diyos ang lahat na nakaraan at sa tulong Niya, recycle life. Life can be full of garbage, life is full of unwanted cargo. Life can be full of mistakes. Maraming pagkakamali, di mo na maibabalik ang panahong nawala, desisyon na nagawa na mali. Nagkakamali ang tao. Bihira ang nakakabulls-eye. Life can be full of loses, mga kalugihan. Ang daming nawawala, pag ang laging tinitignan mo ay yung nawawala, magluluksa kayo araw-araw, something’s lost, something’s gain everyday. Maraming loses. Maraming nawawala sa buhay. Life can be full of regrets, di nauubusan ng pagsisisihan, ng panghihinayang, ganyan ang buhay, full of pain. Di nawawala ang sakit ng kalooban, mga hinanakit, kabiguan na ating dinaramdam at isinasama ng loob. Life can be full of ugly memories, hindi naman lahat ng photo album ng buhay ay parang photo album ng Kodak.


Maraming masaklap na alaala ang ginugunita ng tao. Lahat ng pagkakamali ng tao ay bumabalik sa kanya. Dahil sabi sa Bibliya, kung ano ang itinanim ay siyang aanihin. Kala mo masarap ang buhay na maraming mali pero nenenerbyos din yan kung kelan sila babalikan, hindi rin natatahimik. Mas mabuti ang tumatanim ng maganda dahil alam mo babalik at babalik din yan. Life can be also be full of enemies. Psalms 13:2, pag iniisip nating maraming pabigat ang buhay, ang daming basura. Lahat ng hirap at basura ng nakaraan. The Lord is wonderful at making new things out of old things. Galatians 5:4, pinapalaya tayo ni Hesus sa basura ng nakaraan. People can have another life, another chance in the Lord. Habang pinapahalagahan mo pa, hindi pa basura. Nagiging basura lang ang isang tao pag tinanggalan natin ng halaga. Nakikita nyo ang mga tao na nagpapakamatay? Kasi they condemned their life, they ended it because they no longer find meaning in it. Ano ang buhay na umaasenso? Ay yung pinapahalagahan ang buhay. Dahil ang buhay na pinapahalagahan basura man sa tingin ng iba, yan ay kayamanan. Jesus prescribed, recycling. Meron tayong kasiraan, problema, kapintasan.


Recycle, that’s what God want. Wag nyong isumpa ang nakaraan nyo. Kasi di pwedeng isumpa ang nakaraan. God is God of second chances. Laging nagbibigay ang Diyos ng panibagong pagkakataon, hindi tulad ng tao, pinagsasawaan tayo, hindi ganun ang Diyos. Kapag marunong tayong mag-recycle pangit man ay napapaganda, masakit ma’y pinapasarap, madilim man ay pinapaliwanag. Kung di tayo magbibigay ng chance, wala na tayong ibang buhay. Itong buhay na ito ay di dapat sayangin at di dapat itapon. Through Jesus you can go to the Father, you can have life again. Kailangan ng lahat ng tao, ma-recycle sila. Turn mistakes into wisdom. Nagkamali kayo at least alam nyo na ngayon kung ano ang mali. You are wiser, you are better, not a worse person, you are more seasoned. Why be bitter when you can be better, bakit mo gagawing mapait ang lahat kung pwede namang maging matamis? Depende sa iyong pananaw.

Monday, May 13, 2019

Do Not Be Obsessed With Youth And With Physical Beauty


Husbands are enjoined by the Bible to be faithful to the wife of their youth.
Malachi 2:15
Do not break faith with the wife of your youth.

The teaching is very clear—to the wife of your youth, not the youth of your wife—so that if your wife grows older, especially if she looks old because of you, continue to love her.

Sometimes, some women are deceived that they become obsessed and oppressed by this culture that tells them that they must look young forever. But how can you defy the forces of gravity for long? Gravity will win. Kung talagang sixty or seventy ka na, natural may konti ka nang puting buhok. Napaka-abnormal naman na itim pa rin lahat ang buhok mo at ni wala man lang kulubot ang iyong mukha. But when you age and your old look is backed up by wisdom, so much love and service rendered to people and to God, your looks become a passport to glorifying God. Hindi baling nagmumukhang matanda ang tao basta may pinagkatandaan at may pinuntahan ang kanyang pagtanda.

1 Pete 3:3,4
Your beauty should not come from outward adornment, such as braided hair and the wearing of gold jewelry and fine clothes. Instead, it should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God’s sight.

