Saturday, November 16, 2019

Paano ang mga tumanggap sa Panginoon na hindi nagpatuloy—mga backslider, nawawala ba ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay?


Dapat nating linawin ang paggamit nung term na backslider. Hindi pwedeng gamitin yung label na backslider para sa isang nakasama natin na nasa buhay ng kasalanan ngayon. Baka kasi naging istambay lang siya dito sa atin at ang real habitation nya ay ang kanyang kinalalagyan ngayon.
Ang isa pang dapat maging malinaw dito ay yung hindi pagpapatuloy sa pagkakasala. Ang totoo, wala pang Kristiyanong tumanggap kay Kristo na nakapamuhay nang hindi nagkakasala. Sabi sa 1 John 2:1, I write this to you so that you will not sin. Pero ang ganda nung kasunod, but if anybody does sin. Ang isang Kristiyano ay nagkakasala. Pero hindi sinasang-ayunan ng Bible na yung Kristiyano na yun ay magpatuloy dun sa kasalanang ginagawa niya. Kapag nagpatuloy siya, hindi tama iyong tanong na “Ligtas pa ba siya?” Ang tamang tanong ay “Totoo nga kayang tinanggap na niya si Hesus?


No comments:

Post a Comment