Friday, May 17, 2019

Recycle Your Life


Bakit kailangang i-recycle ang buhay? Kasi ang buhay di katulad ng shooting, kailangang mag-take 2. Ang nangyari, nangyari na. Di na yon pwedeng tanggalin, di pwedeng i-edit. Ang nangyari ay nangyari na at dahil sa haba ng buhay marami ang magiging pagkakamali dahil sa kakulangan ng kaalaman maraming nagiging damage. Anong gagawin mo sa isang buhay na na-damage? Ipasa-Diyos ang lahat na nakaraan at sa tulong Niya, recycle life. Life can be full of garbage, life is full of unwanted cargo. Life can be full of mistakes. Maraming pagkakamali, di mo na maibabalik ang panahong nawala, desisyon na nagawa na mali. Nagkakamali ang tao. Bihira ang nakakabulls-eye. Life can be full of loses, mga kalugihan. Ang daming nawawala, pag ang laging tinitignan mo ay yung nawawala, magluluksa kayo araw-araw, something’s lost, something’s gain everyday. Maraming loses. Maraming nawawala sa buhay. Life can be full of regrets, di nauubusan ng pagsisisihan, ng panghihinayang, ganyan ang buhay, full of pain. Di nawawala ang sakit ng kalooban, mga hinanakit, kabiguan na ating dinaramdam at isinasama ng loob. Life can be full of ugly memories, hindi naman lahat ng photo album ng buhay ay parang photo album ng Kodak.


Maraming masaklap na alaala ang ginugunita ng tao. Lahat ng pagkakamali ng tao ay bumabalik sa kanya. Dahil sabi sa Bibliya, kung ano ang itinanim ay siyang aanihin. Kala mo masarap ang buhay na maraming mali pero nenenerbyos din yan kung kelan sila babalikan, hindi rin natatahimik. Mas mabuti ang tumatanim ng maganda dahil alam mo babalik at babalik din yan. Life can be also be full of enemies. Psalms 13:2, pag iniisip nating maraming pabigat ang buhay, ang daming basura. Lahat ng hirap at basura ng nakaraan. The Lord is wonderful at making new things out of old things. Galatians 5:4, pinapalaya tayo ni Hesus sa basura ng nakaraan. People can have another life, another chance in the Lord. Habang pinapahalagahan mo pa, hindi pa basura. Nagiging basura lang ang isang tao pag tinanggalan natin ng halaga. Nakikita nyo ang mga tao na nagpapakamatay? Kasi they condemned their life, they ended it because they no longer find meaning in it. Ano ang buhay na umaasenso? Ay yung pinapahalagahan ang buhay. Dahil ang buhay na pinapahalagahan basura man sa tingin ng iba, yan ay kayamanan. Jesus prescribed, recycling. Meron tayong kasiraan, problema, kapintasan.


Recycle, that’s what God want. Wag nyong isumpa ang nakaraan nyo. Kasi di pwedeng isumpa ang nakaraan. God is God of second chances. Laging nagbibigay ang Diyos ng panibagong pagkakataon, hindi tulad ng tao, pinagsasawaan tayo, hindi ganun ang Diyos. Kapag marunong tayong mag-recycle pangit man ay napapaganda, masakit ma’y pinapasarap, madilim man ay pinapaliwanag. Kung di tayo magbibigay ng chance, wala na tayong ibang buhay. Itong buhay na ito ay di dapat sayangin at di dapat itapon. Through Jesus you can go to the Father, you can have life again. Kailangan ng lahat ng tao, ma-recycle sila. Turn mistakes into wisdom. Nagkamali kayo at least alam nyo na ngayon kung ano ang mali. You are wiser, you are better, not a worse person, you are more seasoned. Why be bitter when you can be better, bakit mo gagawing mapait ang lahat kung pwede namang maging matamis? Depende sa iyong pananaw.

No comments:

Post a Comment