Hindi natin sinasabi sa mga babae na magmukha na lang losyang o tiriringgay. Dapat talagang maging magandang-maganda kayo. God is the God of beauty. Pero kung ang ipinagmamalaki nyo lang na kagandahan eh tatlong oras kayong nagtirintas at gangga santol ang mga perlas ninyo kaya pala nagkakandaubos na ang perlas sa Mindanao dahil suot nyo lahat ngayon, pero wala namang ibang laman ang kalooban, balewala. Ang tunay na kagandahan bukod sa nakikita lang ng mata ay yung kagandahan ng kalooban. Do not get this Scripture wrong. Kasi akala ng iba, to be Christian is simply to look as if nature has devastated and left you like a mess. It’s good to be well-appointed but if that’s all there is to you, then that is not much. The inner self is more precious in God’s sight. At hindi masyadong magastos yung beauty care na yun. Hindi masyadong mahirap gawin at affordable to all.

So, ano ang challenge sa atin? What we desire to have and keep, what we fear to lose will become our master. Ano man ang gusto natin at hinahangad na makamit at wag mawala, yan ang ating magiging amo. Ang taong may pagkaganda-gandang payong na ayaw gamitin pag umuulan dahil baka kalawangin ay alipin ng payong. May taong ang ganda-ganda ng sapatos pero huhubarin muna ito at maglalakad sa baha, di bale nang makatuntong ng mga basag na bote at ng mga bakal na matatalim wag lang mabasa ang sapatos. Sila ang sinasabi nating ginagawang amo ang mga gamit.

Tayo ba ay alipin ng mga bagay-bagay? Hindi natin sinasabing maging bulagsak tayo pero pag merong mahalagang bagay na ibinigay ang Diyos, enjoy it. Kung ito ay nawala after your best efforts to keep them, ituloy ang buhay. Life goes on. Something is lost but something is always gained in everyday life. You cannot keep everything. You have to unload. Your hands must be free of old blessings so that they will have space for new ones. May nawawal sa pang-araw-araw na buhay. Kung hindi malalaglag ang mga luman dahon sa puno, walang espasyo para tumubo ang mga bago. There is constant renewal in life. You cannot hold on to things forever. They have to be left behind.

Tuesday, May 7, 2019

Enjoy Life And Be Happy


Many people live a drab life. Pati ang panaginip nila ay black and white dahil walang kulay, walang beauty ang kanilang buhay. Let’s enjoy life and celebrate it! The Lord said, “ I have come that you may have life and have it to the full.” Ang Diyos ay hindi killjoy, hindi Nya gusto na mawalan tayo ng fun. Is it fun to be a Christian? Yes, of course, but we have a different form of fun—it’s deeper, nicer at mas masaya. Hindi naman tayo tatanggalan ng Diyos ng kaligayahan as in “ Aha, tinanggap mo akong Lord and Savior! Lagot ka sa akin mula ngayon! Hindi ganun ang Lord. In contrast, si satan ay ganun—pag tinanggap mo siya at na-possess ka na nya, lagot ka!
What the Lord does is release us from our hang-ups para mag-enjoy tayo sa buhay. Maraming tao ang selosa o seloso dahil lumaki marahil sa bahay na kulang sila sa pansin. Hindi sila nabigyan ng care, hindi sila nabigyan ng love. Lagi na lang silang naiinggit dahil talagang naapi. Pero ano ang gusto nyong mangyari? Naapi na nga kayo noon, paaapi pa ba kayo ngayon? Sarili nyo ang umaapi sa inyo ngayon. Kung hindi pa natin pinawalan ang ating sarili from the memories of the past, the only way out, the only remedy is to forgive. Then you will feel the release from bondage. This is freedom—parang may isang pyramid of Egypt ang binuhat mula sa ating ulo’t balikat, sasabihin natin, “Ay, naku! Ang tagal ko palang binubuhat yun. Ngayon ko lang nalaman na ang sarap palang wala.” You probably don’t know what you’re missing if you don’t forgive. Freedom and forgiveness must be enjoyed by all. So get rid of your anger.
Matthew 6:14-15
For if you forgive men when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you. But if you do not forgive men their sins, your Father will not forgive your sins.”

Let’s forgive for two important reasons. First, God commanded it and we cannot be forgiven unless we forgive. Second, only when we forgive will we really be free to enjoy life. A lack of forgiveness is a heavy burden, don’t carry it.

