Tuesday, May 21, 2019

AVOID TOO MUCH ENTERTAINMENT


Ang mga taong ito ay talagang addict sa ABS-CBN. Hindi ito yung istasyon ha? ABS-CBN—ito yung Alak, Babae, Sugal, Cabaret, Bar at Night Club.
Puro entertainment. Lahat ng sinepinanood. Tuwing kambiyo ng sine nakapila na kaagad. Too much TV, too much music, too much radio.
Gaano karaming oras ang ginagamit sa pagsamba sa harap ng bagong temple at altar ngayon which is the TV set?
Nariyan pa ang computer. Gaano karaming pamilya ang nawalan nan g family altar where they can pray together pero magkakasama sa panonood ng TV?
That is where the people of this generation worship—in front of the TVset.
 Naaagawan ng panahon ang Dios. Ina-idolize ang TV. Remember, anything that stands between us and God is an idol.
Hindi natin sinasabing masama ang manood ng TV pero dapat ilalagay natin sa tamang proportion.
Baka naman mas marami pa ang oras natin sa TV kaysa sa pagbabasa ng Bible.

No comments:

Post a Comment