Sunday, November 24, 2019

Dapat bang iwasan ang isang kapatiran na hindi nakakatulong sa inyong paglago?


Hindi naman kasi ikaw ang dapat na tumulong para siya lumago. Hindi naman tayo nakikipagkapatiran dahil lang meron tayong mapapala. 

There are moments na sila’y nangangailangan, so tayo ang magbibigay. 

We are the salt of the earth. We are the light of the world.

 Kung saan may darkness, dapat nandoon tayo. Kung saan may matabang o nabubulok, nandoon ang asin. 

Para ang nabubulok ay maging daing at yung matabang ay magkalasa. Kung iiwasan nyo ang nabubulok at ang matatabang, bakit pa kayo naging asin? 

Anong silbi natin sa mundo? Wala. 

Ang dapat nyo lang iwasan, yung mga taong ang geneal effect ng kanilang presence sa inyo ay nahihila kayong pababa. 

Kung hindi pa tayo malakas at tayo’y nahihila pababa, umiwas muna. Mas mabuting wala munang friendship kaysa nadadamay kayo sa pagbulusok pababa. 

Palakasin nyo ang inyong sarili at balikan sila para mahila pataas.


Thursday, November 21, 2019

Can you further explain, Once saved, always saved. Kahit nag-backslide na ang believer, saved pa rin ba?


Ang pinanghahawakan nung iba na natatanggal yan, minsan Hebrews 5:4-6. It is impossible for those who have once been enlightened, who have tasted the heavenly gift, who have shared in the Holy Spirit, who have tasted the goodness of the word of God and the powers of the coming age, if they fall away, to be brought back to repentance because to their loss they are crucifying the Son of God all over again and subjecting Him to public disgrace. Minsan naman, Matthew 24:13 na ang sabi, He who remains steadfast to the end will be saved. Actually, it refers to the tribulation saints, na kapag nawala na ang tunay na mga mananampalataya o kaya dumating na ang anti-Christ, ay maliligtas pa rin. Sila yung mga hindi magpapatatak ng 666, yung mga hindi makikisali sa Gawaing anti-Christ. Meaning, at the end of that period or at the end of their life, whichever comes first, sila’y maliligtas. Kasi sa Revelation, ang kaligtasn ay hindi na nakabatay sa grace. Kung nag-tribulation na halimbawa at nawala na lahat ng Kristiyano, nag-rapture na tulad ng sinasabi sa Bible, Kailangan nyo pa ban g faith nun eh ayan na ang evidence? So hindi na trough faith, hindi na through grace; by woks na. Ang salvation after rapture is by works, so he who remains faithful to the end will be saved. Hindi naka-apply sa atin yung verse na yun; sa tribulation saints yun! I can go on and on—ang dami pang mga verses na pinanghahawakan ng mga naniniwala na natatanggal yung salvation, pero ang tingin ko sa lahat, personally, parang misreading. Kaya nga ang tawag ng Panginoon sa mga born-again Christian ay saints Si Paul, matapos pagalitan ng katakot-takot yung mga churches na sinusulatan niya, tatawagin niyang to the saints of Corinth. Kasi, sabi niya, inspite of all your errors, saints pa rin kayo sa tingin ng langit kasi lahat ng kasalanan nyo bayad na.
Sasabihin naman noong mga worrier, Naku, huwag nyong ituro yan, baka i-abuse nila, pero ituturo ko kung ano ang sinabi ng Bible. Kasi walang tunay na anak ng Diyos na mag-aabuse niyan, dahil nga sa 2 Corinthians 5:17, You are a new creation. Ang katotohanan nga niyan, tayong mga Kristiyano, pag nagkakasala, di ba parang papel na nagkalamuta-lamutak an gating puso because you know that something’s wrong. Wala pa akong nakitang Kristiyanong, Nagkasala na naman ako, buti na lang may grace. Alam mo, talagang magkakasala na naman ako bukas. Wala namang ganun. Talaga namang ika’y nagluluksa kapag nakagawa ng mali, dahil alam mo, di natutuwa ang Diyos.
Dalawa lang ang relihiyon sa mundo. Tanggalin nyo yung mga labels, dalawa lang. Isa, yung ang tao ang savior niya, sarili niya. Isipin nyo ang lahat ng relihiyon na ang savior ng tao ay sarili niya—gawin mo ito par aka ma-save, sumali ka sa ganito par aka ma-save, magpalista ka dito par aka ma-save, gawin ang ganitong ritual par aka ma-save, huwag mo itong kainin par aka ma-save. Ito relihiyong tao at ang kanyang ginagawa ang savior niya. Ang daming ganong relihiyon, isa lang ang tatak. At pangalawa, yung ang Savior niya ay ang Panginoong Hesus. Ang ginawa ni Hesus sa krus at hindi ang mga ginagawa ng tao.