Matthew 11:28
Come to me, all you who are weary and burdened and I will give you rest.”

The Lord is willing to release us so we can manage our anger or prevent it from enslaving us. Forgive; in forgiveness there is freedom. Kanino kaya tayo galit? Siguro a cruel aunt ay kurot nang kurot sa inyo noong araw and in the recesses of your mind ay naaalala pa nyo siya. Inaantay nyo siyang tumanda para mabuhos nyo ang inyong paghihiganti at sabihin sa kanya, “Bullet day, I will giant you!” (Balang araw, paghihigantihan kita!) Talagang paghihigantihan kita!” I will coconut you!” (Ibubuko kita!) Kung galit na galit tayong naghihintay ng pagkakataong gumanti, don’t do it. Forgive those who sinned against you and be free!

Siguro may kapatid ka na lagi kang nilalamangan. O may lola tayo na bigay nang bigay ng bibingka sa pinsan natin. Pero ayaw nya tayong bigyan. May nanay tayo na doble magbigay noon ng allowance sa ating kapatid pero sa atin ay wala. May nakagalit tayong tao minsan—employer, officemate, classmate o teacher na kinuriputan ang grade natin. Imbes na maging honorable mention, tuloy naging dishonorable mention tayo dahil sa kanya! But start to forgive these people in your past. Make this monumental decision today to forgive and be happy.

Thursday, May 2, 2019

Enjoy What Life Brings


Life is short and meaningless. No one knows what is best for us and what will happen next. So, kung gusto nyong mag-enjoy sa buhay, relax and enjoy what life brings. Enjoy your height or lack of it. Enjoy your width, your length and your depth. Kung yan ang nanay nyo hindi nyo na yan puwedeng palitan. Hanapan nyo na lang ng asset at nang mag-enjoy kayo. Etong biyenan nyo, etong anak nyo, etong inyong sitwasyon. Mayrong pwedeng palitan, mayrong hindi. Yung pwedeng palitan, palitan. Yung hindi, tanggapin at enjoyin. Ganun kasimple ang itinuturo ni Solomon. Hindi ka puro reklamo nang reklamo tungkol sa mga bagay na wala sa’yo, tuloy yung nandiyan, hindi mo na-appreciate.
Ecclesiastes 7:1-14—A good name is better than fine perfume and the day of death better than the day of birth. It is better to go to a house of mourning than to go to a house of feasting, for death is the destiny of every man; the living should take this to heart. Sorrow is better than laughter, because a sad face is good for the heart. The heart of the wise is in the house of mourning but the heart of fools is in the house of pleasure.
Ayan na naman ang mga talinghaga, baka lahat kayo magpuntahan sa Arlington Memorial dahil house of mourning daw. Baka ayaw nyo nang mag-party kahit kalian o ayaw nyo nang mag-birthday.

It is better to heed a wise man’s rebuke than to listen to the song of fools. Like the crackling of thorns under the pot, so is the laughter of fools.
Anon a naman ‘tong “like the crackling of thorns under the pot?” Yun daw yun lamang pag-aapoy. Yun tunog daw ng nasusuno na kahoy, ganun lang ang tunog ng nagtatawanan na mga hangal.
This too is meaningless. Extortion turns a wise man into a fool and a bribe corrupts the heart. The end of a matter is better than its beginning and patience is better than pride. Do not be quickly provoked in your spirit, for anger resides in the lap of fools. Do not say, “Why were the old days better than these?” For it is not wise to ask such questions. Wisdom, like an inheritance, is a good thing and benefits those who see the sun. Wisdom is a shelther as money is a shelter but the advantage of knowledge is this; that wisdom preserves the life of its possessor. Consider what God has done: Who can straighten what he has made crooked? When times are good, be happy: but when times are bad, consider: God has made the one as well as the other. Therefore, a man cannot discover anything about his future.

