Thursday, May 30, 2019

PUT GOD IN YOUR LIFE AS EARLY AS POSSIBLE


Be as Godly as possible before you get damaged or ruined. Maraming mga tao ang napapalapit lang sa Diyos dahil napupwersa ng kasakitan, ng kahirapan, ng kung anu-anong mga problema. Mabuti nang napalapit tayo sa Panginoon at mabuti naman na ang mga problema at hirap natin ay naging daan para mapag-isip-isip natin ang Panginoon at lapitan Siya. Pero mas maganda sana kung nauuna na tayong lumalapit bago pa dumating ang mga krisis natin sa buhay. Para kahit tayo ay nire-restore ng Panginoon kung dumaan tayo sa hirap at kung anu-anong mga damages mas madali naman at mas maganda kaysa hanguin pa tayo sa napakarami nating kinasadlakan at ayusin pa tayo sa napakarami nating gustong sinalihan bagama’t yun ay nagagawa ng Panginoon. Pero napakaganda kung maagang nakikilala ang Diyos bagama’t walang huli kahit deathbead conversion, yun talagang huling hininga na nung nakakilala sa Panginoon (salamat at maganda yun). Pero kung mas maaga, mas mabuti.

Ecclesiastes 12:1-2
Keep your Creator in mind while you are young! In years to come, you will be burdened down with troubles and say, “I don’t enjoy life anymore.” Someday the light of the sun and the moon and the stars will all seem  dim to you. Rain clouds will remain over your head.

Sinasabi dito ng may-akda na darating ang panahong tatanda ka rin. Marami ka ring mga bagay na gustung-gusto ngayon na hindi mo na rin magugustuhan. Mawawalan ka na rin ng gana. Dati ay hilig na hilig mo. Ang sabi, bago pa man dumating iyon, alalahanin mo na ang Diyos habang bata ka pa lang. Bago dumating yung mga panghihinawa mo at pagkapagod. Bago ka maubusan ng lakas, kilalanin mo na ang Panginoon para may lakas ka pang natitira para sa Kanya. Mayroon ka pang mga panahong nalalabi para paglingkuran at kilalanin Siya at makisalamuha ka at makipagmabutihan sa iba ring mga anak ng Diyos. Ang sabi ng verse, agahan yan. Kaya mayroon tayong mahalagang misyon na habang maaga ay dalhin sa Panginoon ang mga bata sa ating pamilya, maaaring anak o ano pa man. Isama sila sa church, sa Sunday school, sa youth camp, sa Vacation Bible School para maaga ang paglapit nila sa Panginoon.

Proverbs 22:6
Teach your children right from wrong and when they are grown they will still do right.

Mas madaling magturo kaysa sa mag-repair ng may damage na. Well, God can restore broken lives but it is infinitely easier just to improve on what is already good.

No comments:

Post a Comment