Tuesday, November 19, 2019

What tips can you give to encourage teenagers of today to draw nearer to God?


Una, huwag pilitin. Huwag yung, Hoy, gumising na kayo, magsisimba na tayo. Pag araw-araw ganun ang ginawa nyo, araw-araw lagi kayong tutulungan. Pag nagpapaiwan, iwanan nyo. Kesa naman sasama pero nakasimangot, walang kibo at lagi ninyong ini-entertain, dahil napilit nyo lang. Ipag-pray nyo sila na magkaroon talaga ng conviction to go to church.
Second, tiyakin nyo naman na attractive yung program ng church para sa youth. Kasi pupunta nga doon tapos nabaduyan sila at nakornihan. Talagang hindi na babalik yon.
Even though you are the parens or elders, earn your right to be heard. Hindi lang laging authority mo ang iyong gagamitin para madiktahan mo ang anak mo. Nandoon nga, pero nasaan yung puso? Dapat maganda ang testimony ng mga elders mismo sa bahay nila at nang hindi napa-plastikan sa nanay, sa tatay o sa kuya. Kaya kailangan damang-dama ang testimony. Dahil tayo mismo ang advertisement ng churc, wala nang iba. Huwagkayong mamilit. May nakita na ba kayo, kahit saan sa Bibliya, na pinilit ng Panginoon? Wala. Nag-iinvite lang Siya.


Monday, November 18, 2019

In your tape message, Dance to the Lord, you mentioned that God commanded us to worship Him through dance. What if we don’t?


Una, hindi naman tayo nagkakasala kung hindi tayo sasayaw. Marami namang paraan ang pagsamba. Kaya lang, hindi rin naman kasalanan na sumayaw kung ang pagsayaw natin eh, para mag-worship sa Panginoon. Ngayon, ang sayaw na pang-worship sa Panginoon ay hindi dapat malaswa. At saka hindi nadudungisan ang puri ng mga nagsasayaw. It should really be an expression of worship.
Singing to the Lord is worhip and so is dancing to the Lord. Tanong natin, bakit? Eh, desisyon ng Diyos yun kung bakit Niya ginawa na ang dance is one of the highest forms of worship na nakalulugod sa Kanya. Kaya nga nang pintasan ni Michal na asawa ni David ang pagsayaw nito before the ark of the covenant, and kasunod na verse sa 2 Samuel 6:23, And Michal….had no children to the day of her death. Naging baog siya, kasi i-honor ng Panginoon ang sayaw. What is worship if not ministering to the Lord and giving the Lord delight? Mayroon palang ibinibigay ang Lord sa ating kakayahan na pasayahin Siya. Definitely, hindi nyo mapapasaya ang Diyos kung kayo mismo ay hindi masaya. Kung may kasama kayong napakapormal at walang kakibu-kibo, hindi kayo mag-eenjoy. Kung ang kasama nyo expressive at mas joyful, mas nag-eenjoy ang Diyos. At kung nag-eenjoy ang Diyos nagbo-blowout Siya. So, when we really praise and worship God through our tithes and offering, yun ang mga tunay na acts of worship. Then the Lord is delighted.
Sa Pilipinas kasi, ang tradisyon at ekspresyon natin ay talagang music and dance. We dance from the cradle to the grave. Kaya kung ang Filipino church eh mahilig magsayaw, ang Korean church mahilig mag-pray, yung Amerikanong church mahilig manahimik at makinig sa isang sermon, walang mali doon. Those are cultural flavors of one and the same taste. Ngayon, kung may nagbabawal, siguro they came from the part of conservative missionaries that perceived dance as evil. Dahil daw sumayaw itong si Salome kay Herod kaya natanggalan tuloy ng ulo si John the Baptist, evil ang pagtingin nila sa sayaw. Pero alam nyo, ang martilyo, kung pwede nyong ipamukpok ng tao at maging weapon of evil. Ganyan din ang sayaw. Pwede nyo yang gamitin for the Lord’s glory, pwede nyo ring gamitin to glorify satan. No work of art has a moral dimension on its own. It is amoral because it is non-living. What you do with it will give it morality.

Saturday, November 16, 2019

Paano ang mga tumanggap sa Panginoon na hindi nagpatuloy—mga backslider, nawawala ba ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay?