Ayan, nawalan na ng hanapbuhay ang mga fortune-tellers at horoscope makers. Sinabi na –“a man cannot discover anything about his future.”
What else is meaningless? Asking why everythings is worse than it used to be. Yun bang you are always looking for the good old days, the good old days. Why is everything worse off than it used to be? Bakit nung araw ganun, ngayon ganito na? Eh ganito na talaga ngayon, tumigil ka na nang kaiisip tungkol sa noon g araw dahil tapos nay un.
What else is meaningless? Trying to change what God has done. Dapat nating napapaglimi-limi at mapag-aralan kung alin ba yung ginanyan na ng Diyos para huwag na nating baguhin pa. Halimbawa, “Eh paano pastor, ganito ang panga ko, pwede ko po bang dalhin ‘to sa doktor at papalitan? Napakahirap na tanong. Papalitan ko ba itong ginawa ng Diyos kasi yung iba nagagalit? Diyos ang naglagay diyan, ba’t nyo papalitan? Pero bakit yung kuko nyo ginugupit nyo? Di pahabain na rin yan dahil inilagay yan ng Diyos? So alin ang dapat at alin ang hindi dapat? I think dapat nating maisip yung pwede nating ma-improve o palitan na hindi naman natin ibebenta ang kaluluwa natin kay satanas. Yung hindi ka mapapahamak at hindi ka makakasakit ng kapwa. But there are things that just have to be accepted. At habang tinatanggap natin na mas, mas nagkakaroon tayo ng ligaya sa buhay. It is meaningless to try to change what God has done.

Wednesday, May 1, 2019

Do Not Seek and Love Power


Do not seek and love power especially power over people. History is replete with men and women who had nearly absolute power. But how did they end their earthly life? Sa kabila ng pagbubunyi, pagsunod, halos pagsamba ng mga tao sa kanila, anong uri ng wakas ang kanilang hinantungan? Kaya sabi sa 1Peter 5:3, wag tayong magnasa na maging panginoon n gating kapwa because power over other people corrupts. While power corrupts, absolute power corrupts absolutely. It’s always good to have checks and balances
What happens to people when they can do nearly everything they want to do? They self-destruct. Look at how the Roman Empire destroyed itself because of its excesses. Look at how nearly all civilizations reache an apex of prominence and wealth only to self-destruct. Poverty can purify the soul more that wealth can. That is why evern the lack of many things can become a blessing. People without taste but with money can affored bad taste. It’s terrible. Kaya dapat na nakikita natin kung ano nga ba ang kailangan natin sa buhay. Even Lucifer was corrupted because he was brilliant. Power corrupts.
Ezekiel 28:17
You corrupted your wisdom because of your splendor.

Mahirap harapin ang karukhaan pero para sa maraming tao, higit na mas mahirap harapin ang karangyaan. Maraming tao ang kayang pasanin ang hirap pero maraming tao rin ang hindi kayang pasanin ang maging mayaman o makapangyarihan. Sila’y winawasak nito. Ano ang dapat nating gawin? Seek spiritual power to control and subdue oneself. Kung meron tayong kailangang supilin hindi ibang tao kundi ang sarili natin.

Romans 7:18-19
I have the desire to do what is good but I cannot carry it out. For what I do is not the good I want to do; no, the evil I do not want to do—this I keep on doing.

And this was Paul speaking. Sabi nya, “Gusto kong bumait pero di ko magawa. Gusto kong gawin ang tama pero ang nakikita kong nagagawa ko lagin ay yung mali na ayaw kong gawin.” Kaya kailangan nating supilin ang sarili. Ano ang kanyang conclusion?

Romans 7:24-25
What a wretched man I am! Who will rescue me from this body of death? Thanks be to God—through Jesus Christ our Lord!

Galatians 5:23 also points out that the fruit of the Holy Spirit, among others, is self-control. A person who can control himself by the grace of God is a person that can shape his destiny. Self-control is important. Even Paul says in 1Corinthians 9:27—I beat my body and make it my slave. Can you imagine making your body a slave? Pag sinabi mo sa body mo, “Hindi, masama yan,” susunod siya. Gaano karami sa mga tao ang alipin ng kanilang katawan at ito ang kanilang amo? Sabin g katawan, “Wag ka munang gigising, masarap pang mahiga.” O kaya, “Sundan mo ang seksing yan at angkinin mo.” Sunod ka naman. Sabi ng mata mo, “Sundan mo ng tingin ang bag nya.” Sunod naman ang mata mo. Sabi ng paa mo, “Tumayo ka, habulin mo.” Habol ka naman. Sabi ng sikmura, “Masarap lahat yang nasa hapag kainan. Kahit marami pa sa likod mo ang nakapila sa buffet na ito, kunin mo lahat.” Kaya santambak yung nasa plato mo, sinusunod mo ang iyong katawan. We have to beat the body and make it our slave because the body becomes the entry point to the dark side, so to speak.