Sunday, September 15, 2019

Ano ba ang solusyon sa ugali ng sobrang selosa?


Pag ang asawa nyo ay palaselos, liban na lang kung siya ay abnormal o baliw, ikaw ang may kasalanan nun. Nagkukulang kayo ng patunay sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala. Magseselos ba yun nang walang nararamdaman na insecurity? Obligasyon nyo, you make your spouse feel secure about your love. Kaya dapat magbigay kayo plalagi ng assurance, salita, gesture, regalo, presence, praises. Everything.
Palagay ko, tama lang na magselos ang isang asawa. Alangan namang may nakakandong sa inyo tapos hindi siya magseselos? Para yatang mali yun. Pero kung meron lang naman nakipagkamayan sa inyo at mamaya ay inaaway na niya kayo, abnormal na yon. In other words, merong selos na righteous at merong unrighteous. Kaya kung yung selos niya ay tama lang, ikaw ang nagkukulang.
Halimbawa, kung may kausap kayo at ang lagkit-lagkit ng inyong tinginan na parang mga pagkit ang inyong mga mata. O kaya eh may asawa kayong tao at laging may tumatawag sa inyo sa bahay na babae at hinahanap kayo sa dis-oras ng gabi. Aba, abnormal naman ang asawa nyo pag hindi nagselos!
I would say that 75% of the time, pag may nagseselos na asawa, ang may pagkukulang ay yung  pinagseselosan more than yung nagseselos. So, mag-isip-isip. Imbis na siya ang sisihin mo, tanungin mo muna ang sarili mo—ano bang pagkukulang ko sa pagpapatunay ko sa kanya na wala siyang dapat ipangamba?



No comments:

Post a Comment