Dapat nating linawin ang paggamit nung term na backslider. Hindi pwedeng gamitin yung label na backslider para sa isang nakasama natin na nasa buhay ng kasalanan ngayon. Baka kasi naging istambay lang siya dito sa atin at ang real habitation nya ay ang kanyang kinalalagyan ngayon.
Ang isa pang dapat maging malinaw dito ay yung hindi pagpapatuloy sa pagkakasala. Ang totoo, wala pang Kristiyanong tumanggap kay Kristo na nakapamuhay nang hindi nagkakasala. Sabi sa 1 John 2:1, I write this to you so that you will not sin. Pero ang ganda nung kasunod, but if anybody does sin. Ang isang Kristiyano ay nagkakasala. Pero hindi sinasang-ayunan ng Bible na yung Kristiyano na yun ay magpatuloy dun sa kasalanang ginagawa niya. Kapag nagpatuloy siya, hindi tama iyong tanong na “Ligtas pa ba siya?” Ang tamang tanong ay “Totoo nga kayang tinanggap na niya si Hesus?


Wednesday, November 13, 2019

When we are finally ushered into heaven, will each of us be given new and everlasting names, as in Revelation 2:17 and Isaiah 56:5?


The name is always representative of the personality. Kaya si Saul ginawang  Paul. AT sabi nga nitong si Naomi, Call me Mara, dahil nagkaroon ako ng napakamiserableng buhay (Ruth 1:20). Nagpapalit sila ng pangalan dahil napalitan ang kanilang pagkatao. Kaya naman, dahil napapalitan ang pagkatao sa pagpunta natin sa piling ng Diyos, para tuloy dapat din palitan an gating pangalan. Kung yung pagpapalit ay literal o hindi, ang ibig sabihin lang, magkakaroon ng pagbabago sa ating buong pagkatao at sa ating kalooban. Sa kultura ng Israel, kailangan ding palitan ang iyong pangalan. Whether that is literal or not is not the point. The point is—we will be changed.


Is annulment of marriage contrary to the Scripture?


Hindi palagi. Meron talagang mga kasal (sa seremonya) na hindi naman talaga totoong nagkaroon ng kasal (sa espiritu). Isa kasi sa mga pamantayan nila ngayon yung psychological incapacity. Meron naman talagang mga kaso na hindi na nag-transpire yung marriage. Ang kontra sa Scripture ay yung divorce. Sa Malachi 2:16, very direct ang statement ng Diyos, I hate divorce. Yan ang pwede nating sabihin categorically na against sa kalooban ng Panginoon.


Sunday, November 10, 2019

Is it enough to say sorry for our sins to be justified?


Yes, when you mean it from your heart. Repentance is not only feeling sorry for your sin, it is feeling sorry enough to leave it. To turn away from it and turn to the living God. Kasi may mga tao, Sorry ha? Napabayaan kita. Pero pinapabayaan pa rin kayo palagi. Hindi yun sorry. Yung sorry na, Pasensya ka na ha? Hindi ako nakakapagluto para sa’yo, dear. Pero hindi pa rin nagluluto, so walang kwenta yung ganung pagiging sorry. Ang tunay na repentance ay sobra ang pagkaka-sorry nyo na ayaw nyo nang balikan ang inyong kamalian. Nandidiri kayo sa inyong ginawang  mali at ayaw nyo nang maulit pa yun. That is the kind of repentance God wants.


Friday, November 8, 2019

What’s the difference between tithes and offering?


The mere word tithe means tenth, ika-sampu. Ibig sabihin, kung pagbabasehan natin ang Biblia, ika-sampung bahagi ng lahat ng kabuhayan na ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi atin kundi sa Diyos. Halimbawa, empleyado ako, sumusuweldo ako ng 10,000. Ang akin ay 9,000 lang, yung 1,000 sa Diyos yun. Ang baboy ko nanganak ng sampu, yung isa doon kay Lord, siyam lang yung akin. Ang papaya ko namunga ng sampu, siyam lang yung akin, isa kay Lord, so dapat yun isina-submit sa church. Kaya sabi ni Lord sa Malachi 3:8, Will man rob God? Yet you are robbing me. Kasi may mga tao, hindi nila binibigay yung tenth. Ang tawag sa hindi nagta-tithe, magnanakaw. Ang tanong naman nung iba na gustong makaisa sa Diyos based ba sa gross o net? Siyempre, kung kayo’y swelduhan, gross, kung kayo’y nagtitinda, net. Alangan namang pati puhunan kasali pa. Pero kung kayo’y suwelduhan, kayo’y binabayaran, eh syempre sa gross. Ngayon, kung magkakamali kayo, commit an error on the side of generosity rather than on the side of stealing from God. Kung hindi kayo nakatitiyak, tiyakin ninyo na sumobra kesa kumulang. Kasi, kung sumobra, marunong si Lord ng arithmetic, isinusuli Niya, may dagdag pa. Pero sa dunong Niya sa arithmetic, pag dinaya nyo, sisingilin Niya at may iba pang hila. Sa Malachi 3:9, Cursed are you because you are robbing me, Naku may kasama pang sumpa! Kaya kung malilito kayo, doon na kayo magkamali sa napasobra kaysa kumulang. Kasi ang Diyos alam Niya kung sumobra, ibabalik Niya. Paano Niya ibabalik? Hindi naman NIya ibinabalik sa bulsa nyo. Halimbawa, naglalakad kayo, dapat sana masagasaan kayo ng tricyle, nadala kayo sa ospital, nagpa-repair pa kayo ng mukha nyo sa kung sinu-sinong mga aesthetic surgeon. Yung ibinibigay nyo sa Diyos na binabawas nyo sa 90%--yun ang inyong offering. Pag nag-tithe ka, ang totoo’y hindi ka pa nagbibigay, nagsa-submit ka lang. Pag nag-offering ka above the 10%, doon ka lang nagbibigay sa gawain ng Panginoon.


Tuesday, November 5, 2019

The Bible seems to be full of mysteries and contradictions. Could you please comment on this statement?


First, I’d like to disagree with this statement. Wala namang contradiction yung Bible. When you cannot understand the Bible, doubt your capacity to understand and not the Bible. We are not always capable of concepts. Lalong-lalo na kung iisipin natin na ang Bibliya ay isinulat sa isang matalinghagang paraan. At hindi naman lahat tayo merong scholarly background to be able to dissect nuances of meaning. Yun kasing objective of expression noon is iba sa ngayon. For instance, hindi sila obsessed lagi sa precision noong araw.


Saturday, November 2, 2019

Saan ba nanggaling ang ugali ng maraming Pilipino na nagtatapon ng basura kung saan-saan lang?


Kung oobserbahan natin ang maraming Pilipino—napakabuting kaibigan, napakabuting kamag-anak, pero questionable ang marami kung mabuting mamamayan! Kasi tayong mga Pilipino, kailangan pa natin ma-develop ang concept of belonging to a nation. Maraming mga Pilipino think in terms only of our barangay or region. Kaya, Ako ay Kapampangan. Ako ay Ilokano. Ako ay ganito. Ako ay ganon. Pero bihira yung, Ako ay Pilipino. Kaya kailangan, mas makita pa natin that we are a nation. Para mas magkaroon pa tayo ng good citizenship.
May isa akong iniisip na dahilan kung bakit ang Pilipino ay kalat nang kalat, hulog nang hulog ng basura sa ilog, nag-uuwi ng mga wire ng kuryente at ng mga bakal na takip ng kanal, pati nga mga bakod ng kalsada nilalagari at inuuwi. Kasi hangagang ngayon, maraming Pilipino ang hindi pa nakikita ang gobyernong kanila. For almost 400 years, the government of Spain was an oppressive tool against our people. And then for another 50 years of American rule, the government was also used against the people. Di ba, ang mga bayani nating sina Macario Sakay, tinawag pang mga tulisan dahil lumalaban sa mga Amerikano? Tulisan ang tawag sa iyo dahil makabayan ka. Ang tawag sa iyo ay masamang tao. Hanggang ngayon, kapag kayo ay nationalist, akala nila anti-American kayo. Ganun ka-damaged ang ating kultura.
In other words, for so long, ang tingin ng Pilipino sa pamahalaan ay kalaban. Dahil ang pamahalaan at ang hukbo ng pamahalaan ay napakatagal na ginagamit lang ng mga foreign powers and then later on, by a few elite people. So and tingin ng maraming mamamayan sa gobyerno, lalung-lalo na sa ating hukbo, ay kalaban. Kaya wala silang malasakit sa gobyerno.
There is, I think, a second reason kung bakit maraming nagkakalat. Siguro, lack of education. Kasi nakikita naman natin, the more educated ones ay mas malinis. Although hindi lahat. Minsan, ang gaganda ng kotse, biglang iro-roll down ang bintana, maghahagis ng balat ng mais. Walan g malasakit sa bayan. Pero ang kakulangan sa edukasyon at ang kaakibat nitong kakulangan sa economic development ay isang malaking dahilan talaga.