Sunday, September 8, 2019

Okey lang bang manood ng t.v. shows na kailangang bumili ka ng certain products para makasali sa contests?


Para rin talaga siyang sugal kasi ang taya mo eh, yung mga balu-balutan at sobre-sobre. Meron ka ring binibili, meron ka ring nilalagay doon sa pot, hoping na pag umikot ang kapalaran, sa’yo mapupunta lahat ng laman ng pots. Eh, di sugal din yon. Kahit pa talaga namang bumibili ka ng ganung product, ke may contest o wala. The point is, because of the way they hype-up this promo, ang dami ngayong kababayan natin ang nahuhumaling. Halimbawa, Nanay, bakit ang ulam natin ngayon ay toothpaste? Eh, nag-iipn ako ng balutan eh! Napunta na lahat ng pera sa toothpaste. Hindi na na-balance ang budget dahil sa kagustuhang manalo. Parang text games and contests. Yung bayad nyo sa call ang taya!
Tapos sabi nila, nagkakagulo ang mga tao sa pagpila and everything. Alam nyo, I’m very uncomfortable with theat kasi nasa-sacrifice yung human dignity. Ang katawan ng tao ay tahanan ng Espiritu ng Diyos kaya dapat tayong kagalang-galang at iginagalang. Kung nagkakagulo kayo, halos mag-riot para manalo ng isang premyo, nadi-degrade ka sa hirap dahil lang baka mabunot ka. Pambihira namang ipinagsasapalaran mo ang iyong buhay.
We believe in the teaching of the Bible that prosperity comes through hard work, through productive labor, hindi sa tsamba-tsamba.
Kung ako kayo, hindi ako sasali diyan. Sa pagsali, ini-encourage nyo sila na gumawa ng mga ganyang klaseng activities na nagsasamantala sa kahirapan ng marami nating mamamayan. Kasi ang gusto lang naman nila, TV rating—yung maraming nanonood para kumita sila nang kumita, para magmahal yung kanilang mga advertising slots. So, kailangan nila, maraming tao. Wala silang pakialam kung ang mga taong ito’y mapapahamak o umasa sa wala, pero kailangan nila maraming tao. So, huwag nating i-encourage ang ganitong klaseng ala-swerte na pamumuhay. If I were you, I will stay away from it, dahil nakaka-degrade.


No comments:

Post a Comment