Sunday, November 24, 2019

Dapat bang iwasan ang isang kapatiran na hindi nakakatulong sa inyong paglago?


Hindi naman kasi ikaw ang dapat na tumulong para siya lumago. Hindi naman tayo nakikipagkapatiran dahil lang meron tayong mapapala. 

There are moments na sila’y nangangailangan, so tayo ang magbibigay. 

We are the salt of the earth. We are the light of the world.

 Kung saan may darkness, dapat nandoon tayo. Kung saan may matabang o nabubulok, nandoon ang asin. 

Para ang nabubulok ay maging daing at yung matabang ay magkalasa. Kung iiwasan nyo ang nabubulok at ang matatabang, bakit pa kayo naging asin? 

Anong silbi natin sa mundo? Wala. 

Ang dapat nyo lang iwasan, yung mga taong ang geneal effect ng kanilang presence sa inyo ay nahihila kayong pababa. 

Kung hindi pa tayo malakas at tayo’y nahihila pababa, umiwas muna. Mas mabuting wala munang friendship kaysa nadadamay kayo sa pagbulusok pababa. 

Palakasin nyo ang inyong sarili at balikan sila para mahila pataas.


No comments:

Post a Comment