Saturday, May 25, 2019

YOU CANNOT PLEASE EVERYBODY


Ano’ng mahalaga? Humaharap ka sa Diyos araw-araw, malinis ang konsensiya mo, alam mo you have done your best although you are not perfect. You may not even be excellent. You may not even be very good. You may only be fair. But if this is already your best, yun na yon. Yun ang sinasabing huwag nyo nang baguhin ang nilagay diyan ng Diyos. Kung talagang IQ mo 10, alangan namang magpakamatay ka para maging 15. Just do what you can to improve your life within the context and confines of what you can do, but don’t kill yourself and others trying to do what you cannot do. Dahil hindi ka sasaya and you will make everybody else around you miserable.
May pastor na mayrong congregation of 200 members, tapos may dalawang nagrereklamo, parang mabigat na mabigat na ang mundo niya, pasan na ang daigdi dahil sa dalawang ito. Hayaan nyo na yung dalawa o tatlong magreklamo. Dahil alangan namang palitan nyo ang buong planeta para sa kanila. You cannot please everybody. Ang sinasabi ni Solomon, you have already done your best. You cannot be what you are not.
Ano pa daw ang meaningless? Being smart and understanding everything too much. Totoo nga naman. Kasi yung mga kaunti lang ang alam mas masaya. O mga asawang babae—di ba nong hindi nyo pa alam na may kulasisi ang asawa nyo masaya kayo? Noong malaman nyo, naging miserable na kayo. Yung iba sa inyo, research pa nang research. Umuupa pa ng kung sinu-sino. Umaarkila pa ng taxi para sundan nang sundan itong asawa. Bakit nyo hinahanap lahat ng mababantot sa buhay? Para lang kayo magmukmok at magreklamo at para kayo hindi sumaya. The point is, don’t be too smart, don’t try to know everything. Dahil ang mundong ito ay twisted, deformed and the more you know, the more you will discover reasons to be sad.
Sino ba ang pinakamasaya sa church? Eh, di yung mga nag-a-attend. Mga kumakanta ng This is the day, this is the day. Subukan nyong maging deacon o maging elder, mababawasan ang inyong mga kaligayahan sa buhay. Dahil malalaman nyo na lahat ng problema nung church. Lahat ng ganito’t lahat ng ganon. Subukan nyong maging pastor. Mababawasan ang inyong kaligayahan. What I’m saying is, ang naka-honeymoon mode with God yung mga kaunti lang ang alam. Because the more you know, the sadder you get. Ganun talaga ang buhay. Kaya sabi ni Solomon, “Oh God, what kind of burden that you have given to men! That you should make them wise only to be sad.” Kaya ang sinasabi ng iba, “Better by far you should forget and smile, than that you should remember and be sad.”

2 comments:

  1. Amen.thank you Lord,at pinagkakaloob mo ang needs ko..God Blessed ptr.Ed

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat SA Patuloy na paalala , Pastor eds nawa'y pagpalain ka pa Ni God, nang SA ganun maraming ka pang matulungan SA pamamagitan nang salita

    ReplyDelete