Thursday, September 12, 2019

Sa ating pagdarasal o pagtawag sa Panginoon, bakit tayo nakayuko? Di ba dapat nakatingala sa itaas dahil ang langit ay nasa itaas?


Kaya tayo yumuyuko, it’s a symbol of humility.
Well, kung gusto nyo tumingala, pwede, kaya lang nakakangawit naman yun.
Alam nyo, ang Diyos ay nasa lahat ng dako.
So it doesn’t really matter kung nakatingala kayo, nakatabingi o nakataob.
Ang mahalaga, ang puso ninyo ay nakatuon sa Panginoon.
Kadalasan, kaya tayo yumuyuko para huwag na nating makita yung iba.
Para makapag-concentrate. Kasi kung nakatingin ka kung saan-saan, nadi-distract tayo.
Sasabihin mo, Ay, si ano hindi nakayuko. Ay, hindi nagdarasal.
Nagiging judgmental tuloy tayo. Kaya mabuti pa, manahimik at yumuko na.



2 comments: