Friday, September 27, 2019

Is it right for a boy and a girl to kiss and touch each other passionately as an expression of their affection?


Gaano ba dapat ka-passionate? Kissing and touching leads to sexual arousal and desire. The moment you treat the body of another person as a tool in gratifying your sexual desires, immoral na yun. Ginagamit mo na yung tao as a tool to satisfy a selfish feeling. To avoid all these, do not kiss. Kasi ang masama sa kissing na kay tagal-tagal, mamaya you get so warmed-up until you are filled with lustful feelings na. Kaya hindi maganda yun. And touching passionately is a definite no-no! Remember, sex belongs only in marriage. So, don’t do anything before marriage, anything that will lead you to sex.
It breaks my heart so much when young people get married dahil pregnant lang si babae. That’s a very awkward way to get married. Kaya dapat hindi kayo gumagawa ng bagay that might lead to another, then to another and another until you lose control. And it’s so easy to lose control. So dapat ang ethics nyo sa date, mag-pray muna kayo and make a covenant with each other that you will not indulge in sex or that you will not do acts that may lead to sex.
Paano naman yung HHWW (Holding Hands While Walking)? O sige, pwede na yun paminsan-minsan, lalo na pag tumatawid ng kalsada o bumababa ng hagdan. Kung naipit siya ng elevator at gusto mo siyang hilahin palabas, pwede mo na siyang hawakan sa braso. Pero yung mga namumulupot na parang mga baging habang naglalakad, hindi naman maganda yun for Christians. You know why? The Bibe says that your body is the temple of the Holy Spirit, that you must glorify God with your body. Pre-marital sex must never be a part of your activity no matter how in love you are. Kung meron sa inyong nakagawa na niyan, you better stop, repent, renew your commitment to the Lord and begin all over again. And to those of you who haven’t congratulations! Keep it up!
Kung kayo’y mag-boyfriend, huwag kayong magdi-date  ng masyadong private. Yung nag-iisa ka sa dorm mo, Punta ka rito, mag-aaral tayo. Aha! Anong pag-aaralan nyo diyan? Biology? Huwag kayong napag-iisa sa isang kuwarto lang. Kasi, kayo ay mga banal! Kung anu-anong kademonyohan ang lalabas at mangyayari kapag kayo ay nag-iisa, so avoid that! Kung ang boyfriend nyo ay masyadong aggressive whenever you have a date, dapat there is a table between you! Kung wala, magdala ka ng portable table! Dun ka lang sa kabilang mesa, lumayu-layo ka, dahil hindi yun dapat. Kung minsan naman yung babae ang aggressive. At ikaw naman, hindi komo lalaki ka at aggressive siya, pagbibigyan mo na. Lalaki ka nga, pero Kristiyano ka rin! So, dapat ikaw naman ang mag-stand for morality kung itong babae eh,ayaw! Ikaw na lalaki ang mag-lead. In fact, ang lalaki dapat ang leader in terms of spirituality.
O kaya sasakay kayo sa bus at dun pa kayo sa kalikud-likuran. Nakaparada na sa terminal ang bus at hinuhugasan na, hindi nyo pa alam. Hindi dapat ganun. Remember that the purpose of a date is know each other better and to enjoy each other’s company, not to have sex! Christians, don’t forget, the Lord is watching you. Kaya mga babae, huwag kayong papayag. Huwag kayong papayag!


2 comments:

  1. Halleluja...thank you Lord for reminding us..control our lust,strength our spirit fears..

    ReplyDelete
  2. No more compromises. :) Thank you po for this. 💜

    ReplyDelete